XIII

4.3K 117 1
                                    


PAGLABAS ni Jaq ng kwarto ay nakarinig siya ng mga ingay mula sa ibaba. Parang boses ng babae. At hindi iyon boses ni Elia. Siguro ay isa sa mga pinsan ni Brien. Tuloy ay napabilis ang pagbaba niya ng hagdan.

Pagbaba niya sa may living roon ay nakita kaagad niya kung sino ang pinagmumulan ng malakas na tinig. Isang babae na hindi pa niya nakita o nakilala. Marahil nga ay pinsan ni Brien. The girl was wearing a tight fitting dress na parang hindi akma sa panahon.

Akmang aatras na siya para bigyan ng privacy ang mga ito ng marinig ang sinabi ni Brien.

"Ashley, please. Nag-usap na tayo. Ng maraming beses," Brien's voice seemed tired and irritated.

"Ikaw lang ang nagdesisyon sa lahat ng pag-uusap natin. I won't leave unless you decide to give us another chance."

Oh. Us. Another chance. Parang hindi yata pinsan ni Brien ang babae.

"Come," lumapit si Brien sa ibang babae. "Sa ibang lugar tayo mag-usap."

"No!" marahas na sagot ng babae bago tumayo at lumayo kay Brien. "This is the perfect place to talk about our relationship."

Relationship. That is it. Tila may mumunting kurot sa puso ni Jaq dahil doon. Unti-unti siyang umatras upang bigyan ng privacy ang dalawa ng mapatingin sa direksiyon niya ang babae. She froze.

"Oh, good. Bago na pala ang katulong mo. Can you get me glass of water?"

"Ha?" napatingin siya kay Brien. His face was grim. "S-sige, sandali lang––"

"Jaq, no," matigas na wika ni Brien.

"Go," taboy ng babae na Ashley ang pangalan. "A glass of water. Without ice," isinenyas pa nito ang kamay upang i-dissmiss si Jaq bago muling humarap kay Brien. "Hindi ka lang pala sa relationship mabilis magsawa. Sa maid rin. But it's fine. I'm taking you back. And this time, hindi mo ako basta-basta maitataboy."

Pagkasabi niyon ay naupo ito ng padekuwatro sa mahabang couch. She crossed and uncrossed her legs na gustong magpatawa kay Jaquelyn. Nagmaliw ang insecurity niya dahil sa iritasyon na nasa mukha ni Brien. Clearly, sa mga sinabi ng babae ay hiwalay na ito kay Brien. And the woman's antics was really funny. Hindi araw-araw ay nakakakita siya ng ganoong eksena.

"Come here, Jaquelyn!" dumadagundong ang tinig ni Brien ng tawagin si Jaq.

Tumigil siya sa akmang pagtalikod. Napapalunok na pumihit siya at unti-unting bumalik sa may sala. Namumula ang mukha ni Brien dahil sa pagpipigil ng galit. Nang magtama ang mga mata nila ay parang gustong tumungo ni Jaq sa tabi ng binata at haplusin ang noo nito upang mawala ang kunot roon. Though he still look so handsome in his scowl, she prefers seeing his relax and happy face.

HINDI inaalis ni Brien ang tingin sa mukha ni Jaquelyn habang papalapit siya rito. Sa sandaling magkalapit sila ng dalaga ay sinaklit niya ito sa baywang at hinapit palapit sa kanyang katawan. Her body went rigid.

He didn't mean to be a savage but he can't help it. Hindi magawang magmaliw ng kanyang galit. Nang yukuin niya ang dalaga sa kanyang tabi ay puno ng tensiyon at discomfort ang mukha nito. He doesn't want that.

"Jaq, is not my maid," madiing wika niya sa dating girlfriend. "She is my girlfriend."

Natigilan ng husto si Ashley. She was gaping at them with eyes wide open. Hanggang sa unti-unti ay mag-crack ang anyo nito. She started laughing. Hanggang sa maging histerikal na ang tawa nito.

"You and her..." muli na namang lumakas ang tawa ni Ashley. Tila nagkaroon ng panibagong intensity.

Brien's mood intensified as well. Dahil sa paninigas ni Jaq sa kanyang tabi. Niyuko niya ang dalaga. He was expecting to see tears or self-pity or sadness. Sa halip ay iritasyon ang nakita niya sa mukha ng dalaga. She was almost scowling.

"Goodness, Brien! You're taste has... developed," ani Ashley sa pagitan ng pagtawa.

Nang maramdaman ni Brien na tila lumalayo si Jaq ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang nito. "I'm not kidding, Ashley. Jaq is really my girlfriend. And she lives here."

Sa pagkakataong iyon ay unti-unting nagmaliw ang tawa sa mukha ni Ashley. Pumalit roon ang hindi pagkapaniwala at horror.

"You know what, Brien?" kinuha nito ang pouch, marahil sa wakas ay aalis na rin ito. "Next time, use a much more believable escape goat. Not a stray-looking cat."

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon