MABILIS siyang tumatakbo. Ngunit kahit anong tulin niya'y tila malapit na malapit pa rin ang humahabol sa kanya. Ni hindi niya magawang makaiyak maski na impit. She was so afraid. Fear like never before engulfed in every system of her body. She was very tired as sweat bursts into every part of her being.
Ngunit sadyang hindi tumitigil ang mga paa niya. She didn't dare look back. Hindi niya alam kung sino ang humahabol sa kanya. Ang tiyak lamang niya'y ayaw niyang malaman kung sino iyon. At hindi siya makapapayag na maabutan ng kung sinuman––
May sumaklit sa kanyang buhok. Tila matatangay ang buo niyang anit sa tindi ng paghiklas sa kanyang buhok. Nagwala siya. Nagsisigaw at nagpapasag ngunit tila walang anuman iyon sa humihila sa kanya. Hanggang sa tila siya nilalamon ng kadiliman. Doon siya nagsimulang umiyak.
Unti-unti niyang binuksan ang mga mata. Her vision was blurry. Ngunit hindi niya tinangkang pumikit. Hinintay niya hanggang sa magkahugis ang paligid. Kulay puti ang nakikita niya sa bahagya pa lamang lumilinaw na paningin.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Tila may nakapasok na kung ano sa kanyang ilong at bibig. Hindi rin siya makagalaw ng maayos. Noon lamang nag-sink in sa kanya na nakahiga siya. Pero saan? Bakit masakit ang buo niyang katawan lalo na ang ulo? At bakit tila hindi siya makahinga ng maayos?
Nagsimula siyang makadama ng labis na pagkabahala. She tried to wiggle. Hanggang sa pilit niyang inilalabas ang tinig. Ngunit walang anumang lumabas mula sa kanyang bibig. Fear begins to reign over her.
Hindi maari ito! Hindi ako dapat na narito!
Sa gitna ng pagluha at pagwawala ay nakarinig siya ng mga tunog. Hanggang sa may humarang sa line of vision niya. She can't say much about the face. Mas lalo siyang nagwala dahil may mga humawak sa kanya. May tila karayom na bumaon sa kanyang braso ngunit hindi siya sigurado.
Natigil lamang ang pagwawala niya ng madama na may humawak sa kanyang kamay. Mainit at puno ng seguridad. At tila kinakalma niyon ang kanyang nagwawalang puso't kalooban.
It's okay. Everything gonna be alright... says the soothing voice.
Gusto pa niyang patagalin ang pagnamnam sa init sa kanyang palad at sa tinig an iyon ngunit tila siya hinihigop sa kadiliman. She didn't want to. Kumilos ang kamay niya at sinapo kung anuman ang nakahawak na iyon sa kanyang kamay. Pakiramdam ba niya'y mawawala ang takot niya dahil doon.
PAGMULAT ng kanyang mga mata ay sumalubong na naman sa kanya ang kulay puti na kanya ring nakita ng huli siyang magkamalay. Makailang ulit na siyang pinagbalikan ng malay. At sa bawat pagkakataong iyon ay hindi maganda ang pakiramdam niya. Subalit hindi niya iyon alintana.
All because of the soothing voice of a man. Not just his voice but the touch of his hand on hers.
Sa pagkakataong ito ay wala siyang naririnig na tinig at wala ring nadarama na nakahawak sa kanya. Bumaling siya sa kaliwa upang tingnan kung walang tao roon. Nang matiyak na wala ay unti-unti na naman siyang nakadama ng takot at pagkabahala.
She somehow figured out she was in a hospital.
Maliban sa pagsakit ng kanyang ulo ay may nadarama rin siyang kakaiba sa kanyang mukha lalo na sa bahaging ilong. Sinubukan niyang ikilos ang mga kamay. Nang maigalaw niya iyon ay napanatag siya ng bahagya. Gusto niyang hawakan ang mukha subalit sinagilahan siya ng takot. Paano kung hindi niya magustuhan ang magiging resulta niyon lalo't may nadarama siyang kakaiba sa kanyang mukha?
Sinubukan naman niyang igalaw ang mga braso. Nang ma-realize na kaya niya ay sinubukan naman niya kung magagawa niyang bumangon. Itinukod niya ang magkabilang palad sa kinahihigaan. Ngunit hindi niya makaya. Masaki tang buo niyang katawan. Partikular na ang mga buto niya sa tagiliran.
"Hi."
Lumipad ang paningin niya sa pinanggalingan ng tinig. Unti-unting lumalapit sa kanya ang isang lalaki. At hindi niya matiyak kung totoo ba ito o isang aparisyon lamang. He seemed too good to be true.
He must be an angel. Except that he was wearing a white lab gown.
Nakasunod rito ang mga mata niya habang lumalakad ito patungo sa may gilid ng kamay. She can't look away. Para bang nangangamba siya na maaring mawala ito kapag umiwas siya ng tingin.
"Gusto mo bang sumandal? Here, let me help you up." Bago pa siya makasagot ay naroon na ang doktor at inaalalayan siya. The mere touch of his hand on her skin sent jolts of electricity on her whole body. Para bang tinatalo niyon ang sakit na nadarama niya.
He smells like alcohol. Very clean and safe. At sa ganito kalapit na distansiya ay kitang kita niya ang kaanyuan ng doktor. He has a very pleasant face. At kung hindi siya nagkakamali ay iba ang kulay ng mga mata nito. It was... blue or green? Mukhang kailangan pa niya itong titigan ng matagal para makatiyak. Napansin rin niya na bahagyang brown ang kulay ng buhok nito.
Diretso naman ang pananagalog nito kanina kaya't natitiyak niya na Pilipino ito.
Nang tuluyan siyang makasandal sa mga magkakapatong na unan at bumitaw na ito sa kanya ay tila gusto niyang magprotesta. She looked at him as his kind eyes bored into hers. She felt a hot rush on her cheeks but she can't look away. She doesn't want to.
He's really good looking. Truly. Napalunok siya. And that's when she noticed na tuyong-tuyo ang lalamunan niya.
"C-can I have some water?" nahihiya man ay hiling niya rito.
"Sure," he moved with such grace suited to him. Lumapit ito sa may table na naroon sa silid. Saglit lamang ay inalalayan siya nitong muli upang uminom ng tubig mula sa straw. She drank the whole bottle greedily. Matapos iyon ay parang gumanda pa ng bahagya ang pakiramdam niya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong muli ng doktor.
Pinakiramdaman niya ang sarili. "I... I don't know. I guess mas mabuti kaysa n'ong huli akong magising. Gaano na ako katagal na narito?" tanong niya.
"Two weeks."
"Two weeks?" gimbal na gagad niya. Ibig sabihin ay dalawang linggo na pala siyang nagigising at nakakatulog ng paulit-ulit.
"Yeah," mas lalo pang naging malambot ang ekspresyon sa mukha ng doctor. "I'm sorry, I forgot my manners. I'm your doctor. I'm Brien de Gala," he extended a hand.
Tinitigan niya munang mabuti ang kamay nito. His hand was as fine as his face. His fingers were long and delicate. Marahan niyang tinanggap ang palad nito. And the moment their hands touched, she knew his hand was the one holding hers during her worst nightmares. She looked up to him. Their eyes met.
"Walang kahit anong identification ang natagpuan sa'yo during the day of your accident."
Accident. She's been to an accident? Bahagya niyang naipilig ang ulo.
Wala siyang natatandaang aksidente. She shut her eyes. At... at wala rin siyang natatandaan na kahit ano ukol sa kanyang sarili. Not even her name. Nagsimula siyang makadama ng labis na pagkabahala. Bakit wala siyang natatandaan? Her brain seems empty.
"Are you okay?" Brien touched her shoulder in a very warm and friendly gesture.
Her eyes shot up to him. "Wala akong matandaan na kahit ano. Ni h-hindi ko alam ang pangalan ko." Pumikit siyang muli ay nagpilit na humagilap ng kahit na ano sa kanyang isipan. Ngunit nagdulot lamang iyon ng pagsakit ng kanyang ulo.
Pagmulat niyang muli ay kagyat na nanlabo ang kanyang paningin dahil sa luha. "Anong nangyayari sa'kin?" she began to sob hysterically.
May dumaang tila pagdidilim sa mukha ni Brien. Ngunit ng tingnan siya nito ay magaan ang mga mata nito. "Shh..." Brien touched her head. "Everything's gonna be alright." Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at inihiga siya. "Get some rest. Paggising mo ay mag-uusap ulit tayo."
He must have that command in her dahil sa sandaling ipikit niya ang mga mata ay tila siya pinangibabawan ng antok. She was so afraid of the darkness. But his soothing voice and warm hands calmed her soul.
AN" Hello! I know I said I was going to update every other day. I changed my mind. I'm going to update everyday. 😊
BINABASA MO ANG
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)
Romance"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at h...