XXX

5.2K 101 2
                                    


"YOU cut your hair," komento ni Brien habang pinagmamasdang maigi ang mukha ni Jaq. Her hair was very short. It framed her face.

"The weather's pretty hot."

Lumapit pa siya ng ilan pang hakbang palapit rito. "How are you, Jaq?" tanong ni Brien ng tumigil sa mismong harap ng dalaga. Nag-iwan siya ng isang hakbang na pagitan. He doesn't trust himself. Kung mas lalapit pa siya ay baka hindi na niya masabi ang mga gustong sabihin rito.

He has too many things to say to be distracted. Too much is at stake.

"I'm... I'm fine. So... who are you visiting?"

Pinakatitigan niyang mabuti ang mukha ng dalaga. Hinahanapan niya ng senyales na nasasabik rin itong makita siya. Na na-missed rin siya nito kahit kaunti. But he can seem to see beyond her mask right now. It was still her, alam niya iyon sa kabila ng trenchcoat and pencil cut skirt at eye-glasses na suot nito. Very lawyer.

And he needed to crack that façade. He needs to see her underneath the clothing and the serious façade.

"You. I'm here for you."

A flicker of emotion crossed her eyes. Subalit mabilis rin iyong naglaho.

"Why?"

"Why?" parang gustong matawa ni Brien. Hindi ganito ang inaasahan niya. He was expecting... well, anything but this. "You left without even saying goodbye."

"I said goodbye."

He groaned. "You can't be serious about that goodbye."

"Nag-iwan ako ng sulat," tumalikod si Jaq pagkasabi niyon. Nagsalin ito ng brandy sa baso.

"And you think that letter is enough? Jaq, look at me," akmang hahawakan niya ito sa braso upang iharap sa kanya ng pumihit ito hawak ang dalawang baso na may lamang brandy. Iniabot nito sa kanya ang isa.

"I'm sorry, ito lang ang mai-aalok ko sa'yo. I already ate dinner at the office."

Tinanggap niya ang baso at inisang lagok ang laman niyon. Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa mukha ng dalaga. She looked thinner. There was a hollow on her cheeks na nawala na ng manirahan ito sa Kanaway. It gave him hope. That maybe... just maybe, she can't eat just like him. And maybe, she was drinking to sleep as well dahil kung wala ang tulong ng alcohol ay hindi rin ito makakatulog.

"You've lost weight."

Nagbikit-balikat lamang ito bago itinaas ang bote. "Want more?"

Huminga siya ng malalim bago inagaw ang bote rito. Yeah, needed more. Pagkasalin sa baso ay ininom niya ang laman niyon at kasama ang bote ay inilapag niya iyon sa mesa. "We need to talk, Jaq."

"Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa sulat."

Nakuyom niya ang kamao. "Oh, good. Ako naman ngayon. Marami akong gustong sabihin. You've decided the course of our relationship on your own. Now I'll do it my way."

Nagyuko si Jaq. "Wala tayong relasyon, Brien."

Tuluyang nagdikit ang kanyang mga kilay. "What?"

Sa pagkakataong iyon ay nag-angat ng paningin si Jaquelyn. Blangko ang ekspresyon nito. "Narinig mo ako, Brien. We were just... we were... nothing."

Taas-baba ang dibdib ni Brien sa paghugot ng malalim na paghinga.

Nothing.

They were nothing to her? Pero hindi iyon ang nilalaman ng sulat nito. She said she loves him. That he is the only person she loved more than herself. At naniniwala siyang totoo iyon. Is it possible that she gotten over her feelings for her in the weeks that passed? Nahuli na ba siya ng dating?

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon