XI

4.7K 108 2
                                    


"FIVE minutes," hiling ni Jaq kay Brien ng tumigil sila sandali upang magpahinga.

"Told you, masyadong malayo 'yon," sagot ni Brien habang inaalalayan siya paupo sa damuhan.

He was carrying a flashlight upang makita nila ang daan. Subalit para kay Jaq ay sapat naman ang liwanag ng buwan. At tama si Brien. The moon was truly beautiful. May mumunti pang bituin na nagkikislapan sa kalangitan.

Ang lugar daw na sinasabi nito ay malapit na sa may paanan ng bundok. Bahagi pa rin ng Kanaway subalit dulo na.

Pagkatapos na maabutan sila nina Ciara at Lucas sa bahay ng huli ay ipinakilala siya ni Brien sa magkasintahan. At tulad ng iba pa na naunang ipinakilala ni Brien, mabuti naman ang naging pakitungo ng mga ito sa kanya. They even invited them to stay until dinner. Na siyempre pa, pinaunlakan ni Brien.

Pagsapit ng gabi ay nagpaalam na sila.

And that was twenty minutes ago.

Hindi nga nagbibiro si Brien ng sabihin nito na malayo ang pupuntahan nila. But he still looked fine to her. Habang siya ay hinihingal ay tila balewala lamang rito ang nilakad nila. As if he was walking on clouds gayong may mga bahagi ng daan na malubak. Kung hindi nga ito maagap ay malamang na gumulong na siya sa kung saan kanina pa.

"Fifteen minutes more. That is, kung katulad pa rin kanina ang pacing natin," he said as he laid himself on the grass.

Gusto sana ni Jaq na gayahin ito. Malamang na mas magandang pagmasdan ang kalangitan sa ganoong posisyon. Subalit nag-aalala siya na baka hindi na niya gustuhing bumangon pa. The feel of the grass on her hand was dangerously inviting.

"Fifteen minutes?" sa halip ay tanong niya kay Brien. Nakapikit ang mga mata nito.

Dumilat ang isang mata ng binata. "Yes. Suko ka na ba?"

"No," mabilis niyang tugon. "As a matter of fact, gusto ko na nga ulit lumakad." At para patunayan ang sinabi ay tumayo na siya.

Tatawa-tawa naman si Brien ng bumangon. "Fine, let's get on. And maybe you should hold my hand para mas maging mabilis tayo. That way, I would be sure you're safe."

Napatitig si Jaq sa kamay ni Brien bago unti-unting inilapat roon ang kanyang palad. Kagyat na hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay at tinangay siya sa paglakad. Noon lamang unti-unting pinakawalan ni Jaq ang paghinga na hindi niya namalayang pinipigil pala niya.

Habang naglalakad ay pinipilit niya na itutok ang pansin sa daan at sa paglalakad. Kahit pa nga ba tila umaakyat patungo sa kanyang puso ang init na nagmumula sa palad ni Brien. Alam niya na hindi dapat ganoon ang epekto ng pakikipag-hawak ng kamay ng binata sa kanya. Subalit hindi niya mapigil ang reaksiyon ng sariling bahagi ng mga katawan. Tila ba may sariling isip ang mga yaon.

Dahil din doon ay parang hindi na niya namalayan ang paglakad nila. Ni hindi na rin siya nakadama ng kapaguran. She was just aware of his strong hands and footsteps.

"We're here," ani Brien makalipas ang ilang sandali na pakiramdam ba ni Jaq ay napakabilis lamang.

Luminga ang dalaga sa paligid. "Here?" luminga siyang muli. Pinatay na ni Brien ang flashlight kaya't wala siyang nakikita.

"Yes, here." Bumitaw na ito kay Jaq.

Her hand felt suddenly empty. Sinanay niya ang mga mata sa kadiliman bago siya tumingin sa itaas. The moon was so bright and round tulad rin kanina. Nagulat siya ng bahagya ng hawakan siya ni Brien sa balikat. "Come and look from here. Look at the water."

Ilang hakbang ang ginawa niya bago siya inianggulo ni Brien upang makatingin sa direksiyon na sinasabi nito. And she saw it. The water was like crystal. It glitters because of the moonlight. It was beautiful, breathtaking.

"It's a newly discovered hotspring. Balak i-develop ni Achaeus kasabay rin ng mas lalo pang pagpapalawak ng Kanaway." Iginiya siya ni Brien paupo sa mga bato habang nagsasalita ito. "You'll feel good kapag inilubog mo ang paa mo sa tubig."

Hinila niya pataas ang pantalon na suot hanggang sa may ilalim ng tuhod. Pagkuwa'y inilubog niya ang paa at binti sa tubig. At parang gusto niyang mapaungol ng madama ang mainit na tubig. Parang gusto niyang tumalon at maglunoy. Malaking ginhawa ito sa malamig na panahon ng Kanaway.

"Brien––"

"Please don't say you're dying of heart attack. And no, not another thank you, Jaq."

Napapailing na nangiti na lamang siya bago tumingala. She wished she knew when was the last time she looked at the beautiful moonlight. "Talaga bang ganito kaganda ang buwan sa lahat ng panahon?" mahina lamang niyang bulong.

Fortunately or unfortunately, Brien heard it. He leaned closer and whispered near her ears. "Yes. I've always known. I spend more time awake at night kaya mas na-a-appreciate ko ang kalangitan tuwing gabi. The moon, of course."

His deep voice tickled her ears. Para bang mas lalo pa niyong na-stimulate ang kanyang nadaramang paghanga sa buwan. At para bang kahit sabihin nito na minsan ay nagiging square ang buwan ay maniniwala siya.

There was a little, very little light shining in his face. It almost made him look like a silhouette. Sa ganoong kaunting liwanag ay mukhang aparisyon ang lalaki. Kung ngayon mo lamang ito makikita ay mapapaisip ka kung totoo ba ito o hindi. Ngunit kahit siya mismo sa sarili ay parang gusto niyang isipin na hindi ito totoo. Natatakot siyang ipikit ang mga mata dahil baka kapag dumilat siya'y matagpuan na lamang niya ang sarili sa loob ng ospital.

"Anong iniisip mo?"

"Huh?" she blinked. Nasorpresa siya kung gaano na kalapit ang mukha ni Brien sa kanya.

"Anong iniisip mo?"

"Iniisip ko lang na..." masyado kang maganda para maging totoo, "masyadong maganda ang lugar na ito."

"True," his voice was so low. Mas lalo pang lumapit ang mukha nito.

Her eyes shifted to his lips. Hahalikan ba siya nito? Tumaas muli ang kanyang mga mata patungo sa asul na mga mata ni Brien na ngayon ay hindi niya nakikita. It was just a sparkle. Like a dark marble looking directly into her lips.

"Brien..."

"Yes?"

Sa sandaling tumama sa mukha ni Jaq ang mainit na hininga ng binata ay napapikit siya. Tuluyan niyang nakalimutan ang gustong sabihin. Sa halip ay inangat niya ang mukha at naghintay na madama ang labi nito.

If he would kiss her... if he would, then that would really be the death of her. That would––

His lips touched hers. Just a simple touch. He kissed her and kissed her with light pressure. The more he kissed her the more the think she would die. But she didn't and she's not likely to be.

Basta't ang tanging alam lamang niya'y parang ayaw na niyang matapos ang sandaling ito. If this is just a good night kiss, she hoped she could have this kiss every night.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon