XXII

4.2K 110 2
                                    

"ANG sabi ng Auntie Elia ay paborito mo raw ito," wika ni Brien habang nilalagyan ng pork adobo ang plato ni Liam.

Hindi kumibo ang bata. Tumango lamang. Si Jaq ay hindi rin kumikibo. Tahimik lamang siyang kumakain at nagmamasid sa mag-ama. Nang tingnan siya ni Brien ay tumango siya, urging him to keep on talking to the kid.

Habang nasa kusina si Brien at nagluluto ay siya ang kumatok sa kwarto ni Liam. He won't open his door, alam iyon ni Jaq. So she did a little trick. Sinabi niya na gusto itong kausapin ni Elia. Totoo naman iyon. Sa telepono nga lamang.

Then she nudged the kid to the kitchen kung saan naroon si Brien at nagluluto ng paborito ng bata.

Tumawag si Brien kay Elia upang itanong ang mga bagay tungkol kay Liam na hindi nito alam. Which pretty much sums up everything. Simula sa pagluluto ay si Brien lamang ang nagsasalita. At lahat ng conversation nito ay para kay Liam. Hindi na mukhang galit ang bata, but he was cold. Ilang salita pa lamang ang nasabi nito.

Pagkatapos ng dinner ay nauna ng tumayo si Jaq. Ngumiti siya ng matamis sa mag-ama na kapwa tumingin sa kanya.

"I've had a tiring day kaya siguro naman palalagpasin n'yo na ako ngayon. Kayong mag-ama na lang ang maghugas ng mga pinagkainanan natin. You can do that right?"

"Yeah, of course," tugon ni Brien.

Dumako ang mga mata ni Jaq sa bata. Mas lalo niyang ginandahan ang ngiti. "Liam?"

Atubili man ay tumango rin ito. "Yes. But I don't know how."

"Oh, expert d'yan ang daddy mo. Siya ang bahalang magturo sa'yo."

She felt fulfilled and satisfied as she walked out of the kitchen.

NANG mapag-isa na si Brien at si Liam ay hindi tiyak ng una kung saan magsisimula. Maybe he should start by apologizing.

"I'm sorry, Liam," sa wakas ay nagawa rin niyang mailabas. Ngunit ang mas mahirap na bahagi ay ang maghintay kung ano ang isasagot ng bata.

"You hate me."

Napahugot ng matalim na paghinga si Brien. He stared at his son's sad face. His heart was pierced. Gusto niyang hawakan ang bata subalit pakiramdam ba niya'y wala siyang karapatang gawin iyon. "I don't hate you, son," he whispered.

"You don't hate me. But you don't love me as well. And if something happens to grandma, si Auntie Elia na lang ang nagmamahal sa akin ng tunay."

Nagbabara ang lalamunan ni Brien sa labis na emosyon. He had been so wrong all along. Inisip niya na mas makakabuti sa anak ang kung ang kapatid niya at ina ang magpapalaki rito. Ngunit sa ginawa niya'y inilayo lamang niya ito sa kanya. At isang bagay ang ikinait niya rito. He made his son feel alone and unwanted.

He's stupid but... "Can you give me chance, Liam? I will try to be a father to you. Kung papayagan mo ako."

May sandaling kislap ng pag-asa sa mga mata ng bata. Subalit kaagad din iyong napalitan ng kaseryosohan. At ng tumango ito ay hindi na nagdalawang-isip pa si Brien na yakapin ng anak. That's the first time he did it. And he will make sure it won't be the

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon