XV

4.4K 119 2
                                    


"BRIEN?"

Napakunot-noo si Brien ng mapansin na nakatingin sa kanya ang mga pinsan. Meaning to say, Achaeus, Teyonna, Lucas, Jules, Claude and Yanno.

Naroon sila ngayon sa bahay ni Achaeus upang pag-usapan ang tungkol sa pag-develop ng Kanaway, kasama na roon ang hot spring at iba pang bahagi. They wanted too to expand the agriculture area of Kanaway. It was Teyonna and Jules' idea.

Sa tingin niya'y magandang ideya naman iyon. So he decided to indulge himself in his little thoughts. Little thoughts about Jaq.

She looked so beautiful wearing the dress he bought for her this morning. The dress fits perfectly. Kung alam lamang niya na itinatago ng mga sweater at pants ang katawan nito ay noon pa sana siya bumili ng damit para rito. Not really ogling a sick person. Just admiring.

And her legs. Hers got to be the most amazing pair of legs he had ever seen.

When he kissed her the other day, she seemed dazed. Alam niya na kahit hindi nito sabihin na gusto siya ay talagang gusto siya nito. Ngunit gusto pa rin niyang marinig. Perhaps he could coaxed her into it by... kissing her again.

"Do you agree with what I said?" tanong ni Achaeus na nagpabalik ng atensiyon ni Brien sa kasalukuyan.

Nag-isip siya kung ipapaulit ba kay Achaeus ang sinabi nito. His cousins looked at him expectantly. So he decided to nod. "Yep, I couldn't agree more." At ipinangako niya sa sarili na hindi na uulitin pang muli ang hindi makinig sa susunod kapag kausap ang mga pinsan.

"Really?" kunot-noong balik ni Achaeus.

"Itinanong ni Achaeus kung girlfriend mo na ba si Jaquelyn," sabat ni Dash. "Really, Brien?"

"What?" pinaglipat niya ang tingin sa mga pinsan. Tumigil ang kanyang paningin kay Achaeus. "Iyon ba talaga ang itinanong mo?"

"No," puno ng amusement ang mga mata ni Achaeus. Dash, along with his other male cousins laughed. "Bakit ko naman itatanong 'yon habang nagmi-meeting tayo? But now that you've said it, girlfriend mo na nga ba si Jaquelyn?"

"You're all crazy," naiiling na wika ni Brien.

"Yes," agaw ni Teyonna. "So pwede na ba tayong bumalik sa meeting?"

Sa pagkakataong iyon ay itinutok ni Brien ang buong atensiyon sa meeting. He was listening intently at kapag hinihingi ang kanyang opinyon ay ibinibigay naman niya iyon.

Patapos na ang meeting ng mag-ring ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa. Nang tingnan niya iyon ay telephone sa bahay ang kanyang ina ang nakarehistro sa monitor. His mom rarely calls him using the telephone. He answered it.

"H-hello," ang nanginginig na tinig ni Liam ang nakaringgan ni Brien.

"H-hello, Liam? What happened?" kagyat na sinagilahan siya ng takot. Tuloy ay tumutok rin sa kanya ang atensiyon ng mga pinsan pagkarinig sa pangalan ng kanyang anak.

"Something happened to grandma," wika ng bata sa garalgal na tinig. "She's sick and we've called the ambulance and... Auntie Elia's not answering her phone. You should come here!"

"I got it. Just relax and hand the phone over to Nana Myrna," ang tinutukoy niya ay ang pinakamatagal nilang kasambahay.

He talked to the maid. Parating na raw ang ambulansiya at dadalhin ang kanyang ina sa St. Joseph Hospital, the hospital where he practices. Matapos tapusin ang tawag ay inulan siya ng tanong mula sa mga pinsan.

"Inatake si Mama, and we need to go to the hospital," sila ni Elia ang tinutukoy niya. Hindi pa niya alam kung gaano kalala ang naging atake ng kanyang ina. Hindi niya maaring isama si Jaq sa ospital. Kaya naman hinarap siya sila Jules at Teyonna. "Please, samahan n'yo muna si Jaq sa bahay."

"No problem," mabilis na tugon ni Jules. "Tawagan mo kami para malaman naming kung anong nangyayari sa ospital."

Habang tumatakbo patungo sa kanyang bahay ay walang ibang naririnig si Brien kundi ang tibok ng kanyang puso. He was horrified. The pain and horror was slowly crippling him. Hindi na siya magtataka kung mamaya lamang ay mamamanhid na siya.

Not his mom. Not this time.

LUMINGON si Brien ng maramdaman na may humawak sa kanyang balikat. Si Elia iyon. Tinanguan lamang niya ang kapatid bago niya ibinalik ang tingin sa ina na nakahiga at natutulog. He was sitting beside her bed, holding her hand. He wanted her to feel his presence.

"You should go home, Kuya," anito. "Okay na si Mama, wala ka ng dapat na ikatakot."

Tama ang kapatid. Dumaan sa bypass operation ang ina. And she'd been here in the hospital for a week now. She's safe. Subalit hindi pa rin niya mapigilan ang pag-aalala. He was afraid na baka bigla na lamang mawala ang kanyang ina at wala siya sa tabi nito sa sandaling iyon. He doesn't want to feel useless. Again.

"Go home and rest, Kuya. Ako na ang bahala kay Mama. Sa susunod na linggo naman ay maari na siyang umuwi, right?"

"Ako na ang bahala kay Mama, Elia. You go home," tugon niya ng hindi tumitingin sa kapatid.

"Kuya, makinig ka sa'kin kahit ngayon lang. Mas lalong mag-aalala si Mommy kung sa tuwing magigising siya ay ikaw ang makakagisnan niya. I doubt it if you even take a bath or look yourself in the mirror. You look like a caveman." Hindi kumibo si Brien. At hindi rin gustong sumuko ni Elia. Sa pagkakataong iyon ay mas may diin ang tinig nito.

"And in case you haven't realized, Christmas vacation na ni Liam. You should go home to Kanaway and bring him there. Masyado na nating na-neglect ang bata nitong nakaraang linggo. He still needs to be taken cared of."

Nahagod niya ang buhok. "Listen, Elia. I really want to stay here. Bakit hindi na lang ikaw ang umuwi ng Kanaway at isama mo si Liam? Mas kaya mo siyang alagaan kaysa sa'kin."

The grimness on Elia's face was unmistakable. "He is your son. Surely it wouldn't hurt kung sisimulan mong pag-aralan ngayon kung paano siya alagaan. At mas kaya kong alagaan si Mama. Lalo na kapag nakalabas na siya ng ospital."

Napahugot ng matalim na paghinga si Brien. alam niya na walang masamang ibig sabihin ang kanyang kapatid sa sinabi. Ngunit parang may mabigat na kamay pa rin ang dumagan sa kanyang dibdib.

"And besides... Jaq needs you, too, right?" he face was flat. But Brien has a feeling she meant something else. "Mas kaya mo siyang alagaan."

Ipinilig ni Brien ang ulo. These past few days na hindi siya nakauwi ay ilang beses niyang nakausap sa telepono ang dalaga. She said she's fine. His cousins keeps her company. Nag-aalala rin daw ito para sa kanyang ina.

"At isa pa..." there was a catch in Elia's voice, "dinala ko na kahapon si Liam sa Kanaway."

Halos lumuwa ang mga mata ni Brien. "What did you––where?"

"Sa bahay mo, saan pa? Don't worry, na-explain ko na kay Jaq ang lahat. And of course, na-explain ko rin kay Liam ang kalagayan ni Jaq kahit papaano. Jaq offered to look after him ng umalis ako kanina."

Parang gustong lumobo ng utak ni Brien. "What did you say to her?"

"Na anak mo si Liam, that's all. Ikaw na ang magpaliwanag sa kanya kung may ibang detalye ka pang gustong idagdag."

Nahahati si Brien sa kagustuhang sakalin ang kapatid at magmadali na sa pagbalik ng Kanaway. He should be the one to told Jaq about his son. Hindi niya ma-imagine kung ano ang naging reaksiyon ng dalaga sa pagkakita sa kanyang anak.

And... why does he have to worry kung ano ang naging reaksiyon ni Jaquelyn sa kaalaman na may anak siya? Ano ba sila?

"You should go now, Kuya."

Right. Imbes na nag-iisip siya rito ay dapat na bumabalik na siya sa Kanaway. He got up and kiss his mother's head. "Call me kung anuman ang mangyari," aniya sa kapatid bago ito hagkan sa noo sa kabila ng inis na nadarama niya rito.

Jaq and Liam. How could Jaq take care of Liam when she, herself, needs caring as well.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon