Chapter 1

63 5 7
                                    

"Kuya!!! Gisiiiiiing na!!! Lagot ka kay daddy sige!!! Kuyaaaaaaa!"pangungulit ni Reynaldo, kapatid ko, Reynaldo Mendoza Jr.

"Oo eto na. Palibhasa d ka nagpuyat dahil sa projects eh."sagot ko... "Project!!!! Huuu lokohin mo lelong mo" pang aasar nya. Sumagot namn ako syempre," d mo kasi ako katulad, masipag ako gumawa ng projects saka assignments, unlike you na mahilig mag plagiarize" sagot ko in an angry way.

Sasagot pa sana si Reynaldo ng biglang... "Hindi ba kayo bababa dyan ha!? I'll smash your heads pag akyat ko dyan" sigaw ni papa mula sa ibaba dahilan para mapatakbo sya papuntang pinto. Napansin kong naka uniform sya. Oh my!!! May pasok nga pala. Akala ko Sunday palang waaaah. Bumalik lng ako sa katinuan nung sinabi ng kapatid ko na"bahala ka dyan kuya. Ayokong mapagalitan ni daddy". Dahil dun agad akong bumangon at nagbihis. Pag baba ko sa dining room, sumalubong sakin ang nanlilisik na mata ni daddy.

"Buti naisipan mo pang bumaba. Ikukulong kita doon pag d ka pa lumabas" galit na sabi ni daddy. Sya si Reynaldo Mendoza Sr. Tatay ko. Syempre kaya Sr. Kasi sa kanya nanggaling ang pangalan ng kapatid kong si Reynaldo Mendoza Jr.

Nakakainis.. D ba pedeng napasarap lng ng tulog? Pero kailangan ko maging magalang para sa mataas na baon HHH. "Sorry dad. I promise not to repeat it"."Don't promise me, do it", nakasmirk na sagot ni daddy.

"Darl tama na kumain nalng tyo. Baka lumamig tong inhanda kong pagkain" sagot ni mommy. Sya namn si Teresita Dela Cruz-Mendoza, nanay ko. Sobrang bait nya sakin but TBH disciplinarian sya, masama sya magalit pag may mali kaming ginawa.

Wala namn nagawa si daddy at nag umpisa nang kumain. Syempre ako din kumain na.

Habang kumakain, tahimik lng kaming lahat, wala kasi si Ate Rachel kaya walang nag oopen ng topic.

Ilang saglit lng tapos na kumain si daddy at tumayo na. "Aalis nako. I need to go to office now because there's a meeting there. Nasa mommy nio na baon nio" sabi ni daddy sabay halik sa pisngi ni mommy.

"Ok darl ingat ka ah" sabi ni mommy sabay kaway kay daddy. Pagka alis ni daddy nagpatuloy na kami sa pagkain. Medyo matagal din kaming kumain kasi ang sarap ng pagkain tas tinatamad ako kasi mas namamayani ang antok sakin.

Mga ilang minuto din ay natapos nakong kumain ng agahan, ganon din si Reynaldo at si mommy kaya humarap nako kay mommy at lumahad,"Mommy baon ko po?". Medyo nanlaki mata ni mommy bago nagsalita,"sandali hintayin nio ko, mag uurong muna ko ng pinagkainan natin".

Napasmirk nalng ako at pumunta sa sala at dun nag intay. Nakita ko namn si Reynaldo na ginagamit yung phone nya at ngumingisi pa. And because I'm dying out of my curiosity, sinilip ko kung ano pinapanood nya. At nagulat ako sa pinapanood nya... My goshhhhhh!!!

"Babe!!! Magkita nalang tayo sa school mamaya ah. I love you!!! <3"

May girlfriend si Reynaldo. Nako lagot to kay mommy at daddy tsk tsk.

"Ehem! Ehem! Reynaldo DC. Mendoza Jr. May girlfriend kaba??? Nako lagot ka kay mommy at daddy nyan.. Susumbong kita" pananakot ko sa kanya. Natameme namn sya at hindi nakapagsalita agad. At dahil dun nakumpirma ko na totoo ngang may girlfriend sya... Sisigaw na sana ako ng Mommy kaso bigla nyang tinakpan bibig ko.

"Wag kuya please parang awa mo na. Wag mokong isusumbong kay mommy at daddy" pagmamakaawa nya sakin."Hindi lagot ka kay mommy at daddy"sagot ko dahilan para maluha sya. Nakakatawa sya tignan. Lalong bumata itsura nya tas nagbibeautiful eyes pa sya sakin..
Pagtitripan ko pa sana sya kaso naawa ako. Bait ko kasi eh hays. "Oo na. Ako na bahala kela mommy at daddy" sagot ko.

"Thanks kuya" sabi mya sabay ngiti. Bigla namng pumasok sa eksena si mommy dahilan para lumahad kami ni Reynaldo.

"Tig One thousand kayo ah.. Walang walwal ok?? Wala ring landi landi.. Nako pag nalaman kong may mga girlfriens kay---". Hindi na natapos ni mommy yung sinasabi nya kasi nag Ehem ako ng malakas." Bakit Timothy? Ano problema? May girlfriend batong kapatid mo?" Tanong ni mommy.

Nakita kong namutla si Reynaldo at naistatwa sa kinatatayuan nya. Mukang naghihintay sya ng isasagot ko HHHH...

"Wala po mommy. Nangati lng po lalamunan ko." Sagot ko. Nakahinga namn ng maluwag si Reynaldo at Dali dali syang umalis. "Aalis napo ako mommy baka mapagalitan po ako ng grade 8 coordinator namin" sabi nya tas kumaway samin at naglakad na papaalis. "Bye mom! I'm late. I have to go" sabi ko kay mommy sabay halik sa pisngi nya.

"Ok son. Take care!" Sabi nya dahilan para mapangiti ako. At nag umpisa na ako maglakad papuntang sakayan ng jeep. Maaga lasing umalis si daddy kaya d na nya kami naihatid.

Halos kalahating oras nakong nag iintay pero wala paring jeep. Medyo malayo kasi yung university na pinapasukan ko. Grade 9 palang ako pero sa university na agad ako napasok kasi matalino daw ako. Whews... Mga ilang minuto pa bago ko nakasakay. Hayssss salamat namn nakasakay nako. Kala ko mapapatawag na namn ako sa discipline committee eh.

Ngiting ngiti akong pumasok sa jeep not to realize kung sino makakatabi ko. Si Angela. Waaaaah! Ano gagawin ko?

Sinilip ko kung sya nga ba yun at nagulat ako ng magtama nga mata namin... Nakatingin din sya sakin waaaah. Biglang bumigat pakiramdam ko at nawala ang ngiti sa labi ko kasabay ng muling pagpasok ng mga alaalang dumurog sa puso ko noon.

Sya si Angela Villacorta. Naging classmates kami noong grade 4 at 5. Sa loob ng dalawang taon nayun masasabi kong mabait sya at mahinhin. At sa loob ng dalawang taon nayun unti unti lng nahulog ang loob ko sa kanya. Inilihim ko ito hanggang sa nalalapit na pagtatapos ng grade 5. Hindi ko inakalang iniintay nya lang ang pag-amin ko dahil maging sya ay natatakot maglahad ng feelings nya para sakin.

"Hindi ko inakalang magugustuhan mo ko kahit ba ganto ang itsura ko" sabi ko kay Angela.

Sinuklian namn ako ni Angela ng ngiti at halik sa pisngi bago nagsalita,"hindi mo ako nabihag dahil sa appearance mo, nahulog ako dahil ikaw ang nagbigay sakin ng tunay na meaning ng gentleman".

At matapos nun ay nakuha ko ang matamis na oo na humalimuyak sa aking pandinig.

Nakontento kami sa usap lang at asaran sa loob ng 10 buwan. Sabay din kaming lumaban sa presscon dahil pareho kaming writer ng school namin. Sabay din kaming lumaban sa Angeles para sa Regional Presscon. Pareho man kaming nabigo ay hindi parin nawala ang saya namin sa isa't isa dahil magkasama kami.

Pero tulad ng sabi ng iba, hindi pa tunay ang pagmamahal namin sa isa't isa dahil mga bata pa kami.

Nalalapit na ang anibersaryo nmin. Kaya ginawa ko ang lahat para maging magarbo ito. Umarkila pako ng park at tutugtog ng violin. Noong panahong iyon hindi pa mahigpit sila mommy at daddy sa relasyon basta pag-aaral ang uunahin. Pero lahat ng iyon ay gumuho ng hindi sya sumipot sa date namin at isang text message lang ang natanggap ko mula sa kanya na nagsasabing "babe. Ayoko na. Sorry sa halos isang taong pagsisinungaling ko sayo. Pinapalaya na kita."

Hindi ko namn napansin na napatulala na pala ako kay Angela. Medyo nangingilid narin ang mga luha ko dahil sa naalala ko. Pero hindi nya rin inalis ang tingin nya sakin. Kaya ako nalng ang umiwas at nagkunwaring napuwing lang para d obvious na pinupunasan ko ang mga luha ko.

Medyo awkward ang feeling dito sa loob ng jeep kasi magkatabi kami. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at tumingin nalng ako sa labas ng jeep at nagulat ako sa mga nakikita ko. Habang nakatingin ako sa labas eh umiikot ang paningin ko at parang babaligtad ang sikmura  ko. At hindi ako magkamali ang hinala ko kaya kumuha ako ng supot at sumuka doon. Nandiri namn ang ibang pasahero ng jeep. Wala akong magawa kaya tumingin ako ulit sa loob. Bahala na. Kunwari d ko sya kilala.

Dumating na yung jeep sa babaa ng pasahero kaya bumaba ma yung iba. Tanging kami nalng ni Angela ang natira kaya mas lalong naging awkward ang pakiramdam ko.

Lalong naging awkward ang pakiramdam ko ng magsalita sya.

"Long time no see Mr. Ramon Timothy Mendoza. Until now hiluhin ka parin sa byahe. Dala mo ba yung gamot mo?" Tanong nya. Wala namn akong magawa kundi sumagot. "Hindi nakalimutan ko eh" sagot ko.

"Hay nako. Wala paring nagbabago. Ulyanin ka parin."

"HHHH"

Hanggang sa makarating kami sa isa pang babaan ay nakatawa parin sya. Buti nalng dun na sya bababa. Nagulat ako ng ilapit nya yung bibig nya sa tenga ko.

"Magkikita pa tayo ulit. Mark my word" sabi nya. Dahilan para maiwan akong tulala sa jeep.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon