"Pre baka ayaw nya na sayo"
"Pre baka ginamit ka lang nya"
"Pre baka may iba na sya"
Lahat nalang ng sabihin nila ay lalong nakakapagpabigat ng kalooban ko. Maaaring isa sa tatlong sinabi nila ay tama pero pwede ding hindi. Bakit ganun? Wala naman akong ginawang mali pero bakit pakiramdam ko ako ang sumalo ng consequences nung nangyari noong issuance ng report card.
Nandito ako ngayon sa canteen kasama ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang ay wala akong balak kumain pero pinilit lang ako nila Jason na kumain. Kaya bumili lang ako ng pagkain pero hindi ko ginalaw.
"Tamo to parang t*nga! Bumili ng pagkain pero hindi naman kinain!" sabi ni Marc. "Pre ano ba tinitira mo?!" pang-aasar naman ni Jason.
"Ano ba guys wag nyo asarin si Timothy. Kita mong problemado yung tao eh" sabi naman ni Nicole habang hinihimas ang balikat ko.
"Baby diba dapat balikat ko ang himihimas mo?!" nagseselos na sabi ni Jason. "Ano ba yan Baby wag ka nga magselos! Kinocomfort ko lang tong si Timothy" seryosong pagpapaliwanag naman ni Nicole.
"Pre ano ba kasi nangyari sa inyo ni Leahbabes mo?" seryosong tanong ni Jason.
"Hindi ko alam. Matapos yung nangyari kila Daddy saka tito Juan nung kuhanan ng card, bigla na lang nanlamig si Leah sakin. Hindi nya sinasagot mga tawag ko, hindi sya nagrereply sa mga messages ko sa kanya" sabi ko sabay hilamos sa mukha ko.
"Pre ang labo naman ata nun?!" sabi ni Marc. "Anong malabo malabo ka dyan?! Wala ka ngang love life eh" sabi naman ni Jason kay Marc.
"Sige nga may naiisip ka bang posibleng dahilan kung bakit nanlamig si Leahbabes kay Timothy" inis na sagot ni Marc.
"Aaaaaah! Ehhhh! Ganto kasi yan---" hindi na natapos ni Jason yung sasabihin nya ng biglang magsalita si Marc.
"Oh tamo nga! Wala ka ring maisip" inis na sabi ni Marc sabay tingin ng seryoso kay Jason na ngayon ay napatahimik nalang at napatingin sa akin.
Biglang tumingin si Marc sa akin bago nagsalita. "Kasi nga pre malabo yun. Kahit saang anggulo mo tignan, may mali sa nangyayari sa inyo ni Leahbabes mo" sabi ni Marc na animo'y tamang tama ang sinabi nya.
"Kahit ako pre naguguluhan sa inyo. Isipin mo muna sa ngayon kung ano ba talaga ang nagawa mo para ka ganyanin ni Leah" seryosong sabi ni Jason.
"O kaya kausapin mo sya ng masinsinan. Yung kayong dalawa lang. Siguro naman pag kaharap ka na nya, sasabihin nya ang totoo" seryosong tugon naman ni Marc.
Ilang oras nadin akong nandito. Matyaga kong iniintay ang babaeng mahal ko dito sa lugar na syang naging saksi ng lahat ng saya at kilig na naranasan namin sa isa't isa. Ngayon ay nakaupo ako sa bench sa ilalim ng lilim ng puno ng mahogany. Sumugal para matapos na ang problema. Nilunok ang pride para makausap na sya. Nagbabaka sakali na tumugon sya at aminin nya ang dahilan sa akin.
Alam kong iiwasan ako ni Leah sa harap ng maraming tao kaya sinulatan ko nalang sya. Naalala ko tuloy yung itsura ni Fritzie kanina habang inaabot ang sulat sa mga kamay ko...
Kinakabahan akong pumwesto sa may pinakalikod na bintana ng room nila. Nagbabaka-sakali na nandun ang kahit isa sa mga kaibigan ni Leah na pwede kong pakisuyuan na iabot ang sulat na ginawa ko para kay Leah.
Wala silang prof. Nakaupo lang sila sa paborito nilang pwesto, sa may malapit sa pinto. Nandoon sila ngayon at nakapaikot ang kanilang mga upuan at nag-uusap sila.
Maya-maya ay biglang tumayo si Leah at lumabas ng room kaya dali-dali akong tumakbo palayo. Buti nalang at sa kabilang direksyon sya dumaan. Agad akong sumilip sa room nila dahilan para makita ako ni Fritzie.
BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Teen FictionPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...
