Chapter 25

12 2 0
                                    

"Oh Love bakit parang nakakita ka ng multo? Ano nangyare? May masakit ba sayo?" nag-aalala nyang tanong sa akin dahilan para matauhan ako.

"Hindi Love ayos lang ako wag nyo akong alalahanin" sabi ko sa kanya. Sandali pa kaming nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay bago namin napagdesisyunan na magpunta sa Mall at manood ng sine.

Habang nanonood kami ay magkahawak kami ng kamay. Nakasandal sya sa balikat ko at nakasandal din ako sa ulo nya. Kilig na kilig sya habang pinapanood ang mga eksenang nakakakilig. Ako naman, naiimagine ko kami ni Leah yung nasa eksena nayun kaya lalo akong kinilig hahahaha.

"Masarap ba yan? Dapat pala yan nalang din inorder ko" tanong nya sakin habang tinitignan yung grilled chicken na kinakain ko. Mukhang takam na takam sya sa kinakain ko. Pork barbecue kasi order nya.

"Love tumawag sakin si Papa. Gusto ka daw nya mameet" sabi ni Leah dahilan para mabilaukan ako. "Oh! Anyare?! Okay ka lang?" nag-aalala nyang tanong sabay abot sa akin ng tissue.

"A-ah wala. Nabilaukan ako kasi ang l-laki ng chicken na nasubo ko" palusot ko. "Hay nako ang takaw kasi. Pang anim na rice mo nayan ah! Tama na! Sige ka gagawin kitang unan" sabi ni Leah habang pinipindot ang pisngi na para bang ang taba taba ko. Dahil don, natawa nalang ako.

Halos lumutang ang isip ko sa hangin habang nakaunan si Leah sa rib cage ko, este dibdib. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at nagmo-movie marathon sa laptop ko.

"Waaaah" sigaw nya sabay subsob ng mukha nya sa dibdib ko ng biglang lumabas si pennywise, 'IT' kasi pinapanood namin. "Shhh! Baka madinig ka ni Reynaldo, manggugulo yun" sabi ko. "Eh natakot ako eh" pagtataray nya.

"Eh nandito naman ako kaya wag ka matakot" sabi ko sabay flex ng muscles ko. Tinapik nya ang braso ko saka nagsalita, "ang yabang mo! Payat payat mo naman" sabi nya sa akin with matching irap pa.

"Pero gwapo naman" sabi ko sabay kindat sa kanya. Natawa naman sya bago ako hinarap, "At sino naman ang may sabi?!" sabi nya.

"Sabi mo?! Diba sinagot mo ako kasi ang gwapo ko?!" Pagmamalaki ko pa. "Hindi kaya!" sabi nya

"Edi hindi!" sabi ko sabay iwas ng tingin. "Ay grabe sya!" sabi ni Leah, pero hindi ko sya pinapansin. "Oy Love" sabi pa nya.

"Okay Fine. Gwapo ka na! Basta wag ka na magtampo" sabi ni Leah sabay kurot sa pisngi ko. Waaaaaah! Para akong lumilipad dahil sa mga sinabi nya.

"Thank you Love! I love you!" sabi ko sabay halik sa bumbunan nya. Tumingala naman sya sa akin at ngumiti.

"I love you too" sabi ni Leah sabay halik sa labi ko. Naging ganun lang kami hanggang sa maggabi.

"Diba grade 8 ka?" tanong ni Daddy kay Leah. Nandito kami ngayon sa hapag kainan. Naghanda sila Daddy ng hapunan para sa lahat, at inimbitahan nila si Leah.

Buhay pa si Mommy noong huli kaming kumain ng sama-sama. At ngayon muli namin tong gagawin, pero wala na si Mommy.

"Opo" sabi ni Leah habang nakangiti. Kami naman ni Ate ay nakatingin lang sa kanila habang tinatanong ni Daddy si Leah. Si Reynaldo naman ay deadma lang at patuloy lang sa pagkain.

"So how's grade 8 life? Did you find it hard?" tanong pa ni Daddy. "Syempre po Pa. Hindi naman po kasi pwedeng sabihin na madali kasi gumagana ang motor skills natin pati intellectual skill kaya mahirap po sya!" sagot naman ni Leah.

"Wow! Sumasali ka ba sa mga beauty contest?" tanong pa ni Daddy.

"Syempre Dad! Si Leah pa ba?! Tignan mo oh ang ganda ng mga mata, kayumanggi, pati pisngi saka labi. Oh san ka pa?!" pagmamalaki ni Ate Rachel. Napangiti naman si Leah bago nagsalita.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon