Epilogue

17 1 0
                                    

A/N: This will be the last chapter of Star Crossed... Maraming maraming salamat sa lahat ng sumubaybay sa kwento nina Leah at Timothy... Sana mag-enjoy kayo sa Chapter na ito. Lovelots!

After 10 years

Leah's POV

"Mrs. Fulgencio are you sure that we are going to cancel our meeting with Mr. Fitzgerald today?" tanong sa akin ni Mellanie, secretary ko.

"Yeah. I really need to take some break" sagot ko. Medyo matagal-tagal narin ng huli akong umuwi sa Pilipinas. Mga sampung taon nadin kung bibilangin. Apakadami ko nang namimiss, miss ko na si Papa, si Manang Dolores, yung atmosphere ng Pilipinas miss na miss ko na din. Pero ang pinaka namiss ko ay ang lalaking nag-iisang laman ng puso ko.

"What's your plan ma'am for your vacation? Are you leaving New York for a while with your family?" tanong ni Mellanie.

"Yes. I will go home with my family in the Philippines. But we are leaving after my book launch" sagot ko dahilan para lumawak ang ngiti ni Mellanie. "That's great Mrs. Fulgencio! I hope the book launch will be successful so that you can leave New York immediately and enjoy your bonding together" dagdag pa nya bago nagpaalam at umalis.

Matapos akong umalis sa Pilipinas, tinupad ko ang usapan namin ni Papa na dito mag-aaral. Sa loob ng sampung taon ay hindi ko nakalimutan si Timothy at kahit ngayon na may asawa't anak na ako ay sya parin ang laman ng isip ko.

Maya maya pa ay unti-unting bumukas ang pintuan ng aking opisina at tumambad sa akin harapan ang isa sa mga happy pills ko.

"Hi Mommy!" sigaw ni Ayesa habang hawak ang lollipop sa isa nyang kamay. Halos umabot naman sa tenga ko ang ngiti ng bisitahin ako ng asawa't anak ko.

"Hi baby girl! How's school?" sabi ko. Bigla namang pumasok sa opisina ko si Crisanto Fulgencio, ang asawa ko. "Hi Honey!" bati ni Crisanto sabay halik sa labi ko.

Isa ring Pilipino si Crisanto. Taga-Bulacan ang pamilya nya. Nagtapos sya ng med tech sa Harvard university at isa syang doctor dito sa New York. Habang ako naman ay isa nang kilalang Author.

"Mommy, look at my arms! I got a lot of stars!" pagmamalaki ni Ayesa sa mga stars nya sa braso. Lalo namang lumawak ang ngiti ko.

"Nakakaproud talaga tong Baby girl ko! And because of that, I have a surprise for my little princess" sabi ko dahilan para mapangiti si Ayesa habang nakakandong sa akin. Medyo may kabigatan sya dahil narin sa pagka-in love nya sa sweets... At alam nyo na ang sunod kong sasabihin at yun ang dahilan kung bakit sya mabigat hahaha.

"Ano po yon Mommy?" excited na tanong ni Ayesa. "We will go back to the Philippines. Your going to see your Lolo Juan again!" sabi ko dahilan para mapangiti lalo si Ayesa.

"Yehey! Thank you Mommy" sabi ni Ayesa sabay halik sa pisngi ko. Maging si Crisanto ay napangiti din. "Kailan tayo aalis Honey?" tanong ni Crisanto.

"After my book launch" sagot ko. Napatango naman si Crisanto bago nagsalita, "That's good. I really miss the Philippines. Maybe we should stay there for a month" sabi ni Crisanto.

"Yeah I'm also eyeing for that" sagot ko naman. "Baby girl sama kana kay Daddy, mauna na kayo sa bahay. Madami pang work si Mommy na kailangan nyang tapusin" dagdag ko pa kaya bumaba na si Ayesa sa mga binti ko at sumama na kay Crisanto paalis.

Kinahapunan, napagdesisyunan ko nang umuwi dahil wala narin naman akong gagawin kaya binuksan ko na ang cabinet ko para iligpit lahat ng papeles ko pero aksidenteng nahulig ang isang larawan. Agad ko iyong pinulot at napangiti nalang ako ng makita na ang larawang nahulog ay ang larawan namin ni Timothy. At muli kong naalala kung gano kami kasaya ng kinunan namin ang larawan...

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon