Ngayon ay hindi ko na maitatanggi pa. Hindi ko na maitatanggi pa na kaya sobrang saya ko sa tuwing kasama ko sya ay kasama ko ang taong mahal ko. Tama...
Mahal ko na si Leah.
Bawat tibok ko ng puso ko ay sya ang naririnig ko. Bawat panaginip ko ay kasama sya. Hindi ko inasahan na muling magbubukas ang puso ko na permanente ko nang isinara dahil ayoko nang masaktan pa.
Pero natatakot akong umamin sa kanya. Natatakot akong isigaw sa harap nya at ng mundo kung gano ko sya kamahal. Natatakot din akong masira ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa mahal ko sya. Hindi pwede. Dapat ilihim ko ito sa iba, lalo na sa kanya.
Ngayon ay araw ng Linggo, kakatapos lang namin magsimba kaya nandito kami ngayon sa isang eat-all-you-can restaurant. Syempre buong pamilya kami.
"Ehem! Ehem! Timothy para kang clown" sabi ni Ate Rachel dahilan para magtaka ako. "Huh? Di naman ako nagpulbos eh" nagtataka kong tanong.
"Yung ngiti mo kasi kuya, lagpas tenga na. Mukha ka tuloy Joker HHH" pang-aasar pa ni Reynaldo. Bigla ko tuloy naramdaman na nag-init yung ilong ko at umuusok.
"BalakajanReynaldo" sabi ko sa kanya. Natawa naman kami ni Ate Rachel dahil para akong rapper. "Tama na nga yan mga anak, kumain nalang tayong lahat" sabi ni Mommy sabay ngisi.
"Eh bakit ba kasi sobra ang ngiti mo this fast few days? Ano ba meron? May nililigawan ka na noh?! Tapos sinagot ka na nya recently kaya abot tenga ngiti mo" sunod-sunod na sabi ni Ate Rachel sabay tili ng mahina.
Natawa naman si Mommy bago muling nagsalita, "Talaga Timothy? At Sino naman ang napakaswerteng babaeng ito na muling bumihag sa nagyeyelo mong puso?" tanong ni Mommy na medyo kinikilig nadin. "Ehem! Baka nakakalimutan nyo ang bilin ko na walang magnonobya sa inyong dalawa. Malaki na si Ate Rachel nyo kaya pinayagan ko na sya. Pero nung ka-edad nyo sya, bantay-sarado din sa akin yang Ate nyo" sabi ni Daddy na medyo seryoso ang boses.
Tinignan naman ako ni Reynaldo ng nakakaloko kaya tinignan ko sya pabalik at parang sinasabi ko na 'isusumbong kita sige' kaya nagpatuloy nalang sya sa pagkain.
Lahat kami ay nagpatuloy nalang sa pagkain matapos magseryoso ni Daddy. Pero si Ate at si Mommy patuloy parin sa pagngiti.
Nandito na kami ngayon sa bahay at nag-aayos na ng kanya-kanyang higaan. Napagdesisyunan naming tatlo na sa sahig ako matutulog habang sa itaas naman ng double-deck si Reynaldo at si Ate Rachel naman sa ibaba. Gamit ni Reynaldo ang pc at sobrang busy paglalaro ng online games. Malabong namang marinig nya ang pag-uusap namin ni Ate Rachel kung sakali dahil isang malaking headset ang nakasalpak sa tenga nya.
Mahihiga na sana ako ng biglang magsalita si Ate Rachel, "Timothy! Umamin ka nga sakin" sabi ni Ate Rachel.
"Tungkol saan Ate?" tanong ko na may halong kaba. Hala nahalata ba ni Ate na inlababo na ang payatot nyang pinsan? Hala pano ko pagtatakpan to? Hay nako bahala na nga.
"Bakit ang saya mo nitong mga nakaraang araw? May girlfriend ka na ba?" tanong nya na ikinagulat ko. Muntik na syang tumama, pero hindi. Kaya wala na akong magagawa kundi ang aminin kay Ate Rachel ang lahat.
"Ha?! Hindi Ate jusko ang dumi ng utak mo" sabi ko na medyo natatawa. "Eh ano gusto mong isipin namim? Namin ni Mommy ha? Na hindi babae ang pinasagot mo kundi lalaki, ganun ba?" sabi nya na medyo natatawa.
BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Teen FictionPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...