Chapter 15

6 2 1
                                    

Inabot ko na ang kamay nya saka kami nagshake hands ni Leah. And romantic feelings began to bloom inside me.

Hindi ko inasahan tong nararamdaman ko to. I thought na matapos yung nangyari samin ni Angela hindi na ako magmamahal ulit. Pero ano to??? Sinasabutahi ba ako ng puso ko? Hindi pwede to.

When I hold her hand, nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa palad ko papunta sa braso ko. After a short period of time, nagbitaw din ang mga kamay namin. Matapos yun ay nakaramdam ako ng saya, pakiramdam ko ay may nagawa akong bagay na sobrang ikinasaya ng feelings ko, gayong nakipagshake hands lang naman ako kay Leah. Hay nako, sinasabotahe ako ng feelings ko.

"You know what, napansin ko kanina na kung pano mo hawakan yung kubyertos, kung pano ka umupo habang kumakain os somewhat identical to my father, habang kumakain tayo kanina pag tinitignan kitang kumain, si Dad ang nakikita ko sayo" sabi nya sakin. Nandito kami ngayon sa building ng college na nagtetake ng science courses. Naisipan kasi naming maglibot libot muna kasi mahaba pa naman ang oras.

"Talaga?" excited kong tanong. Hindi naman talaga ako excited sa isasagot nya pero yung tono ng pagkakasabi ko ay parang excited ako. "Oo. Hindi mo lang sya kamukha. Pero kung nagkataon, baka isipin kong kapatid kita" sabi nya sabay ngisi.

Natawa nalang din ako bago nagsalita. "By the way, do you have a---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla syamg tumakbo. Sinundan ko naman sya at nakita kong nakanganga sya sa tapat ng bintana. Na curious ako kung bakit kaya tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko sa itaas ng pinakamalapit sa bintana kung saan si Leah ang sign na may nakasulat na 'Biology Laboratory'. Sinamahan ko na syang sumilip sa bintana at maging ako ay napanganga nalang sa nakita ko. Apakadaming specimens sa loob na nakalagay sa mga garapon. Mayroong lobster, kuting, tapeworm, liver fluke, rattlesnake at iba pang mga hayop. Mayroon ding bungo ng tao na nakalagay sa case. Hindi ko maiwasang ma amaze sa mga nakikita ko. Pero lalo akong na amaze ng mapatingin ako kay Leah at nakita ko ang kumikislap nyang mga mata. Para itong isang crystal na nasinagan ng liwanag dahil para kumislap ito. Nakita ko kung pano sya mamangha sa mga nakikita nya dahilan para mas lalo akong mamangha.

"Sara mo Leah, baka tumulo haha" sabi ko habang tumatawa. Natawa din sya saka nya ako inirapan. "Balakajan" sabi nya sabay talikod. Natawa naman ako bago nagsalita, "Biro lang. Tara punta tayo sa Activity Center madaming upuan dun" sabi ko sabay turo dun sa kinatatayuan ng AC.

Pagdating namin sa AC ay naupo kami sa isamg bench na nasa ilalim ng lilim ng isang puno at doon ay nag usap kami tungkol sa mga bagay-bagay.

"May kapatid ka ba?" tanong ko sa kanya. Namangha ulit ako dahil nakatingin sya sa malayo at nakita ko kung gaano kaamo ang mukha nya. Hindi ko maiwasabg mangiti dahil sa sobrang ganda nya.

"Oo. I have a baby brother. His name is Gerard. Gerard Matthew Pineda. Grade 6 na sya ngayon next year he will take the entrance exam here" sabi nya sa akin. Pero hindi parin sya tumitingin sa akin.

Maya maya pa ay bigla nya akong tinignan sa mata at nagtanong, "Ikaw ba? May kapatid ka?" tanong nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko.

"Oo meron. Medyo complicated kasi ako ang eldest pero may Ate ako" sagot ko. Medyo nagtaka ang itsura nya. "Huh? Pano nangyare yun?" tanong nya sakin at hindi parin nawawala abg pagtataka sa itsura nya.

"Yung Ate ko, pinsan ko lng sya. Maria Rachel Mariano ang full name nya. Tapos dalawa kaming magkapatid na lalaki. Ako saka yung bunso namin si Reynaldo Mendoza Jr." sagot ko dahilan para nawala yung pagtataka nya.
Nagpatuloy lang kami sa usapan at wala kaming pakielam sa iniisip ng ibang tao tungkol samin. Kasi kung ano man ang iniisip nila malamang ay hindi totoo yun.

"So ibig sabihin hindi ka talaga galit sakin?" tanong ko sa kanya. Ako naman ngqyon ang nagtaka ang itsura. Sinabi nya kasi na kung hindi dahil kay Fritzie ay hindi nya naman gagawin sakin yung mga yun.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon