Chapter 29

8 1 0
                                    

Timothy's POV

Nagising nalang ako na nakahiga na dito sa ward ng clinic. Ang naaalala ko lang ay tinamaan ng bola ang ilong ko dahilan para magdugo ito ng magdugo.

Nagpalinga linga ako sa paligid ngunit mga puting higaan at mga pader lang din ang nakikita ko. May naririnig akong boses mula sa labas na mukhang galing sa mga classmate ko at kay Ma'am Kath. Sinubukan kong tumayo pero parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sakit kaya napahiga nalang ulit ako. Pero kahit nakahiga na ako ay masakit parin ang ulo ko kaya pumikit nalang ako.

Habang nakapikit ako ay naramdaman ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto pero hindi na ako nag-abalang silipin kung sino ang pumasok.

Maya maya pa isang malamig na labi ang dumampi sa noo ko. Hindi ko alam kung mangingisay ako o ano dahil alam kong ang halik na iyon ay galing kay Leah.

Nagkunwari parin akong walang malay at hinayaan syang hawakan ng mahigpit ang kamay ko.  "Please gumising kana Timothy. Hindi ko kaya ng wala ka. Nagsinungaling ako noong sinabi ko sayong ayoko na sayo dahil ang totoo mahal parin kita. Mahal na mahal na parin kita, Timothy" sabi ni Leah dahilan para bigla akong mapadilat at mapatingin sa kanya na nakadukdok ngayon sa dibdib ko. Nakatalikod sya sa akin ngayon. Napapangiti nalang ako sa tuwing mararamdaman ko ang paghikbi nya dahil umiiyak sya ngayon.

"I love you Timothy. I love you more than you know" sabi pa nya habang hawak parin ang kamay ko. Napangiti nalang ako ng abot tenga ng madinig ko yun mula sa kanya.

"I love you too" bulong ko sa kanya habang hindi parin maalis sa mga labi ko ang ngiti. Gulat naman syang napatingin sa akin at nakita kong magang maga na ang mga mata nya.

Hindi sya agad nakapagreact kaya nagsalita na ako. "Diba sabi ko sayo wag kang iiyak kasi naiiyak din ako" sabi ko sabay punas sa mga luhang namumuo sa mga mata nya.

Napangiti sya at agad akong niyakap ng mahigpit. "Akala ko kung napano kana" sabi nya sabay kusot ng mata na animo'y batang bagong gising. "Wag mo na ulit akong takutin ah! I love you" dagdag nya pa.

"Opo! I love you too" sabi ko sabay halik sa bumbunan nya dahilan para maamoy ko ang napakabango nyang buhok.

"Oh I miss smelling your hair. But I miss you more" sabi ko habang nakangiti. Namula naman sa hiya si Leah kaya mahina nya akong pinalo sa dibdib.

"Aray!" sabi ko dahilan para magulat sya. "Hala sorry! Saan ka ba tinamaan?" nag-aalala nyang sabi.

"Dito" sabi ko sabay kuha ng kamay nya at itinapat sa puso ko. Nangiti naman sya bago nagsalita, "Namiss ko yang kacornihan mo" sabi nya sabay ngisi.

Natawa nalang ako sa sarili ko dahil sa sinabi ko. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi at iniharap sa mukha ko. "I love you Leah. I really do. Let's enjoy this moment that all we have right now is each other" sabi ko. Matapos iyon ay dahan dahan nyang ipinikit ang kanyang mga mata at buong pusong sinalubong ang halik na matagal naming kinasabikan. Madadama mo ang pananabik at pangungungila sa halik na matagal naming hindi natikman.

Kumalas na ako sa pagkakahalik sa kanya at nagtanong, "Wala ba kayong klase?" tanong ko.

"Meron" sagot nya. Nagtaka naman ako dahil may klase pala sila pero bakit nandito sya.

"May klase pala kayo eh. Bakit ka nandito? Baka paglitan ka" sabi ko. Napangiti naman sya saka ako hinawakan sa pisngi at nagsalita, "Gusto ko kasing bantayan at alagaan ang bibe kong sakitin" sabi nya sabay ngisi.

"Bibe?" nagtataka kong tanong. Lalo namang lumawak ang ngiti nya. "Oo! Kasi malaki yung nguso mo. Parang sa bibe" sagot nya. Natawa naman ako dahil ginagaya nya ang pagkakapout ng labi ko kaya ninakawan ko sya ng halik na ikinagulat nya.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon