Chapter 21

11 2 0
                                    

"Mahal din kita, Love" sabi nya bago kami tuluyang maghiwalay. Sumakay ako sa jeep at sinalpakan ng earphones ang tenga ko. Nakinig nalang ako ng music habang nasa byahe. Nalulungkot kasi ako. Nalulungkot ako dahil kailangan pa namin maghiwalay ng mahal ko. Kung pwede lang na iuwi ko nalang sya sa amin ay mas ayos.

~Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay bathala
Naubusan ng bakit~

Hindi ko alam pero nung napakinggan ko yung stanza nayun ng kanta ay biglang naging kakaiba ang nararamdaman ko. Parang may pinapaalala sa akin ang kantang ito ah!

~Bakit umalis ng walang sabi?
Bakit di sa lumaban kahit konti?
Bakit di maitama ang tadhana?~

Kasabay ng mga linyang iyon ay nakaramdam ako ng kaba. Nagtataka na ako kung bakit ganito kabigat ang pakiramdam ko sa kantang ito. Tapos biglang pumasok sa akin ang alaala ko noong kami pa ni Angela...

Nag-aabang ako sa tapat ng bahay nila Angela. Nais kong haranahin sya sa tapat mismo ng kanilang bahay bilang sorpresa sa kanya ngayong ika-6 na monthsary namin. "Oh babe nandyan ka pala?! Wait lang pagbubuksan ki---" hindi nya na natapos yung sasabihin nya kasi bigla akong kumanta.

"~At nakita kita
Sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata
Na di maintindihan
Tumingin kung saan
Sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo~"

Napangiti nalang ako dahil tinuro nya ako mula sa bintana ng kwarto nya at sabayan ako sa pagkanta.
"~Sya ang panalangin ko~"

"Babe dyan ka lang ah" sabi nya sabay alis sa bintanang dinudungawan nya. Nagtaka naman ako kung bakit umalis sya agad eh hindi pa naman ako tapos sa pagkanta eh. Maya maya pa ay bumukas na ang gate at iniluwal nito si Angela na agad yumakap sa akin. "Thank you babe" sabi nya sabay halik sa labi ko, yung dampi lang. Yun kasi ang nakasanayan namin eh. "Bakit mo naman ako sinurprise? Ano ba meron?" nagtataka nyang tanong sa akin dahilan para manlumo ako.

Hindi ako makapaniwala na nakalimutan nyang monthsary namin ngayon. Napakamot nalang ako dahil sa tinanong nya. "A-ah wala naman. N-naisipan ko-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla nyang hinarangan ng daliri nya yung labi ko bago muling hinalikan at nagsalita, "Joke lang babe! Happy monthsary! I love you!" sabi nya sabay yakap ng mahigpit sa akin...

~Di, di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalangin~

Naramdaman ko nalang na bumibigat ang mga mata ko at nakaramdam ng antok kaya pumikit ako. Pero imbis na makatulog ako ay sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Naiiyak ako. Naiiyak dahil makikita ko na naman ang kapatid ko na nahihirapan. Yun pa naman ang kahinaan ko. Hindi ko kayang makita na umiiyak at nahihirapan ang kapatid ko.

Alam kong sa pag-uwi ko, ibang-iba ang bahay na uuwian ko kumpara sa nakagisnan kong tahanan. Nang dahil sa nangyare sa kasal ni Ate Ara ay unti-unti nang nagkaroon ng bakod sa pagitan ng bawat isa. Kaya gusto ko nalang itulog ang mga sandaling ito dahil alam kong hindi ako mapapahinga sa bahay.

Pag-uwi ko sa bahay, malamig na aura ang sumalubong sa akin. Patay na TV, pc , stereo at iba pang mga gamit. Lahat ng kasama ko sa bahay ay nasa kanya-kanyang kwarto. Lahat ay masama ang loob at windang parin sa mga nangyare noong isang gabi.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon