Medyo mahaba din yung byahe kaya natulog ako. Paggising ko nasa babaan nako at nagulat ako sa mukang nakaharap sakin pagbaba ko ng jeep.
Si Angela! Waaaaah!
Teka ano ginagawa nya dito? Sa pagkaka alam ko malayo pa ang bahay nila dito pero bakit ganun? Dito sya bumaba? Lumipat naba sila ng bahay?? Waaaah pano na to?
Umiwas nalng ako ng tingin pero lumapit sya sakin dahilan para mapaatras ako at matapilok. Awww! Medyo masakit.
Natawa namn sya bago ako tulungan. Aba! Edi wow! Sya na hindi nadadapa! qiqil nya ko eh!
"Ok ka lang ba??? Para ka kasing nakakita ng multo eh" tanong nya in a very annoying way. "Of course I am. And besides ghosts are not true, they are just part of our wimpy imagination" sagot ko.
Napasmirk sya at natawa. Mukang naoffend sya sa sinabi ko. Naniniwala kasi sya sa multo eh HHHH.
"Hays. Nevermind. Kain nalng tayo Max's, libre ko!"sabi ni Angela. Hindi ako interesado tsk. Buti pa kung iba kasama ko g ako pero kung sya lng, daaa! No way.
"Sorry" yun lng lumabas sa bibig ko bago naglakad papalayo sa kanya. D ko man makita yung mukha nya, sure ako na nainis yun sa ginawa ko.
Wala namn akong pake sa kanya kaya nagpatuloy lng ako sa paglalakad. Medyo pagod nadin ako galing sa school kaya gusto ko nang makatungtong sa bahay namin. Tas ipapatong ko nalng yung bag ko sa table tas derecho ako sa kama.
Kaso ala pako sa bahay eh. Huhu. Konting tiis nalng namn. Pagdyak padyak din pag may time HH.
Buti nalng nandito na ako sa bahay. Hayssss sa wakas, nakauwi din.
Pag uwi ko, typical na scenario lng nakita ko. Magka akbay si mommy at daddy sa sala habang nanonood ng movie, si Reynaldo namn naglalaro ng LOL sa computer.
Mukang busy sila kaya derecho nalang ako sa kwarto at nagpahinga. Sa sobrang pagod, sapatos ko nalng ang nahubad ko. Humiga ako agad at mabilis na nakatulog.
Agad namn ako naalimpungatan dahil sa boses ni mommy, "Mr. Ramon Timothy Mendoza, 8:30 pm na. Ano balak? D ka ba kakain?" Bwelta ni mommy.
Agad akong tumingin sa relong suot ko at nagulat ako kasi 8:30 pm na nga. Waaaah!
"At nakauniform ka pa!? Bilisan mo magbihis ka at kumain kana" utos ni mommy dahilan para mapalundag ako sa kama ko at derecho banyo para nagbihis.
After ko magbihis nakaramdam ako ng kulo sa tyan ko. Ok! Confirmed. Gutom nako. Buti nalbg madami pang natirang pagkain kaya agad ko tong sinunggaban. Yeah lamon pa. HHH
Pagkaraan ko kumain nagpahinga ako saglit.Habang nagpapahinga ako, biglang sumagi sa isip ko yung babaeng nabangga ko doon sa canteen. Ano kaya pangalan nya? Sana d sya ganun ka suplada para natanong ko pangalan nya. Kaso ala, mataray eh.
Makalipas ang ilang minyto napagpasyahan kong bumalik na sa kwarto para matulog, at dahil pagod ako, mabilis akong nakatulog.
Nagising ako ng maaga kinabukasan dahil agad akong nakatulog kagabi, pagbangon ko pumunta agad ako sa banyo para maghilamos at magmumog para maluwa ko yung mga panis na laway sa bibig ko. Iwwww!
After ko maghilamos, pumunta agad ako sa kusina kasi gusto ko sanang maghanda ng pagkain para sa family ko pero nagulat ako kasi gising na si mommy at nagluluto na ng favorite kong longganisang bawang. Yess thanks mommy.
"Oh Timothy gising kana pala! Ang aga namn" sabi ni mommy. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong 5:52 am palang. Oo nga tama si mommy masyado pang maaga.
BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
JugendliteraturPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...