Magkasama kaming nanonood ni Leah ng movie dito sa tagpuan namin. Magkahawak kamay kami habang sabay na tumatawa sa mga nakakatuwang eksena sa pelikulang pinapanood namin. Bawat eksena ay pinapanood namin ng magkasama at wala kaming pakialam kung maraming taong nakakakita samin. Uwian kasi ngayon at sabay sabay na naglalabasan ang mga estudyante.
Medyo madilim nadin dahil halos ilang minuto nalang ay 6 na ng gabi. Mangilan-ngilan nalang ding mga estudyante ang dumadaan sa may Activity Center at lahat sila ay hindi na kami pinapansin dahil nga pagod at nagmamadali nang makauwi.
"Namiss ko tong gantong bonding natin" sabi ko sa babaeng minamahal ko. Napangiti sya sa akin at muling tumingin sa pinapanood namin bago nagsalita. "Ako din. At gusto ko ikaw lang ang kasama ko pag ginawa ko to ulit" sabi ni Leah at kahit hindi nya ako tignan, makikita sa kanya ang isang matamis ngiti na alam kong para sakin... At para sa akin lang.
Unti-unti kong iniakbay ang kamay ko sa balikat nya habang sya ay tutok na tutok. Nakaramdam sya ng hiya dahil sa ginawa ko kaya niyakap ko na sya. "Wag kang mahiya sakin. Mahal kita at gagawin ko sayo to palagi. Kaya dapat masanay kana" sabi ko.
Napangiti sya lalo at nabaling sa akin ang atensyon nya saka pilit inabot ang noo ko para halikan. "Sino may sabing nahihiya ako sayo?! Kinikillig kasi ako!" sabi ni Leah.
Natawa nalang ako habang paulit-ulit na umiikot sa isip ko yung mga sinabi nya.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa sakayan ng jeep. Medyo may kalayuan ang sakayan sa may university kaya medyo mahaba-habang lakad ang kailangan para makarating doon.
"Owl may tanong ako" kinakabahan kong sabi. Magkahawak kamay kami ngayon habang naglalakad sa gilid ng kalsada. "Ano yon?" tanong nya.
"Pag ba inaya kita magpakasal in the future papayag ka?" tanong ko habang hindi makatingin ng deretso sa mga mata nya. Hindi naman sya agad nakasagot. Unti-unti nya nyang hinawakan ang aking magkabilang pisngi at marahang iniharap sa kanya.
"I know you can't look at me directly in the eye because of what you ask. But I want to tell you that I will. I will marry you in the future" sabi ni Leah sabay ngiti. Unti-unting sumilay sa akin ang isang ngiti bago nagsalita. "I love you Leah slash Owl" sabi ko habang nakangiti sa kanya at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nya. "I love you too Timothy slash Bibe" sabi nya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim at tanging mga liwanag na nagmumula sa headlight ng mga sasakyan ang naghahari sa kapaligiran. Nakatayo kami ngayon sa sakayan ng jeep habang naghihintay ng masasakyan at kaming dalawa lang ang nandito. Hindi namin mapigilan ang mapangisi at yakapin ang isa't isa habang sinasamantala na walang ibang tao dito kundi kami lang.
Ilang sandali pa ay may isang sasakyan ang muntik nang sumagasa sa amin dahilan para matumba si Leah at masubsob ako sa lupa.
"ANO BA?! HINDI KA BA MARUNONG MAGMA---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan at iniluwa nito si Tito Juan. "Leah sakay" mahinahon pero seryosong utos ni Tito Juan.
Hindi naman agad nakatayo si Leah dahil medyo hindi maganda ang pagkakatumba nya kanina. Aalalayan ko sana sya kaso isang malakas na pwersa ang sapilitang tumulak sa akin dahilan para muli akong mapabalikwas sa lupa. "Layuan mo ang anak ko! Hindi ba't sinabihan na kita noon na layuan mo ang anak ko! Talagang gusto mong masaktan ah!" galit na sabi ni Tito Juan. Nagsasalita parin si Tito Juan nang mapatingin ako kay Leah na naglabas ng lapis at papel at mabilis na nagsulat.
"GUSTO MO TALAGANG MASAKTAN AH!" sigaw ni Tito Juan at akmang susuntukin nang bigla syang pigilan ni Leah. "No Pa! Don't punch him please! I'm coming with you" sabi ni Leah kay Tito Juan na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Teen FictionPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...