Chapter 10

12 7 0
                                        

I'll throw it for now. But I appreciate it. Thanks! Be patient to wait for my reply regarding this creative letter of yours.

-Leah

Hanggang ngayon ay tulala parin ako sa note na nakalagay sa sulat na binigay ko kay Leah. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na unti-unti nang gumagaan loob ko sa kanya. Siguro ito na talaga yung sign na dapat ko syang kaibiganin.

Nadito na ako ngayon sa bahay at naglalaro ng DOTA. Masyado akong busy sa paglalaro kaya nilock ko muna yung pinto ng kwarto ko. Si Reynaldo namn ay sa pc sa labas ng kwarto naglalaro.




Maya maya pa ay dumating na si Daddy at nag aya na kumain. Kaya kinatok na ako ni Mommy at nagpunta na ako sa hapag at tinabihan so Daddy.

"Oh anak kamusta school mo? Bakit parang abot tenga ngiti mo ngayon?" pang eechoes na tanong ni Daddy. Napansin pala nya na ang saya saya ko mula kaninang umuwi ako. Bigla ko tuloy naalala yung pang eechoes sakin ni Mommy...



Nakasakay na ako sa jeep pero d parin mawala sa aking labi ang ngiti dahil sa nabasa ko. Hindi ko alam pero parang masyado akong affected sa mga nangyari kanina.

Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Mommy. Agad akong nagmano at humalik sa pisngi ni Mommy. Pero, hindi parin nawawala yung ngiti sa aking labi. "Oh bat parang ang saya mo yata ngayon ah? Nako Timothy wag muna ah" sabi ni Mommy. Nagulat namn ako at hindi nakapagsalita agad kaya lalong na-triggered si Mommy at asarin ako.

"At sino naman ang maswerteng babae na muling nagpatibok sa puso ng panganay ko ha?" tanong pa ni Mommy. "W-wala po M-mommy. Study first po ako" sagot ko sa kanya.

"Nako anak. Hindi namn masama humanga eh. Basta ang importante pag-aaral ang uunahin" sabi pa ni Mommy. Natawa naman ako. Hindi ko pa alam sasabihin ko.

"Mommy. Simula po nung iniwan ako ni Angela sinabi ko na po sa sarili ko na d napo ako magmamahal ng babae. Meant to be alone po ako" sabi ko pa na lalong ikinatawa ni Mommy.

"Mali anak. Let me rephrase it. You are meant to be with someone" sabi pa ni Mommy sabay tawa...



"Timothy. Kinakausap kita. Masyado kang lutang ah. Ano ba iniisip mo?" Tanong ni Daddy. Nagulat namn ako at biglang bumalik sa realidad. "Uhmm. Ano po ulit yun Daddy?" tanong ko ulit kay Daddy.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon