Chapter 9

13 7 0
                                        

Na si Daddy pala.

Si Daddy yung taong biglang dumating at kinausap ni Mommy habang kami ni Reynaldo ay nasa kwarto. Bigla kaming napatatahimik nang biglang sumigaw si Daddy. Nakita ko namang pumatak ang mga luha ni Reynaldo.

"Ano?! Asan si Reynaldo?!" sigaw ni Daddy. D na ngayon maawat sa pag iyak si Reynaldo kaya hinimas ko ang likod nya. Pareho kami ngayong kinakabahan sa mga susunod na mangyayari.

Maya maya pa, naramdaman na namin ang mabigat na yabag ng paa na nagmumula sa may tapat ng pintuan. Halos mapadasal nalang kami ng kapatid ko ngayon dahil sa takot. Pagbukas ng pintuan, agad tumambad si Daddy. "Ano tong sinasabi ng Mommy mo? Ginabi ka na namn daw? Napagod kaba sa paggawa ng project mo? Nagkasya ba yung baon mo kanina?" sunod sunod na tanong ni Daddy.

Napahinga nalang kami ng malalim ng kapatid ko. Akala ko ay nalaman na ni Daddy yung kalokohang ginawa ng kapatid ko. Sa totoo lang, hindi ko na talaga kayang itolerate ang mga kalokohang ginagawa ng kapatid ko, ayoko na kasing lokohin pa sila Mommy at Daddy pero wala na akong magagawa dahil utos ni Mommy at ayoko namang masaktan sya pag pinalo sya ni Daddy.

"O-opo Dad. S-sakto namn po" sagot ni Reynaldo. Maging sya ay nakahinga nadin ng maluwag. "Oh sya tara na sa hapag, naghahain na ang Mommy nio ng hapunan" sabi ni Daddy.

"Lumapit nga kayong dalawa sakin, namiss ko kayong mga anak ko. Hay nako teka mga anak ko ba kayo? Bat ang papangit nio?" pabirong tanong ni Daddy. Natawa nalang kami ni Reynaldo at lumapit kay Daddy at kinonyatan nya kami na para kaming mga bata. Hay nako sigurado magagalit ng todo si Daddy pag nalaman nya ang kalokohang ginawa ni Reynaldo.

Sama sama kaming pumunta sa hapag at naabutan namin si Mommy na naghahain ng hapunan. Mahahalata mo sa kanya ang pagkabalisa dahil sa nalaman nya.

"Kamusta Timothy? Masakit pa ba yang paa mo? If yes, I suggest magpakonsulta ulit tayo sa doctor" sabi ni Daddy. Tumango nalang ako at pinilit na ngumiti para hindi mahalata ni Daddy na wala akong ganang makipag-usap. Unti unti namng umaliwalas ang mukha ni Reynaldo dahil nalusutan nya ang problemang ginawa nya.. SA NGAYON...

Kinabukasan, medyo late ako nagising. Medyo lang namn. Kaya medyo binilisan ko ang pag aayos sa sarili ko. Hindi namn na gaanobg masakit ang paa ko dahil ilang araw narin ang lumipas ng mula nung maaksidente ako, pero hindi parin ako makakalaro.

Nandito ako ngayon sa room at nagbabasa ng libro. Medyo maaga kasi akong dumating at wala pa sila Marc at Jason. Nandito namn na si Nicole na medyo busy sa pakikipagchat sa boyfriend nyang si Jason.

"Asan na daw sya?" tanong ko kay Nicole. Ngumingisi naman syang tumingin sakin bago sumagot, "nasa bahay pa si Jason. Masyado pa daw kasung maaga."

Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Medyo nakaka-excite din yung binabasa ko kahit ba sci-fi ito. Nasa huling chapter na ako ng kwentong iyon kaya ganado akong magbasa. Tungkol iyon sa magkapatid na 'aswang' pero yung bida ay napadpad sa mundo ng mga tao. Mabait ang bida pero kabaligtaran iyon ng kanyang kapatid na ganid at nais sakupin ang mundo...

Matapos mapatay ni Hiro ang kanyang ina, lalong nagalit ang batang bampira sa kanyang kapatid na si Moymoy. Hindi matanggap ni Hiro na napatay nya ang kanyang ina kaya pilit nyang isinisisi kay Moymoy ang nangyari. Isang labanan ang nagaganap ngayon sa pagitan ng hukbo nina Moymoy at Hiro. Nais sakupin ni Hiro ang daigdig kabilang ang mundo ng mga tao kung saan nakatira ang tumayong ina ni Moymoy nung nasa mundo pa ito ng mga mortal.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon