Chapter 5

26 5 1
                                    

*SALAMAT KUYA*

Hindi nya man sabihin pero alam kong yun ang gusto nyang iparamdam sakin. Na ang swerte nya kasi ako ang kuya nya.

Kinabukasan, tambak agad ang mga gawain dito sa school. Pagpasok ko sa room wala akong nakitang nag-uusap maliban kay Jason at Nicole na halos dapuan na ng mga antik sa sobrang sweet, lahat ay nakasubsob sa mga notebooks nila at mga libro.

Medyo nakakapagtaka din kung kaya nagtanong ako,"uhm. Guys ano meron?"tanong ko. Lahat sila sabay sabay nag-shhhh sakin sabay turo sa mga nakasulat sa whiteboard. At nawindang ako sa mga nakasulat.

Napakadaming quiz at recitations ngayon. Halos lahat ng subjects namin ngayong ay araw ay merong quiz o kaya recitation. Jusq kaya ko ba to? Baka bumagsa ako nito.

Lumipas ang buong araw na pagod na pagod kaming lahat. Kulang nalang eh doon na kami matulog sa room dahil sa sobrang pagod.

"Tra Timothy laro tayo arcade para mawala pagod natin" aya ni Marc. " Oo nga Timothy tra. Sama ko tuloy si Nicole" sabi namn ni Jason. "Sige pre. Pero hanggang 6 lng ah! Baka kasi pagalitan ako" sabi ko. " Sige cho tra" sabi ni Jason.

Sama sama kaming nag-intay ng jeep kasi pupunta kaming apat sa Robinson. Magkatabi kami ni Marc tas katapat namin sila Jason at Nicole at magka holding hands pa.

Mga ilang minuto pa nakarating na kami sa Robinson. Hindi namn ganun kadami ang tao dahil weekday, kaya mabilis kamung nakasakay ng elevator at nakapunta sa arcade station.

Masaya kaming naglalaro nang may makita akong asungot sa may ktv, sila Leah! Hay nako sinusundan ba nila ako?

Mukhang hindi namn nya ako napansin kaya nagpaalam nako kela Jason. Baka kasi makita pako ng Leah na yun at baka kung ano na namn gawin nya. "Mga pre uwi nako. Masama na pakiramdam ko eh" palusot ko nalng pero ang totoo, gusto ko lng talaga iwasan sila Leah.

"Ang aga pa eh. Pero sige pre pagaling ka ah" sabi ni Marc. Nagmamadali akong umalis sa Arcade at dumiretso sa elevator para d ako makita nila Leah.

Nagmamadali din akong lumabas ng Robinson kasi mahirap na. Baka mamaya bilang sumulpot sa harap ko yun.

Pagkauwi ko sa bahay agad akong pumasok sa kwarto at nakita ko si Reynaldo. Mukang malungkot sya at wala sa sarili kaya d ko muna sya kinausap at nagpalit muna ako ng damit.

Matapos kong magpalit ng damit, agad ko syang pinuntahan at kinausap. "Ano nangayari? Bat ka malungkot?"tanong ko sa kanya. Hindi nya ako sinagot at bigla nya akong niyakap at naramdaman kong pumatal yung luha nya sa balikat ko. "Wala na kami kuya, wala na kami ni Isabelle" sabi nya habang humihikbi.

"Bakit? Ano nangyari?"tanong ko. Dahil umiiyak sya hindi nya mapigilan ang paglakas ng boses nya kaya sinabi ko na hinaan nya ang boses nya at baka marinig kami ni mommy. "Hindi nya na daw kaya yung sitwasyon namin. Ayaw nya daw ng may tinatago, sawa na syang ideny ko sya in public pero para sa kanya rin namn yung ginagawa ko eh" paliwanag ni Reynaldo.

Wala namn ako maipayo sa kanya dahil d ko pa nararanasan ang ganong sitwasyon. "Kaya mo yan. Huwag ka lang susuko"yun nalng ang sinabi ko at sinuklian ko din ng isang mahigpit na yakap ang yakap nya sa akin.

Mukhang nahimasmasan naman na sya at tumahan na sya sa pag-iyak. Pero kahit tumahan na sya ay bakas parin sa kanyang mukha ang labis na sakit na sakit na dinulot ng paghihiwalay nila ni Isabelle.

"Paglabas natin punasan mo yang luha mo. Sabihin nalng natin kay daddy na masama ang pakiramdam mo para d sya mag-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi may nadinig akong kaluskos at yabag mula sa labas ng kwarto dahilan para mapalingon ako. Agad kong binuksan yung kwarto ko pero wala namn tao kaya bumalik ako kay Reynaldo at tinuloy yung sinasabi ko. "Paglabas natin punasan mo yang luha mo. Sabihin nalng natin kay daddy na masama ang pakiramdam mo para d sya maghinala sa atin"

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon