Chapter 26

15 2 0
                                    

"Oy guys ano sagot dito?" marahang bulong ni Jason. Nandito kami ngayon sa room at naghihingalo dahil napakahirap ng periodical exam. "Tignan mo nalang yung papel namin Baby wag ka na magtanong" bulong naman ni Nicole.

"Ehem! Yung mga nag-uusap dyan! Pupunitin ko papel nyo" sabi nung prof namin. "Sh*t" sabi ni Marc. "Ma'am no erasure po ba?" tanong nya sa prof namin.

"Any form of erasure is considered wrong" seryosong sabi nung prof namin. Napasabunot naman sa inis si Marc at nagpatuloy nalang sa pagsasagot.

Sa totoo lang hindi naman ganun kahirap yung exam eh. Hindi lang talaga nagreview tong mga kaibigan ko. Nakakatawa yung mga itsura nila habang nag-eexam. Si Jason aligagang-aligaga kakasilip sa mga papel ng katabi. Si Marc naman halos ikamatay ang nag-iisang erasure sa papel nya. Si Nicole naman aba! Nagsusuklay habang nagsasagot! Petmalu.

"Last 10 minutes" sabi nung prof namin. Dahil don halos hulaan na nila yung mga tanong. Habang kaming mga nagreview umabot sa time. Masisipag kasi kami Hahaha.

"5 minutes" sabi nung prof kaya yung ibang classmates namin halos maiyak na. Hahahaha ayan kase! Mga hindi magreview.

"Pre hindi nako maglalaro ng ps4 mamaya! Magrereview nalang ako" sabi ni Jason na maiyak-iyak narin dahil wala pa sa kalahati yung nasasagutan nya. At ang masaklap pa dun, 40% ng grades namin para sa quarter na ito ay sa exam na ito nakasalalay.

"Okay! Finish or not finish pass your paper" sabi nung prof namin. "What the f*ck" inis na sabi ni Jason habang iniaabot yung papel nya sa harapan.

"Men exam ba talaga natin yun?! Lintik baka pang grade 10 yun ah?!" sabi ni Jason. Nandito kami ngayon sa canteen dahil vacant yung time namin ngayon. After kasi ng isang oras na vacant ay ang walang kamatayang math ang susunod na exam.

"Eh kung magreview nalang kaya tayo dito habang kumakain?" suggestion ni Nicole. Napatango naman si Jason. "Tama ka baby! Oh ano na guys sino sa inyo ang may dalang reviewer" sabi ni Jason.

"Sira ka talaga! Lakas mo mag-aya ng group review wala ka naman palang dalang reviewer!" sabi ni Marc sabay batok kay Jason.

"Don't worry guys may dala ako" pagpresenta ko sabay labas ng reviewer ko. "Tignan mo buti pa tong si Lover Nerd may dalang reviewer" sabi ni Marc sabay akbay.

"What the f*ck! Lover Nerd?! San mo napulot yun?!" sunod-sunod kong tanong sabay tawa.

"Wala naisip ko lang" sabi nya. "Tara review nalang" pagbasag ni Jason sa katahimikan.

Hindi ako makapagfocus sa pagrereview dahil bumalik na naman sa isipan ko yung naalala ko kahapon sa jeep.

"Oy pre!" tawag sa akin ni Jason sabay pitik sa harapan ko. "P-pre bakit?" tanong ko na halatang may halong gulat.

"Ayos ka lang?" tanong ni Marc. "Kanina ka pa tulala" dagdag nya pa. "Baka iniisip nya si Leahbabes nya" sabi ni Jason sabay ngisi kaya pinandilatan ko sya.

"Pre ano to?!" kinakabahan tanong ni Jason habang nakatingin sa papel nya. Nandito kami ngayon sa room habang nag-eexam sa Math.

"Pare hindi ko to alam" sabi ni Marc habang sinisipa ako para hingin yung sagot ko. "Pare teka iniisip ko pa yung sagot" sabi ko.

"Putek!" napamura nalang si Nicole dahil sa hirap ng exam. "Bakit?!" tanong ni Jason.

"Eh kasi yung nasa choices eh 23, 33, 43 saka 53 lang. Eh yung sagot ko umabot ng 1000" sabi ni Nicole dahilan para mapahalakhak kami.

"Hey guys what's funny there?" seryosong tanong ng prof namin sa Math. Nako paktay. Pare-pareho kaming pinagpawisan dahil dun.

"Hey guys I'm asking you! What's funny there?!" ngayon ay medyo tumaas na yung tono ng pananalita ng prof namin.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon