Chapter 16

10 4 3
                                        

Dahil...

Dahil nagchat si Leah.

You and Leah waved on each other

5:58pm

Hi Timothy

Oh my ghaaad! Para akong bakla na nakakita ng pogi dahil sa nakita ko sa phone ko. Act normal Timothy, tandaan mo hindi ka pwedeng magkagusto kay Leah.

Nakita kong online pa sya kaya agad ko syang chinat.

6:12 pm

Hi Leah.

Nakauwi kana?

Yeah. Acutally kakauwi
ko lng hehe

Ahhh! That's good. Akala
ko kasi nagbulakbol kapa

Not really!

Medyo malayo kasi yung
bahay namin eh hahahah

Kumain kana ba?

Not yet! I'm fixing something
kaya d pa ako kumakain.
Maybe later.

Ahhh okie. Gawin mo na iyan.
Tas kumain kana hahagahaha

Yes! Dad

Natawa ako ng bahagya dahil sa huli nyang reply pero hindi na ako nagreply kasi baka makaistorbo ako sa inaayos nya. Bigla namang nagising si Ate dahil nag alarm ang phone nya.

"Why ate? Bakit ka nag alarm?" tanong ko. Namumugto pa ang mata nya dahil kakagising nya lang at halatang inaantok pa sya pero pinilit nyang bumangon at humarap sa cabinet. Agad nyang inilabas ang mga panlakad nya kaya lalo akong nagtaka.

"Hey Ate Rachel, ano bang meron at nagmamadali ka? Do you have a sudden meeting?" tanong ko dahilan para mapalingon sya sakin.

"Buti nalang nandyan ka. Dali magbihis kana. Pupunta tayo sa designer ko. Papagawa na tayo ng damit na isusuot mo sa kasal ni Ara next week" sabi nya. Napasmirk naman ako dahil tinatamad ako umalis kasi kauuwi ko lang galing school tapos kakatapos ko lang maglinis ng bahay.

"What?! Hindi ba---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang napamewang si Ate at nagsalita na medyo may halong pagtataray, "Bilisan mo na! Wag kana masyadong magtanong. Busy ngayon yung designer kaya kailangan na nating magmadali" sabi nya dahilan para mapa-buntung hininga nalang ako.

Nandito na kami ngayon sa jeep at halatang tuliro parin si Ate. "Ate ano po ba talaga meron at madaling madali kayo? Diba magpapasukat lang naman tqyo ng damit?" tanong ko kay Ate Rachel. Hindi naan agad nakasagot si Ate Rachel kasi tulala lang sya may labas ng sasakyan "Ate Rachel" tawag ko ulit sa kanya.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon