Wala na si Mommy.
Nandito ako ngayon sa bahay. Dagsa din ang mga malalapit naming kaibigan at mga kamag-anak na nais sulyapan si Mommy.
Walang gana naming binabati ang mga bisita at walang gana kaming nagpapasalamat sa tuwing ipinaaabot nila ang kanilang pakikiramay.
"Smile ka naman kahit konti Love" sabi ni Leah. Ngumiti sya sa akin pero alam kong pinilit nya lang yon para pangitiin ako.
Mapait akong napangiti sa kanya. "Sorry kung hindi ko kayang ngumiti sayo ng totoo" sabi ko sa kanya. "Hindi mo kailangang ngumiti kung hindi mo kaya. You don't have to smile beyond your pain" sabi ni Leah saka ako niyakap at sumandal sa balikat ko. Yung yakap nya talaga ang nagpapagaan ng pakiramdam ko, kahit gano kabigat ang pakiramdam ko.
Maya-maya pa ay dumating si Daddy at may dalang isang yellow pad. "A-anak! Ito yung sulat na binilin sakin ng Mommy mo noong nasa ospital pa sya. Wag kang mag-alala hindi ko yan binasa. Wag ka na rin mahiya sakin pag kasama mo si Leah. Alam ko nang nobya mo sya, sinabi ng Mommy mo sa sulat nya sakin. Ingatan mo si Leah ah" sabi ni Daddy sabay alis dahilan para maiwan kaming tulala.
Hinawakan naman ni Leah ang kamay ko saka nya ako ngnitian. Matipid akong napangiti sa kanya saka nabaling ang atensyon ko sa yellow pad na binigay ni Daddy.
To my First Born, Timothy,
You are the smartest of all my siblings. You are the reason why this family is strong. Every time na nagkakatampuhan kami ng Daddy mo, your single cry is the solution, no matter how big ous misunderstanding is.
You are the most generous among my children. Your smartness and generosity na namana mo sa akin, walang duda ang hinangaan namin. At ng mga babaeng nagkakandarapa sayo noon at ngayon.
Sa lahat ng mga anak ko, ikaw ang pinaka emosyonal. Sa kaunting problema na pinagdadaanan natin ay naluluha kana. Pero walang masama dun. Hindi porket big boy kana, hindi ka na dapat umiiyak. It's just a proof that big boys have feelings too. Na kahit malaki na kayo ay nasasaktan din kayo.
Sa lahat ng anak ko, ikaw ang pinakamapagmahal. You're easy to fall in love yet very protective and strong. Yun ang bagay na labis kong ipinagmamalaki. Dahil kahit buong mundo ang makaharap mo, para sa babaeng mahal mo ay handa kang sumalungat sa agos ng nakakarami.
Pero may isa akong bagay na hiling sayo, alam kong sobra kang nabigo kay Angela noon kaya ang laki ng pinagbago mo. Anak, hindi pa huli ang lahat. Alam kong nasa tabi mo na ang babaeng mahal mo pag binabasa mo na ito. Iyon na ang naging dasal ko simula nang hiwalayan ka ni Angela. Na sana pag dumating ang oras na kailangan mo nang basahin ito, hawak mo na ang kamay ng babaeng totoo mong minamahal.
Naalala mo ba yung sinabi kong hinding-hindi ka makakapaglihim sa akin, totoo yun. At papatunayan ko sayo yun. Alam kong may gusto ka kay Leah, matagal na. Na kahit hindi naging maganda ang unang pagkikita nyo, nabighani ka parin sa kanya. Malalaman mo rin kung pano ko nalaman. Pangako, malalaman mo rin.
Maganda ang kinabukasan na naghihintay sa iyo, at sa inyo ni Leah. Maging matatag sana kayong dalawa at wag magpadala sa agos ng nakakarami. Kayo dapat ang gumawa ng sarili nyong agos at sila ang susunod sa inyo. Alam ko sa oras na basahin nyo ni Leah to ay wala na ako kaya ang payo at hiling ko sa inyo ay wag na wag kayong susuko. Hindi hadlang ang pagkawala ko sa pag-usad nyo. Pagsubok ito na alam kong mahirap para sa inyo pero alam kong dadating ang panahon na pasasalamatan nyo ako dahil sa nangyaring ito kaya natuto kayong tumayo sa sarili nyong mga paa.
And remember my prince, death is not the end of our relationship. I'm still your mother and you will always be my son. I will always be by your side. I'm sure that one day, you and Leah will spread your wings and you will fly together and take your step towards your unbelievable journey. And when that time comes, I will be the proudest mother of all time.

BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Novela JuvenilPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...