Awa...
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mga kalokohan nyang ginawa nya sakin ay makakaramdam parin ako ng awa sa kanya.
Aaminin ko, naiinis ako sa kanya sa tuwing gagawan nya ako ng kalokohan. Na kaya iniiwasan kong dumaan sa gitna ng building namin kasi baka makadaupang palad ko sya doon.
Pero kahit ganun, pakiramdam ko may mali sa lahat ng ginagawa nya, not to the point na mali talaga yung ginagawa nya pero meron talaga. At pakiramdam ko, yun yung dahilan kung bakit ang kirot ng puso ko sa tuwing makikita ko ang malungkot nyang ekspresyon.
"So I'm Ramon Timothy Mendoza and I will be here to monitor and guide you until the final tryouts next next week" panimula ko.
"So we don't need very skilled players, what we need is KIND and DISCIPLINED players willing to accept corrections and advises" sabi ko habmg binibigyang diin ang salitang Kind at Disciplined.
"Ang now I got the list of men and women who will be joining the tryouts. And you are quite many compare last year. But the team only needs 7 girls and 6 boys so good luck to all of you" sabi ko pa dahilan para lalong kabahan ang mga magtatryout.
"So here's the list of participants this tryout and if your name is not called, approach me. I will not eat you" sabi ko pa.
Nakita ko namn si Leah na tulala pero nanatiling gulat ang kanyang itsura.
At sinimulan ko nang banggitin isa isa ang mga nakalista. "Jerome Vergara, Joshua Belmonte..." nagpatuloy ako sa pagbanggit hanggang sa mga girls.
"Jhoana Louise Caballero, Fritzie Dela Cruz. And last, Leah Anne Pineda. Is there anyone who's not called? Come here please" sabi ko. Nanatili naman sila sa kani kanilang pwesto at walang lumapit sakin. Mukhang nasa listahan silang lahat.
"So it seems like lahat kayo ay nasa listahan so si Kuya Angelo nio na Ang bahala sa inyo. Wag kayong magpapasaway ah. Kung may problema, don't be shy to approach me" sabi ko.
Nagsasagawa na sila ng drills sa pamumuno ni Angelo. Hindi tulad kanina, lahat ng mga kasali ay seryosong seryoso.
Nakasilip lang ako sa kanila pero hindi ko nasumpungan si Leah sa kumpulan ng mga naglalaro. Sa totoo lang hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya kanina dahil sa ginawa nya sa paa ko. Parang may kung ano na pumipigil sa aking galit dahil parang may mali.
Nagpalinga-linga ako at nakita ko si Leah na umiiyak habang naka upo sa bench kaya ika ika akong naglakad palapit sa kanya. Habang naglalakad ay hinuhugot ko sa bulsa ko yung handkerchief ko para ipahiram sa kanya.
"Are you alright?" tanong ko kay Leah sabay thumbs up. Pero hindi sya lumingon sakin at patuloy parin sya sa pag iyak. "Is something bothering you? Dba dapat masaya ka ngayon kasi kasama mong maglaro si Angelo" sabi ko.
"Umalis ka dito. D kita kailangan" sabi nya. Medyo matigas ang tono ng pagkakasabi nya noon at alam kong galit sya. Hindi ko lang alam kung kanino.
"Ok. Kung ano man yan, settle it for a moment. Sige ka pag nagpatuloy yan baka hindi ka makuha" sabi ko.
"Bakit pa? Alam ko namn na sa lahat ng ginawa ko sayo alam kong hindi mo ako kukunin" sabi nya. Medyo natawa ako bago nagsalita, "may mga bagay at pangyayari kung saan dapat isettle muna ang personal life. Sa ngayon hindi ko pa nakikita laro mo and malay mo makuha ka. And besides, katulong lang ako ni ma'am Ilene sa pagpili."
"Here take this. I hope this will help wipe your tears. Good luck on your tryout. I hope makalaro na kita. Soon" sabi ko sabay abot sa kanya ng handkerchief. Inabot nya namn ito at pinunasan ang luha nya.
BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Teen FictionPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...