Pagdating sa ospital, isang taong matagal nang nagbibigay ng sakit ng ulo kay daddy ang nakasalubong namin. At mukang sya ang may-ari ng ospital kaya napapikit nalng sa inis si daddy dahil wala na kaming pagpipilian pa.
"Ano ginagawa mo dito Reynaldo Mendoza Sr?" Galit na sabi ng matagkad at maputing lalaking mukang kagalit ni daddy noon pa. "Wala akong pakielam sayo Juan Miguel Pineda. Ang kailangan ko ay ang mga doctor nio" galit na tugon ni daddy pabalik.
"Hanggang ngayon mayabang ka parin. Matabil parin ang tabas dila mo" sagot namn nung lalaki na Juan Miguel pala ang pangalan. "Wala akong panahon sayong kamangmangan idiota, kailangan kong ipagamot ang anak ko" sagot ni daddy. "Idiota? Tinatawag mobg idiota ang may-ari ng ospital na ito? Baka nakakalimutan mo Reynaldo nandito ka sa teritoryo ko, kaya umayos ka sa pananalita mo" bwelta nung lalaki.
Hindi nalng sya pinansin ni daddy at inalalayan na nya ako papasok ng ospital pero pinigilan kami ni Juan.
"Teka pinapasok ko na ba kayo? Pwede ko kayong kasuhan ng trespassing nyan" sabi ni Juan. Hindi na nakapagpigil pa si daddy at sinuntok na si Juan sa mukha dahilan para bumagsak sa sahig si Juan.
Agad namn itong tumayo para gantihan sana si daddy pero pinigilan sya ng guard na nakaduty. "Eto tatandaan mo Reynaldo. Wapang kahit sinong Mendoza ang pwedeng tumuntong sa ospital ko, kahit si Teresita. Guards palabasin nio na sila" utos ni Juan sa mga guard.
"Hindi mo kami kailangang kaladkarin para umalis Mr. Juan Miguel Pineda. May sarili kaming mga paa para maglakad papaalis dito sa walang kwenta mong ospital" sabi ni daddy at inalalayan nya na ako pabalik sa kotse.
"Hindi pa tayo tapos Reynaldo tandaan mo yan" sigaw ni Juan. Hindi na sya pinansin ni daddy at pinaandar nya na yung kotse paalis.
"Sino po ba yun daddy?" Tanong ni Reynaldo kay daddy. "Gusto nio talagang malaman? Sige ikukwento ko" sabi ni daddy.
Kahit masakit ang paa ko pinilit kong lumapit kay daddy para makinig.
"Sya si Juan Miguel Pineda, matalik kong kaibigan" panimula ni daddy. "Eh magkaibigan namn pala kayo daddy eh, bat nag away kayo kanina?"tanong ni Reynaldo. "Makinig ka hindi pa ako tapos. Matalik kaming magkaibigan nung nag-aaral pa kami. Pero nagkagusto sya sa mommy nio, kaya nagtulungan kami na ligawan ang mommy nio para sa kanya pero hindi nya alam na may gusto din ako sa mommy nio noon. At hindi nmin inaasahan na ako ang magugustuhan ng mommy nio kaya hindi nako nagsayang ng oras at tinanong ang mommy nio. Sinagot nya namn ako kaagad at nung nalaman ni Juan yun, dun na kumulo ang dugo nya sakin. Tuluyan nading nasira ang pagkakaibigan nmin dahil dun at inasahan ko nang dadalin nya yung galit na yun hanggang pagtanda nmin" pagkukwento ni daddy.
Hindi ko namn namalayan na nakatulala na pala ako habang nakikinig kay daddy with matching nganga pa ng bibig. "Kuya sara mo baka pasukan ng langaw haha" pang-aasar ng kapatid ko dahilan para mapalo ko sya ng malutong sa braso.
Nandito na kami ngayon sa ospital at isasailalim ako sa x-ray para malaman nila kung may bali ako. "So wala namn akong nakitang bali. Siguro sprain lng yan kaya namaga. Ang maipapayo ko lng sayo ay wag ka muna maglaro ng sports for atleast a week then magtake ka ng several medicines para mas mapabilis ang recovery mo. Nakalagay namn na dyan yung description kung kelan at pano mo iinumin lahat ng nakalagay dyan" sabi ng doctor sabay abot ng medyo maliit na papel sa akin.
"Eh doc d namn po malala yung sprain ng anak ko dba?"tanong ni daddy. "Still ichecheck pa natin yan, if you want pwede nio syang iconfine dito till tomorrow para mamonitor natin yung paa nya or pwede rin sa bahay nio pero make sure na hindi mababatak yung paa nya" sabi ng doctor. "Uhmm. Sige po doc pahanda nalang magiging room nmin" sabi ni daddy. "Eh doc makakapasok namn po ako sa Lunes dba?"tanong ko.
BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Teen FictionPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...