Si Angela!
Teka bakit sya nandito? At bakit kausap nya si Ate Rachel? Teka bakit ba ang dami kong tanong? Act normal Timothy. Hindi pwedeng mahalata ni Angela na kinakabahan ka kasi nagkita na naman kayo.
Iniuwang nya ang kamay nya papalapit sa akin dahilan para siklaban ako ng kaba. Hindi ko naman pwedeng iignore ang ginawa dahil kabastusan yon. Hindi ko na mapigilan ngayon ang pagpapawis ng kamay ko dahil sa kaba at takot na baka makahalata si Angela.
"Nice to meet you again, Timothy" bati ni Angela habang nakauwang parin ang kamay nya sa tapat ko. Wala naman na akong nagawa kundi makipagshake hands sa kanya at batiin din sya, "Nice meeting you too. Angela" bati ko na medyo kinakabahan.
"Maupo na kayobg dalawa. Timothy inorder nadin kita ng steak" sabi ni Ate. Pagkaupo namin ay nag-usap silang dalawa habang ako eto, parang asong nakabahag ang buntot habang hinihintay ang mga susunod na mangyayare.
"Diba sabi mo dalawa kayo? Where the other one?" tanong ni Ate Rachel. Magalang at nakangiti naman itong sinagot ni Angela, "She just out there. She said that there is something more important than this dinner that's why she's out. But don't worry she will be here in just half an hour" magalang na sagot ni Angela. "So ano ba ang dahilan kung bakit mo kami pinapunta dito?" tanong ni Ate Rachel. So ibig sabihin kami pala ang bisita dito? Aba talaga naman...
"Kasal kasi ng pinsan kong si Ate Ara. Ang gusto nya para sa reception ay parang JS prom ang theme kaya dapat lahat ng invited ay may kapartner that's why pinapunta ko kayo ni Timothy kasi iniimbitahan kayo ni kuya Kevin, kayo ang date. Pinapunta ko naman si Timothy kasi sya ang date ko sa reception" sabi ni Ate Rachel dahilan para manlaki ang mga mata ko. Ano?! Si Angela?! Magiging date ko?!
"A-ano?!" hindi ko napigilan ang paglakas ng boses ko dahil sa narinig ko. Nagtaka naman si Ate Rachel dahil sa ginawa ko. "What's the problem Timothy? Ayaw mo?" tanong ni Ate Rachel sakin dahilan para mapatingin sakin so Angela.
"Ah. O-okay lang sakin A-ate. In f-fact I'm e-excited" nauutal kong sagot kay Ate Rachel. Napatango-tango naman si Ate at napangiti naman si Angela.
Bigla namang nag ring ang phone ko kaya nagpaalam ako sandali at sinagot ang tawag sa telepono ko. "Hello" sagot ko. "Timothy ako ito, si Reynaldo. Uhmmm umuwi ka na daw sabi ni Daddy may sasabihin daw sya sayo" sabi ni Reynaldo. "Ah okay I'm coming" sabi ko at binaba na ang telepono.
Pagpasok ko ay agad kong kinausap si Ate. "Ate I have to go. Ibigay mo nalang sakin yung invitation" sabi ko. "W-wait Timothy. Wala pa yung isang kasama ni Ange---" hindi nya na natapos yung sasabihin nya kasi bigla akong nagsalita, "No need Ate. It's urgent. Good bye Ate see you at home nalang" sabi ko kay Ate Rachel at dali daling lumabas ng resto.
Paglabas ko ng resto ay may nakasalubong akong babae at nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung sino ang babaeng iyon...
Si Fritzie....
"What the hell are you doing here?" mataray na tugon ni Fritzie kaya wala na akong nagawa kundi ang malamig na sagutin ang tanong nya, "My sister and I had a meeting with someone whose inside" sagot ko sabay para ng taxi. Sasagot pa sana sya ng pabalang kaya lang malakas kong isinara ang pintuan ang taxi at umalis.
Pagdating ko sa bahay, nakita kong papaalis na sila Daddy at Reynaldo. "San po kayo pupunta Daddy?" tanong ko. Medyo nagpapanic naman na ngayon sila Daddy at Reynaldo pero sinagot parin nila ang tanong ko.
"Bibili kami ng kapatid mo ng gamot para sa Mommy mo. Ikaw ang maiwan Timothy. Samahan at alagaan mo ang Mommy mo. Clear?" utos at tanong ni Daddy sakin. Agad naman akong napatango at pumunta sa kwarto nila Mommy at Daddy at inabutan kong nakahiga si Mommy at balot na balot ng kumot.
BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Teen FictionPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...
