"Please wag mokong iwan Timothy. Wag mokong iwan kasi mahal kita" sabi ni Leah dahilan para mawindang ako. Teka teka! Nanaginip ba ako?
"Hindi ko inakalang mamahalin kita ng ganto Timothy. Simula noong nakilala kita nagkaroon na ako ng interes na mas lalo kang kilalanin hanggang sa mahulog ang loob ko sayo. Please Timothy mahal na mahal kita, wag mo akong iwan" dagdag pa nya. Hindi ako magkamayaw sa tuwa ngayon dahil mahal nya rin ako. Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya.
"Mahal din kita Leah" nakangiti kong sabi sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Nag-uumapaw na saya ang nararamdaman namin ngayon dahil nagtagpo na ang tibok ng mga puso namin at iisa na ito ngayon.
"P-please Timothy. Wag mo akong iwan" pagmamakaawa nya pa habang nakayakap at humihikbi sa dibdib ko. "Oo mahal ko, hindi kita iiwan" sabi ko sabay punas ng luha nya na walang patid sa pagpatak. "Kung pwede nga lang sana eh ako nalang ang boyfriend mo" dagdag ko pa. Unti-unti nakong nawawalan ng control sa sarili ko.
"Kung pwede lang na sagutin na kita ngayon, ginawa ko na. Pero ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Fritzie. Sana naiintindihan mo at handa kang maghintay" sabi nya sabay hawak sa magkabila kong pisngi.
"Para sayo mahal, kahit ilang taon pa. Maghihintay ako" sabi ko sabay hawak sa kamay nyang nakahawak sa aking pisngi.
"Ang jeje naman ng mahal haha" nakangiting sabi ni Leah. Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita kong muli ang ngiti nya.
"Eh ano ba ang gusto mong tawagan natin? By? Love? Mas jeje naman kung babe" excited kong tanong sa kanya. Wala pa manding kami ay excited na ako sa tawagan namin HAHAHA.
"Love nalang para romantic" nakangiting sabi ni Leah na ngayon ay nakahawak na sa kamay ko. "Simula ngayon dito tayo pupunta bago kumain. Dito rin tayo magkikita para sabay tayo umuwi. Araw araw akong maghihintay para sayo Love, pangako" sabi ko.
"Pwede ba kayong magbigay ng gamit na pinakapopular na naimbento noong industrial revolution?" tanong nung Prof namin sa Economics. Isa-isa namang nagtaas ng kamay ang mga classmates ko pero ako deadma lang, hindi parin kasi ako makaget-over sa nangyari kaninang lunch. Hindi parin ako makapaniwala na yung babaeng dati eh pangarap ko lang eh hawak ko na ngayon. Abot-kamay ko na ang isa sa mga pangarap ko and it's killing me out of happiness.
"Ramon" biglang tawag sakin ng prof namin dahilan para mabasag ang pagpaflashback ko. Kahit kelan talaga tong prof ko, apaka-kj. "Uhhhm, sir ano po yung tanong?" tanong ko habang nagkakamot ng ulo.
Napakamot naman ng ulo yung prof namin bago inulit yung tanong, "Pwede ba kayong magbigay ng gamit na pinakapopular na naimbento noong industrial revolution?"
iritang sabi nya.
Paktay wala akong alam. Ano isasagot ko, "uhhm-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang sipain ni Marc ang paa ko at pinakita sakin yung page ng notebook nya kung saan nakasulat ang salitang "steam engine'. Biglang lumawak ang ngiti ko dahil napagtanto ko na iyon pala ang sagot sa tanong ni prof.
"Uhhhhm sir! Steam engine po" confident kong sagot. Nasindak ako ng biglang ngumisi yung prof namin at bigla syang nagtanong ulit, "Bigyan mo nga kami ng isang imbensyon noon na gumamit ng steam engine" tanong nya sa akin kaya lalo akong kinabahan. Hindi ko nga alam kung ano yung steam engine kaya hindi ko din alam gamit nun. "Uhhhhhhhhm! Sir"
kinakabahan kong sabi.
"Tren po!" kinakabahan kong tanong. "Ok you may sit" sabi ng prof namin. Whooo! Nakaligtas ako. Akala ko mayayare na naman ako. Naalala ko noon na nagpapantasya din ako kay Leah kaya napagalitan nya ako...
Iniimagine ko pa ang pakiramdam na mahal din ako ni Leah ng bigla akong tawagin ng Prof namin sa Araling Panlipunan.
"Ramon! Ibigay mo nga sa akin ang law of demand" sabi ng Prof namin. Nako paktay di ko alam. Napakamot nalang ako ng ulo habang pilit na iniisip ang tamanc sagot, pero wala talaga. Hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Novela JuvenilPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...
