Chapter 22

9 2 1
                                    

"Kailangan magpahinga kayo ng mabuti ok? Kailangan nating lahat ng sapat na pahinga para bukas" sabi ni Ma'am Ilene sa aming lahat. Nandito kami ngayon sa may Provincial Sports Complex para magsanay para sa huling pagkakataon bago ang competitions bukas.

"Ma'am sigurado ako si Timothy na naman mananalo sa singles" pagpuri sakin ni Angelo. Kahit kelan talaga tong mokong nato, ang hangin ng utak. "Sira! Maraming magagaling ngayon, ayokong magsalita ng tapos" sabi ko dahilan para magtawanan kaming tatlo nila Ma'am Ilene at Angelo.

"Ten minute break muna bago tayo magsimula ng practice. Kailangan after ten minutes nandito na kayo maliwanag?" sabi ko kaya sabay sabay silang nagsitango bilang sagot.

Nakaupo ako sa bleacher ng biglang may kumalabit sa likod ko kaya agad akong lumingon at nagulat ako ng makita ko si Fritzie. Teka ano na naman ba gagawin nya? Nako nako!

"Uhmm Timothy can we talk?" nahihiya nyang sabi sa akin dahilan para magtaka ako. Bakit parang iba ang nais ipahiwatig ng tanong nya? "Bakit? Ano ba problema?" mahinahon kong tanong para hindi nya mapansin na takang-taka na ako sa ikinikilos nya.

"Gusto ko sanang magsorry sayo dahil sa mga nagawa kong kalokohan sayo before. Sorry kasi nung pilay ka inutusan ko si Leah na batuhin ng shuttlecock yung paa mo. Sorry kasi inutusan ko si Leah na magalit sayo noong magsosorry na sya dapat sayo noong PE class nyo. Sorry Timothy. My apology isn't enough to get your forgiveness" sabi nya habang nakatingin ng derecho sa mga mata ko.
"May tanong ako sana sagutin mo ako ng totoo" sabi ko habang nakatingin din ng derecho sa mga mata nya. "Bakit nyo ba ako ginanon?" dagdag ko  Hindi sya agad nakasagot kaya alam kong hiyang-hiya sya akin.

Fritzie's POV

Napatingin nalang ako sa seryosong mukha ni Timothy. He never knew that all these times na binubully ko sya is not because I like to do so. God knows kung gaano ako nagsisisi sa mga ginagawa ko sa inosenteng si Timothy na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang pinsan ko.

Aaminin ko noong una, nakaramdam din ako ng galit kay Timothy dahil sa salaysay sa akin ni Ate Angela. Sinabi nya sa akin na nahuli nya si Timothy na nambabae noon kaya hiniwalayan nya ito. Hindi ko pa man nakikita ng personal si Timothy noong mga panahong iyon ay alam kong magiging matindi ang galit ko sa kanya.

But everything changed noong nalaman ko kay kuya Kevin ang lahat. Kaibigan ni Kuya Kevin ang Kuya Jeremiah ko kaya may connection ako sa side ng Mendoza. At dun ko nalaman na isang kasinungalingan ang istoryang ikinwento sa akin ni Ate Angela. And that story is the total opposite of the real story.

I never expected na magagawa sa akin ni Ate Angela yon but I have no choice but to follow her kasi naipangako ko na sa kanya na magiging katuwang nya ako sa paghihiganti kay Timothy. And noong time na inis na inis si Leah dahil sa insidenteng nangyare sa kanya between Timothy, I came up with a plan on using Leah to hurt Timothy.

Inexpect ko na din na dadating ang araw na iiwasan ako ni Leah, ng kaibigang simula pagkabata ay kasa-kasama ko dahil kay Timothy. Hindi man kagwapuhan si Timothy, kahit sinong babae ay mahuhulog ang loob sa kanya dahil sa pagiging magalang, mabait at maginoo nya. Matagal ko nang napapansin ang unti-unting pag-usbong ng romantic feelings kay Leah for Timothy. Sinubukan ko itong pigilan pero sadyang makapangyarihan ang puso.

Nakita ko na naman ang seryosng mukha ni Timothy nang muli nya akong tignan kaya nanumbalik sa akin ang alaala ng pinag-ugatan ng kalokohang labis kong pinagsisisihan ngayon...

Nanonood ako ng K-drama sa sala ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Ate Angela na pagod galing sa school. "Oh Ate! How's school?" tanong ko. Yun naman lagi ang tanong ko sa kanya sa tuwing uuwi sya ng bahay galing school.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon