Leah's POV
Hindi ko ito gusto. God knows kung gaano ako nasasaktan sa tuwing makikita kong malungkot si Timothy. Kaya mas pinili ko na lang na lumayo dahil hindi ko kayang suwayin ang utos ni Papa...
"Sakay!" galit na sabi ni Papa habang hawak ng mahigpit ang braso ko. Hindi maalis sa akin ngayon ang kaba dahil nakita ng dalawang mata ko kung pano sinuntok ni Papa si Timothy sa mukha dahilan para bumulagta ang mahal ko sa sahig.
Walang awa akong itinulak ni Papa papasok sa backseat. Galit na galit sya. Hindi ko alam kung bakit pero galit na galit sya. Lalo na kay Papa Reynaldo.
"Pa please let me love him. He's my life" pagmamakaawa ko pero isang malakas na hampas sa steering wheel ang isinagot ni Papa.
"No! Lalayuan mo ang binatang Mendoza na iyon whether you like it or not" seryosong sabi ni Papa sabay paandar ng sasakyan.
"But Pa mahal ko po si Timothy! I can't live without him" sabi ko habang hindi na maawat pa ang pagpatak ng mga luha ko.
"Kung hindi ka susunod si Timothy ang mapapahamak! Kaya ngayon mamili ka. Lalayuan mo ang binatang iyon or he will suffer?" sabi ni Papa dahilan para mapanganga nalang ako at hayaang ang sarili kong lumuha ng todo...
"Leah ok ka lang?" tanong ni Jhiannah sa akin. Maging sila Fritzie ay nagtataka nadin. "Maybe she's thinking of her boyfriend" sarcastic na sabi ni Jhoanna dahilan para kumirot ang dibdib ko. Hindi pa nga pala nila alam na naghiwalay na kami ni Timothy noong isang araw dahil ayoko nang masaktan pa sya although alam kong masasaktan sya sa paghihiwalay namin pero ito na ang best para sa kanya dahil hindi ko kayang saktan at galawin sya ni Papa.
"Ahhhm! Guys! May sasabihin ako" nanginginig kong sabi sa kanila. Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin.
Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad naman akong niyakap ni Fritzie at tinanong.
"I know it's about Timothy. Ano na ba ang ganap sa inyo?" nag-aalalang tanong ni Fritzie. Niyakap nya ako ng mahigpit para pagaanin ang loob ko pero hindi ito umeepekto sa akin.
"Wala na kami ni Timothy" sabi ko at muling dumagsa ang luhang umaagos sa aking pisngi pababa sa aking baba. Lalo namang hinigpitan ni Fritzie ang yakap nya sa akin at nararamdaman ko ang paghikbi nya. Maging sya ay umiiyak narin.
"P-pero---" hindi na natapos ni Fritzie ang sasabihin nya dahil ipinaliwanag ko sa kanya ang side ko.
"Alam ng Diyos na hindi ko gusto yon. Saksi ka kung gaano ko kamahal si Timothy. Pero ama ko ang hadlang. Wala akong magawa para ipaglaban ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Ama ko na ang nagbanta sa amin. Sa tingin mo ba may magagawa pa ako?! Alam ko masakit para kay Timothy ito, pero doble ang impact nito sa akin. Para akong sinaksak sa puso ng baliktaran" sabi ko habang nakakulong sa bisig ni Fritzie.
"Oo Leah. Alam ko kung gaano mo sya kamahal. Alam ko kung gaano mo kagustong ipaglaban sya. Pero anong magagawa natin kung hindi talaga pwede?" sabi ni Fritzie. Pursigido silang lahat na pagaanin ang loob ko pero hindi nila kaya dahil ako mismo sa sarili ko ay nahihirapan sa nangyayare.
"Siguro kailangan mo na i-let go ang feelings mo para kay Timothy. Minsan kasi yan na lang ang pinakatama para sa inyong dalawa" sabi ni Jhiannah habang hinihimas ang likod ko.
"Leah kumain ka kaya" sabi sa akin ni Earl. Isa sya sa mga lalaki sa squad namin. Sya ang pinaka caring sa lahat ng mga kaibigan kong lalaki. Sya ang nagpapaintindi sakin ng side ng mga lalaki every time na may kaaway akong lalaki.
"No need! Busog pa ko" tamad kong sagot. Hindi naman talaga ako busog, ayoko lang kumain kasi wala akong gana.
"Eto burger oh! Diba favorite mo to?" pamimilit pa ni Earl. Napangiti naman ako sa kanya at agad kinuha iyon.

BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Teen FictionPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...