Chapter 11

20 6 1
                                    

(A/N: Ang chapter po na ito ay Flashback lang. Nakafocus po ito sa nakaraan nila Timothy at Angela. Kaya wag po kayong malilito ah. Uulitin ko, FLASHBACK lang tong chapter na ito Thanks😍)

****************

Would you mind if I ask you what happened starting from the day na sinagot ka nya hanggang sa tragic ending ng story nyo?

-Ate Rachel

Napahinga nalang ako ng malalim. Gustong gusto ko nang kalimutan ang madilim na yugto na iyon ng aking buhay. Sobra ang hirap na dinanas ko matapos mangyari iyon. Mukhang lahat ng sakit at pighating naranasan ko noon ay muling manunumbalik  dahil kailangan kong ikwento ang lahat kay Ate.

"Sige po Ate. Makinig nalang po kayong mabuti kasi swear ayoko na pong ulitin to. I want to forget this but because I love my sister, ikukwento ko ulit kahit labag sa loob ko" sabi ko at sinuklian naman ako ni Ate ng isang mahigpit na yakap.

June 2012

Unang araw ng klase. Hindi naman ako nakaramdam ng awkwardness dahil karamihan sa mga classmates ko ngayon ay classmate ko noong grade 3 ako.

"Oy pre kamusta bakasyon? Enjoy ba? Ano set na basketball next week" sabi ni Ruben, kaibigan ko. "Ikaw bahala Rubs" matipid kong sagot. Medyo nakaramdam din ako ng hiya dahil may tumabi saking lalaki. Galing ata sya sa lower section noong last year dahil hindi namin sya naging classmate noong mga nakaraang school year.

Pinili ko nalang manahimik dahil nahihiya ako. Nagbasa nalang ako ng libro Para malibang ako.

Sabi ng lahat ng guro dito sa pinasukan kong public school, lahat daw ng nasa section namin ay matatalino, pilot section daw kung tawagin, karamihan ng contestants sa academic competitions ay nasa section namin. Isa ako sa mga commoner dito, pumapasok para lang matuto. Pero mataas ang IQ ko, pumapasa ako kahit d ako magreview.

Napatigil ako sa pagbabasa ng makarinig ako bulungan sa paligid, tinignan ko naman si Ruben na ngayon ay nakatingin din sa babaeng bagong dating. Bago rin sya sa aming paningin kung kaya't d sya ganun ka attracted sa mga classmates namin. Napanganga nalang ako dahil sa kanyang angking ganda.

Medyo may kapayatan sya, maganda din ang hugis ng kanyang mukha, para itong cone shape na nakatiwarit. Sakto lang din ang haba ng kanyang baba at bagay na bagay ito sa kanya. Maganda din ang kanyang mata, medyo singkit ngunit kulay hazelnut ito.

Dahil wala syang kilala dito sa section namin, naupo nalang sya pinakasulok ng classroom. Tahimik lang din sya at nakadungaw sa bintana. Hindi nya alam, palihim ko syang tinitignan dahil sobrang ganda nya, bagay na naging dahilan kung bakit ako natutulala sa kanya ngayon.

Maya maya pa ay dumating na si Ma'am Jocelyn. Sya yung magiging adviser namin sa buong school year na ito."So alam ko naman na kilala nyo na ang isa't isa kaya isiseating arrangement ko na kagad kayo. Total nasakin naman ang listahan" panimula ni Ma'am Jocelyn.

Isa isa naman kaming pinatayo. Lahat sila ay umaasa na makakatabi namin yung mga kabarkada nila. Pero ako ay umaasa na makakatabi ko yung babaeng bagong dating.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon