Chapter 23

10 1 0
                                    

ANOOO?!

“SAANG OSPITAL DINALA SI MOMMY?!” kinakabahan kong tanong kay Ate Rachel.

“Dito sa may Marcelo-Padilla Hospital. Nasa emergency room pa si Mommy! Bilisan mo Timothy” sabi ni Ate bago nya ibaba ang telepono. Bigla naman akong pinawisan ng malapot dahil sa kaba. Nakayakap parin sa akin si Leah pero hindi ko iyon maramdaman dahil kinakain ako ng kaba. “Love ano problema?” nag-aalalang tanong sa akin ni Leah.

“Love sorry pero kailangan ko nang umuwi. May problema kasi sa bahay. Si Mommy naospital” malungkot kong sabi kay Leah. “A-ano?! Sige umuwi na tayo. Text mo ko para mapuntahan kita ah! Please” sabi nya. Walang gana akong napatango sa kanya kaya hinawakan nya ako sa pisngi at hinalikan ng mabilisan sa labi.

“Mag-iingat ka love ah! Iintayin ko ang tawag mo” sabi nya sa akin. Niyakap ko sya ng marahan bago nagpaalam at umalis.

Hanggang sa sasakyan ay kinakabahan parin ako. Hindi ko na alam ang nangyayare. At ang mga mangyayare. Urghhhh! Wala akong ka-alam alam.

Pinipigilan ko lang ang mga luha ko sa pagpatak dahil nasa publiko akong lugar. Baka kung anong isipin nila. Sa tuwing papatak ito ay agad kong pinupunasan para walang nakapansin.

Tumatawag din si Leah pero hindi ko sinasagot. Tinext ko nalang sya na ako na ang tatawag sa kanya pagdating ko sa ospital.
Pagdating ko sa ospital ay halos patakbo kong pinuntahan ang emergency room. Pagdating ko doon nakita ko si Ate Rachel na nakaupo sa isang hilera ng upuan at nakadukdok sa sariling hita.  "ATE!" tawag ko sa kanya dahilan para mapatingin sya sa akin.

Agad nya akong nilapitan kaya agad ko syang niyakap ng mahigpit. Habang nakayakap sya sa akin ay ramdam ko ang bigat ng aura nya. Wala akong ibang naramdaman sa yakap nya kundi sakit, pangamba at pangungungila kaya nawalan na ako ng lakas para labanan ang emosyon ko. Umiyak ako ng umiyak sa kanya. Ibinuhos ko na sa balikat nya ang lahat ng luhang inipon ko simula noong umuwi ako kanina.

"Ate ano pong nangyare?" nag-aalala kong tanong. Hindi naman agad nagsalita si Ate. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita. "Hindi na kasi matiis ni Mommy na maglihim kay Reynaldo kaya nagtalo sila ni Daddy. Habang nagtatalo sila, syempre nagpapataasan sila ng boses. Pero sa kalagitnaan ng away nila, biglang nawalan ng malay si Mommy hanggang sa dalin namin sya dito" sabi ni Ate Rachel.

Maya-maya pa ay lumabas si Daddy ng Emergency Room at inakbayan ako, "Rachel, Timothy! Pumasok kayo kakausapin kayo ng Mommy nyo" walang gana na sabi ni Daddy. Namamaga na ang mga mata nya at halatang kakaiyak nya lang.

Pagpasok namin sa Emergency Room, sumalubong sa akin ng nakahigang si Mommy habang hawak ang kamay ni Reynaldo. "Oh ayan na pala ang prinsesa at ang panganay ko eh. Kayo talaga ang kumukumpleto sa buhay ko" sabi ni Mommy habang marahang ngumiti. Hindi naman napigilan ni Daddy ang sarili nya at pikit- matang lumabas ng Er.

"Mommy naman eh! Ano ba yang sinasabi nyo" sabi ni Ate Rachel habang pinupunasan ang luha nya.

Hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong wag humagulgol sa harap ni Mommy pero pilit king nilalabanan ang emosyon ko. Kailangan makita ni Mommy na matatag ako. Dahil isa akong Mendoza. Tama! Isa akong Mendoza at anak ako ni Mommy kaya kailangan kong maging malakas para sa kanya.

"Tatandaan nyo mga anak. Ni minsan hindi namin kayo itinuring na maliliit ng Daddy nyo. Biyaya ang turing namin sa inyo ah, tatandaan nyo yan" sabi ni Mommy habang garalgal na ang boses nya. Halos pumikit narin sya dahil sa sobrang panghihina. "Mommy tatawag po ako ng doctor" sabi ko sa kanya pero pinigilan nya ako.

"Anak! Wag na! Hindi narin naman na magtatagal ang Mommy nyo---" hindi nya na natapos yung sasabihin nya kasi bigla akong nagsalita. "Wag po kayong magsalita ng ganyan Mommy! Makakalabas pa po kayo dito. Gagaling pa po kayo" sabi ko. Pinilit kong sabihin iyon kahit putol-putol na ang boses ko dahil sa mga luhang pumapatak na sa akin.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon