Chapter 7

20 7 0
                                    

Gusto ko sana tanungin si Reynaldo kung nakalimutan nya na ba talaga si Isabelle kaso hindi ko na itinuloy kasi baka maalala na namn nya yung sakit at pighating naranasan nya kay Isabelle.

Pinili ko nalng na manahimik at sarilihin ang mga tanong na bumabagabag sa isip ko dahil ayokong alisin ang mga ngiti nya.
Simula noong umuwi kami kanina galing sa resto ay nandito lng ako sa kwarto ko at gumagamit ng cellphone ko. Hindi na ako binawalan ni mommy dahil alam nyang mababagot ako. Hindi kasi ganun kadaling maglakad dahil sa paa ko kaya pinahiga nya na lng ako.

Dahil sa bagot na bagot na ako sa kwarto ko, sinalpakan ko nalng ng earphones ang tenga ko at pumikit. Kasabay ng aking pagpikit ay ang biglang pagkirot ng puso ko sa d malamang dahilan. Para bang may kung anong mali akong nagawa dahilan para ako'y guluhin ng konsensya ko pero hindi ko alam kung ano.

Habang pinipilit kong alalahanin kung ano yung dahilan ng pagkirot ng puso ko, biglang sumagi saking imagination ang pigura ng isang babae na puro perwisyo at sakit ng ulo ang ibinigay sa akin.

Bilugang mga mata, kayumangging kutis, medyo may kalaparan ang noo at medyo malapad ang baba pero kahit ganun ay hindi maitatanggi na maganda si Leah. Kung tutuusin kundi lng dahil sa ugali nya ay baka pinilahan na sya ng sang katutak na mga lalaki sa university. Sa mga panahong naiimagine ko sya, tanging ang ganda at alindog nya lng ang nakikita ko. Dahil sa angking ganda nya, makakalimutan mo ang kanyang masamang ugali. Pero hindi namn lahat ng tao perpekto. Marahil apaka ganda nga ng kanyang panlabas na anyo pero ang pangit nman ng ugali nya, na labis kong kinaiinisan.

Hindi ako makatulog kaya pinili ko nalng na tumsyo kahit masakit ang paa ko at pinili kobg lumabas ng kwarto at magpunta sa sala. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Reynaldo na naglalaro ng computer. Wala syang imik at halata sa kanya na focus na focus sya sa nilalaro nya. Hindi ko na sya inistorbo pa.  Nagpatuloy nako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa sala. Nakita ko namn na magka akbay si mommy at daddy habang masayang nanonood ng pinapanood nila.

Napalingon namn si mommy sa kinatatayuan ko at nagulat sya, ganun din si daddy at para silng nag aalala dahil pinilit kong maglakad.

"Oh anak bat ka lumabas ng kwarto mo? Kaya mo ba?" tanong ni mommy. "Baka d ka makapasok nyan bkas Timothy" dagdag namn ni daddy.

"Kaya ko po, nababagot napo kasi ako sa kwarto kaya pinili ko pong makinood sa inyo. Pwede po ba? Mukhang sweet na sweet po kayo eh bak makaistorbo ako" sabi ko. Para ko silang kinokonsensya whews. HHHH

"Syempre hindi anak. Kahit kailan ay hindi ka namin itinuring ng daddy mo na istorbo. Kayong dalawa ni Reynaldo. Halika nga ditong bata ka! Ang laki laki mo na. Parang kelan lng kalong kalong pa kita" sabi ni mommy habang ginugulo yung buhok ko.

Dahil sa ayokong putulin ang pag aakbayan nila mommy at daddy, doon ako pumwesto sa isang gilid ng couch. Sobrang sya nilanv dalawa habang nanonood nang bigla kaming makadinig ng sigaw galing sa may malapit sa kwarto, "Araaaaaaay! Bwisit talaga! Nakakainis" sabi ni Reynaldo.

Agad namn tumayo si mommy at daddy para tignan kung anong nangyari kay Reynaldo. Medyo nagtaka din ako kaya dahan dahan akong tumayo para icheck kung ok lng ba ang kapatid ko.

Pagdating ko sa lugar kung san ko nadinig yung sigaw ni Reynaldo ay nakita ko si mommy na umiiling habang si daddy ay nagkakamot ng noo. "Jusko anak kala nmin kung ano na nangyari sayo. Pinakaba mo kami ng daddy mo" sabi ni mommy na meedyo seryoso. "Bakit mommy? Ano po ba nangyari kay Reynaldo?" tanong ko kay mommy.

Hindi namn sumagot si mommy bagkus ay tumingin kay Reynaldo. Mukhang gusto nyang sabihin na si Reynaldo ang dapat magpaliwanag.

"Ano nangyare Reynaldo?" tanong ko. Hindi namn sya agad nakasagot at nagkamot ng ulo dahilan para umalis si daddy na umiiling iling. Magsasalita na sana sya kaso naudlot kasi umalis nadin si mommy habang humihinga ng malalim.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon