Habangbuhay kong bibitbitin ang sakit at pighating dulot ng pang-iiwan mo sa akin... Angela.
"I'm sorry Timothy napakwento ko pa sayo" sabi ni Ate Rachel habang hinihimas ang likod ko. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang mga luha ko habang kinukwento ko ang lahat ng nangyari sa amin ni Angela noon.
"No. It's ok Ate. Sana nga eh makamove on nako kasi kinakain na po ako ng sakit" sabi ko. Napahinga naman ng malalim si Ate bago ngumiti at nagsalita, "Para makamove on ka, buksan mo yan. Palabasin mo ang mapapait na alaala ng nakaraan mo kay Angela at papasukin mo ang bagong babae na maghihilom ng mga sugat nyan" sabi ni Ate habang nakaturo sa dibdib ko.
"Eh pano? Bawal kami mag girlfriend ng kapatid ko" tanong ko kay Ate Rachel. Mababakas sa mukha ni Ate Rachel na confused sya sa sasabihin nya. Pero sa huli ay sinabi nya rin ito.
"Minsan may mga bagay na dapat inililihim sa simula at ilalabas lamang sa tamang panahon. Look at me and Kevin, diba since second year college kami, mag on na kami knowing the fact na bawal ako makipagrelasyon. Pero until now, kami parin. At payag na sila Mommy at Daddy. Kailangan lang pag inililihim mo ang isang bagay, wag kang magbibigay mg motibo na may inililihim ka. Magsipag ka sa pag-aaral, sa pagtetraining mo. Gawin mo ang lahat para d nila makitang distracted ka. And pag succesful kana, kahit tutulan nila, late na kasi napatunayan mo nang kaya mong maghandle ng mga bagay bagay" paliwanag ni Ate.
"Oh sya gabi na tulog na tayo. May pasok ka pa bukas. Sasama ako sa inyo maghatid HHH" sabi ni Ate at nahiga sya at niyakap ako. Sa totoo lang, nawala lahat ng sakit na naramdaman ko ng muli kong balikan ang nakaraan namin ni Angela noong yakapin ako ni Ate. Sobra kasi akong attached sa kanya kaya sa bawat actions ni Ate, malaki ang impact sakin.
Kinabukasan, paggising ko ay wala na akong katabi sa kama. Teka! Laging late nagigisng si Ate Rachel noon ah. Don't tell me na maaga syang nagising ngayon. Agad akong bumangon at nagpunta sa sala. Hindi namn ako nagkamali kasi nandun si Ate Rachel at nagcecellphone.
"Good morning Timothy" bati sakin ni Ate Rachel. Napangiti nalang ako kay Ate dahil sobrang ganda ng araw ko dahil sya ang bumungad sakin. Natawa naman ako dahil biglang lumabas mula sa banyo si Reynaldo na ngayon ay simangot na simangot dahil hindi nasunod ang gusto nya kagabi.
Nandito na ako ngayon sa room namin. Magkakatabi kami ngayon nila Marc at Jason dahil wala pa si ma'am Angie. Tahimik naman ang buong klase dahil lahat sila ay nagrereview dahil long test namin ngayon at sa lunes at martes ay periodical exams na. Tanging kami lang nila Marc at Jason ang nag uusap.
"Hindi ba tayo megrereview?" tanong ko sa kanila. Mukha kasi silang palakang sumibra sa self-confidence dahil nakapatong pa ang mahahaba nilang mga paa sa sandalan ng silyang nasa harapan nila. "Syempre..." sabi ni Marc. "Oh yun nama---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla nyang dinugtungan yung sasabihin nya.
"Syempre hindi na. Nandyan ka naman eh, may magtuturo samin mamaya" dagdag nya habang medyo ngumingisi pa. "Oo nga tama si Marc. Basta paa ang gagamitin nating senyasan mamaya ah. Bawal ang madamot" sabi ni Jason habang nakatingin sa akin. Naalala ko kasi na noong huling long test namin sa science ay hindi ko sila pinakopya dahil binabantayan kaming mabuti ni Sir Ron.
"Ako bahala. Basta hindi tayo babantayang mabuti ni Ma'am Angie" sabi ko with matching taas-kilay pa. Natawa nalang kaming tatlo dahil sa ginawa ko. Mukha kasi akong manok na naglagay ng kilay at tuwang tuwa dito.
Maya maya ay dumating na si Ma'am Angie at may dala dala syang makapal na compilation ng papel. Mukhang bagong kuha ito sa photocopying station dahil unat na unat ito.
"Ok class are you ready?" masiglang tanong ni ma'am Angie. Isa isa namang nang nagreklamo ang mga classmates ko.
"Ma'am hindi pa po kami ready."
BINABASA MO ANG
Star Crossed (Complete)
Teen FictionPag-ibig na naka ukit sa mga bituin ngunit pilit binubura ng tadhana... Nakahanda kabang bitawan ang lahat para sa babaeng dahilan ng paglambot ng puso mong naging bato dahil sa hamon ng mga nakalipas na taon??? Nakahanda kabang isuko ang lahat magi...