Chapter 13

10 5 1
                                        

Hindi ko alam pero sa tuwing masisilayan ko ang mga ngiti at nagkikislapang mga mata ay naghahatid ng d mapantayang saya. Bawat ngiti nya ay nagpapagaan ng aking pakiramdam na tanging sya lang ang nakakagawa sa akin niyon.

"Hey Timothy tara na, tumatakbo ang oras" sabi ni Leah dahilan para matauhan ako at pumwesto sa kabilang side ng court. Doon naman sya pumwesto sa kabila at nakangiti parin.

"Go! Your service" sabi ko kay Leah sabay turo sa shuttlecock na binato ko malapit sa paa nya.

Hindi tulad ng laro namin ni Angelo kanina, mas concentrated ako dahil si Leah ang kalaro ko. Nakakadistract kasi ang ingay nila kanina kaya d ako makapagfocus tsk. Habang naglalaro kami ay bigla akong nagsalita, "You remember the time na umiiyak ka sa isang gilid habang masayang nagtatryout ang mga kaibigan mo, especially Fritzie? Dba kaya ka umiiyak is because natatakot ka na baka hindi kita kunin? And now as I  see, mukhang magaling ka naman. I think the women's team needs you. But, like I said before, si ma'am Ilene ang mamimili sa inyo. Another but, don't worry gagawa ako ng paraan para mapasali ka, you deserve a spot" sabi ko sa kanya.

Napangiti naman sya ng todo bago nagsalita, "You're just weak. CAPTAIN!" nakangiting tugon ni Leah. Aba talagang sinusubukan ako nito ah!

"Aba talaga lang ah! Ok let's see who is more powerful between us" mayabang kong tugon. Iseserve ko na sana yung shuttlecock papunta kay Leah ng biglang may nagsalita ng malakas, "Ok time's up. Rest is over. Angelo and Timothy magduo kayo, and magstart tayo sa girls. So let's start with Fritzie and Jiannah. The two girls be ready ah. Same as you Angelo and Timothy" sabi ni Ma'am kaya nagwarm up na kaming apat. Inutusan ko na din ang ibang magwarm up na at magready. Habang nagwawarm up ako ay bigla kong naalala ang mga nasaksihan ko noong araw na umiiyak si Leah...

Nakasilip lang ako sa kanila pero hindi ko nasumpungan si Leah sa kumpulan ng mga naglalaro. Sa totoo lang hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya kanina dahil sa ginawa nya sa paa ko. Parang may kung ano na pumipigil sa aking galit dahil parang may mali.

Nakita ko sila Fritzie na hinahanap din si Leah habang ngumingisi, medyo malapit lang sila sa akin, "where's Leah?" sarcastic na tanong ni Fritzie. Napailing iling naman ang mga kasama nya ngunit may isang naglakas loob, "There she is Fritz" sagot nung babaeng medyo malaki ang mga mata at katulad ni Leah, hindi din maitatanggi ang ganda nito.

"Oh? I see nice Jhoanah. Let she be there. Gusto kong masolo si Angelo ngayon" sabi ni Fritzie. At lalo syang lumapit kay Angelo habang nagwawarm up. Nagkunwari itong nawalan ng balanse at bumagsak kay Angelo. Syempre dahil isang kilalang maginoo itong si Angelo ay agad nyang sinalo si Fritzie dahilan para mamula sya sa hiya, at mamula naman sa kilig si Fritzie.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon