Chapter 19

9 1 0
                                    

"Starting next week sa Laguna kana mag-aaral. Pagbibigyan kitang makasama ang mahal mo... Ng isang Linggo."

-Daddy

Nabigla nalang kaming lahat ng dahil sa sinabi ni Daddy. Si Isabelle ay natulala nalang habang wala paring patid ang pagpatak ng luha nya. Si Reynaldo naman ay napayuko nalang dahil sa matinding dismaya habang hinihimas ni Mommy ang likod nya.

"S-sigurado p-po ba kayo sa s-sinasabi nyo Dad?" putol-putol na tanong ni Ate Rachel. Maging sya ay naluluha nalang dahil sa pabigla-biglang desisyon ni Daddy.

"Sigurado nako" walang ganang sagot ni Daddy. "Magpahinga na kayong lahat. May pasok pa kayo bukas" dagdag pa nya sabay pasok sa kwarto nila ni Mommy.

Napayuko na lang si Reynaldo habang yakap yakap sya ni Isabelle. Sumunod naman si Mommy kay Daddy para kausapin. "Kaya nyo yan. May tiwala kami sa inyo" sabi ko sa magkasintahang lumuluha ngayon. "Pagsubok lang lahat ng ito" matapang na sabi ni Ate Rachel habang pinupunasan ang luha ng kanyang pinsan.

"Magpahinga na kayo, masyadong madaming nangyari ngayon araw. Alam kong pagod na kayo" dagdag nya pa sabay tapik tapik sa likod ni Reynaldo.

Kinaumagahan, sobrang tahimik sa bahay, lahat kami ay gulat parin sa nangyari kagabi. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong kumakain si Ate Rachel at si Isabelle kaya sumabay na ako. "Ate asan si Mommy?" tanong ko.

"Nagkatampuhan si Mommy at Daddy kasi tutol si Monny sa desisyon ni Daddy na dadalin sa Laguna si Reynaldo next week" sabi ni Ate Rachel habang si Isabelle ay wala paring imik.

"Eh si Daddy asan?" dagdag kong tanong. "Nasa sala si Daddy, nagbabasa mg dyaryo."

Binilisan ko ang pagkain at agad na nagpunta kay Daddy. Pagdating sa sala nakita ko si Daddy na umiinom ng kape habang nagbabasa sa Ipad nya.

"Uhmmm! Daddy pwede ko po ba kayong kausapin?" magalang kong tanong. "Tungkol saan anak?" nakangiti nyang tugon. Hindi tulad kagabi, maaliwalas ang aura nya ngayon.

"Tungkol po sana sa nangyari kagabi, seryoso na po ba kayo sa desisyon nyo?" nahihiya kong tanong. Napabuntung-hininga si Daddy bago sya nagsalita, "Anak, makinig ka ng mabuti. Sana maintindihan mo ako sa desisyon ko. Wala namang magulang ang gustong mahiwalay sa anak nila, pero naubusan ako ng paraan" sabi ni Daddy.

"Paraan po para saan?" dagdag kong tanong. "Dahil ayokong magnobya ang kapatid mo ng mas maaga" sagot naman ni Daddy.

"Eh bakit kayo po? Diba high school po ng makilala nyo si Mommy?" tanong ko pa dahilan para mapapikit si Daddy bago sumagot. "Kaya tignan mo ang nangyare sakin. Nawala ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan, si Juan dahil sa Mommy mo. Magandang babae si Isabelle, kaya sigurado akong hindi lang si Reynaldo ang nagkakagusto sa babaeng iyon na anak narin ang turing ko. Wala nakong ibang hiling kundi ang maging masaya sila sa isa't isa pero masisira kinabukasan nila pag pinagpatuloy nila ito sa ngayon" sagot ni Daddy na ikinakunot ng noo ko. "Sa ngayon?" nagtataka kong tanong.

"Syempre hindi naman pwedeng pagbawalan ko ang anak ko na sundin ang puso nya. Makatapos lang ng high school si Reynaldo ay hindi ko na sila hahadlangan pa" sabi ni Daddy na ikinalawak ng ngiti ko. Lalo naman akong natuwa ng sabihin sakin ni Daddy na alam ito ng magkasintahan at pareho silang sang-ayon at handanh maghintay na makapiling muli ang isa't isa.

Nung mga bandang tanghali na, naghihintay parin ako sa meeting place namin ni Leah. Lagi naman ako ang unang nadidismiss sa klase pag lunch eh. Once in a blue moon lang kung maghintay si Leah dito. Pero ayos lang, mahal ko naman eh.

Star Crossed (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon