Irene: Wends ang sakit T_T
Wendy: Bakit?? Anong nangyare??
seen by Irene.Wendy: Tangina Irene bakit?! Naholdap ka ba?! Woy magreply ka gaga.
Irene: Maghintay ka nga nanginginig kamay ko oh...
Wendy: MAMAMATAY KA NA BA HA?!
Irene: Malapit na... ang sakit ng puso ko..
Wendy: GAGO ANONG NANGYARE SAYO?!
Irene: Wends si Charmee..
Wendy: Oh bakit? Buhay pa naman siya ah. Humihinga at kasalakuyan akong binabadtrip.
Irene: Si Charmee ko gusto si Ekyu T_T
seen by Wendy.Irene: At nagpapatulong siya ngayon para ligawan si Ekyu. Ang sakit lang Wendy.
Wendy: Irene sorry. May kasalanan din ako.
seen by Irene.Wendy: Alam ko na una palang na may gusto si Charmee kay Ekyu. Ako lang tong di muna sinasabi sayo.
Irene: ANO?! SO AKO NA LANG PALA YUNG WALANG ALAM.
Wendy: Sorry Irene. Sorry talaga. Iniisip lang kita kung anong mararamdaman mo eh.
Irene: Si Pamp ba alam lahat ng to?
Wendy: Hindi. Di niya alam na si Charmee yung tinutukoy mong crush mo.
Irene: Wendy nakakainis ka! Kung sinabi mo sana una palang, hindi na sana ako ganto ka nasaktan!
Wendy: Sorry talaga. Hindi ko talaga sinasadya. Promise wala akong ibang intensyon :(
Irene: Pero napag isip isip ko, wala akong karapatang magalit sayo. Hindi ikaw ang may hawak ng puso namin para pigilin ang mga nararamdaman namin. Sorry din.
Wendy: Uy Irene.. okay ka lang?
Irene: Ako? Hahaha! Oo naman! Di ako galit sayo. Tsaka wala akong karapatang magalit din dahil hindi naman niya ako niloko or what. In short, WALA namang KAMI. Wala kaming relasyon na dalawa.
Wendy: Dapat pala simula palang sinabi ko na. Para di ka na umasa.
Irene: Nukaba wala kang kasalanan. Ako lang yung tanga satin dito. Bakit di ko agad napansin type niya si Ekyu? Haha. Tanging tanga lang gagawa nun.
Irene: Tsaka kahit anong gawin ko, hinding hindi mawawala yung sakit dito sa puso ko :(
Error. Tap to retry.Wendy: Sana wag tong gagawa ng mga nakakabaliw na bagay.
---
#Napkin14
BINABASA MO ANG
Napkin || seulrene ff
Short StoryMeet Modess Bae, ang babaeng patay na patay kay Charmee Kang. Ano kayang mararamdaman niya kung malamang ang crush niya'y may nililigawang iba? epistolary series #1 [and last] Seulgi x Irene fanfic ?