Seulgi's POV
From: Dad
Come to my office. Now.
Napangisi ako nang mabasa ang message ni Dad. I knew it. Mukhang nagsumbong nga si Yooa.
Fvck. That girl.. damn it! Malapit ko nang malimutan na kapatid ko siya. Kahit adopted lang siya, minahal ko siya na parang isang tunay na kapatid. Tapos ito lang igaganti niya sakin?
Tangina lang. Bakit kelangan niyang magpanggap sa harap nila Irene? She even hate them including Ekyu and Pamp. Nababaliw na siya.
Alam kong ako talaga ang may kasalanan ng lahat na to. Matagal ko nang alam na iba ang ugali kapag ako ang kaharap niya. Napakataray niya sa ibang tao na para bang diring diri siya sa mga to. She's so mean. Nakakainis na ang ugali niya.
Nung una nagdalawang isip ako dahil baka iniinis din nila si Yooa pero hindi. How come na mabubully siya kuno ng isang pipi? Tangina lang. She even lied to me.
Tapos itong kay Irene. Mas malala ang nagawa niya this time. Baka kung ano nang iniisip ni Irene. Na sinungaling ako. Damn. Ayokong pati siya iwan ako. Ekyu is enough. Medyo masakit pa pero nawawala na dahil andyan si Irene. Hindi ko hahayaang mawala pa siya sakin. Mamatay ata ako kapag nangyare yun. I will be her first and she will be my last. I swear. I love her at hindi ko siya iiwan.
But...ugh. Yooa-yah. Ano bang problema niya? Bakit ayaw niya kay Irene?
Bumuntong hininga lang ako at tumayo na. Kinuha ko ang bag ko at tumingin sa natutulog na si Wendy.
Nagpasya akong wag na siya gisingin. Di ko na din kasalanan kung datnan siya ni Pamp na ganyan. May usapan pa naman sila mamaya. Bala siya.
Paalis na sana ako pero pagharap ko ay sakto namang papasok sila Ekyu, kasama si Irene. Napangiti lang ako.
Pero napawi yun nang makitang bagsak ang balikat ni Irene at di na pumasok ng room.
"Hintayin ko kayo dito." rinig kong sabi niya. Fvck.
"Oh hello Charmee." nakangiting bati sakin ni Ekyu at pinat ang balikat ko. "Aish Pamp ano ba. Tulog yung tao." sabi pa nito.
"Wala kang pake." sabi lang ni Pamp at umupo sa upuan ko na katabi nung kay Wendy.
"Ay tangina sumama pa ko." sabi lang ni Ekyu nang makitang pinatong ni Pamp yung ulo niya kay Wendy.
Ay tangina din. Pinanood ko pa sila.
"Maiwan ko muna kayo." sabi ko lang at iniwan na sila dun.
Paglabas ko nang room ay nakita ko si Irene. Nagulat din siya nang makita ako pero umiwas din agad.
Ngumiti lang ako at tinignan siya.
"Ba-bakit ka n-nakatingin?" mahina nitong tanong habang pinipilit na iiwas yung tingin sakin.
Lalo akong napangiti.
"Ang ganda mo kasi." sabi ko lang habang palapit sa kanya.
"D-diyan ka lang.. wag k-kang lalapit.." sabi niya at tumingin sa ibang direksyon.
Gaya ng sinabi niya, tumigil ako. Pero this time huli na dahil ang lapit ko na sa kanya. Nakita ko ang paglunok niya at napayuko.
"Listen Bae Joohyun. Kapag sinabi kong maganda ka, maganda ka. Kapag sinabi kong gusto kita, gusto kita. At.." putol ko at pinantay ang mukha ko sa mukha niya. "Kapag sinabi kong akin ka, akin ka. Hmm?" nakangiti kong sabi habang nakatingin sa mata niya.
Hindi siya nakasagot pero nakita ko ang pagpula ng mukha niya. Fvck. She's so cute! Gusto ko siyang picturan! Ahhhhh!
Umayos ako ng tayo at tumingin sa kanya.
"Where's your phone?" tanong ko.
"Ha?" wala sa sarili nyang sabi. Napatawa lang ako at kinuha ang phone ko.
"Yah look here." sabi ko at tinutok ang camera sa kanya.
Pagkatingin niya ay agad kong pinicturan ang mukha niya. Napangiti ako lalo ng maayos ang kinalabasan nun. Hahahaha! Fvck she's so cute!
Dali dali kong pinalitan ang wallpaper ko kasabay ng lockscreen ko.
"Ang cute mo talaga." ngiting ngiti kong sabi at ginulo ang buhok niya. "Kita tayo mamaya." sabi ko pa.
Maya maya'y nagvibrate ang phone ko at nakita ko ang isang message galing kay Mom.
From: Mom ♥
Seulgi-ah. I'm sorry.
Fvck. Sana di totoo tong iniisip ko.
***
"Oh Yooa annyeong!" nakangiting kong bati nang marating ko yung office ni Dad. Naupo din ako sa katapat niyang upuan.
"Oppa you're here!" masaya niyang sabi habang nakatingin sakin. Ngumiti lang din ako.
Fvck. She's so disgusting.
"Mukhang magkaayos naman kayong dalawa. Ano tong narinig kong inaway mo ang kapatid mo Seul." sabi ni Dad.
Tumingin ako kay Dad at tinignan siya ng seryoso.
"Bakit mo ko pinatawag?" tanong ko pa.
"Oppa why a--"
Napatigil si Yooa sa pagsasalita ng tignan ko siya ng seryoso.
"Wae? Anong gagawin mo?" seryoso kong tanong na ikinagulat niya.
"Oppa ano ba--"
"STOP CALLING ME OPPA! YOU'RE NOT MY SISTER! DAMN IT." sigaw ko pa at tinignan siya ng masama.
"Kang Seulgi wag mong sigawan ang kapatid mo." banta ni Dad na napatayo din.
Napangisi lang ako.
"Kapatid? You gotta be kidding me. We're engage, right? Right?!"
"Yah stop it! Oo engage tayo! Matagal na." singit ni Yooa kaya napatingin ako sa kanya.
"Wah you.."
"Yooa st--"
"No Mr. Kang. Masyado na siyang nagiging bastos. Wala siyang karapatang gawin to." sabi ni Yooa at tumingin ulit sakin. "You and me will getting married soon at wala ka nang magagawa pa." sabi pa niya at hahawakan sana ako pero iniwas ko ang kamay ko.
"Ikaw? Pakakasalan ko? Fvck. Mas gusto ko pang pakasalan yung pipi na binastos mo. Sayo na hindi ko alam kung maituturing bang tao sa sobrang sama ng ugali. Tangina bakit niyo to ginagawa sakin?! Naging mabuting kapatid at anak ako sa inyo ah. Tinuring kitang parang tunay na kapatid Yooa. Pero anong ginawa mo?! Siniraan mo ko kay Irene! Damn it!" galit kong sigaw sa kanya at tumingin kay Dad.
"Dad naman. Di na to nakakatawa. Ito lang ba yung paraan para yumaman tayo? Kung oo ayokong yumaman. Ayokong magpakasal sa taong di ko mahal." sabi ko at kinuha na yung bag ko.
"Yah Kang Seulgi! Bumalik ka dito!" rinig kong sigaw ni Yooa.
Fvck di kita kailangan.
Pagkalabas ng office ni Dad ay kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni Irene. Luckily, sinagot niya agad.
"Where are you? I need you Joohyun-ah."
----
#Napkin52
BINABASA MO ANG
Napkin || seulrene ff
Short StoryMeet Modess Bae, ang babaeng patay na patay kay Charmee Kang. Ano kayang mararamdaman niya kung malamang ang crush niya'y may nililigawang iba? epistolary series #1 [and last] Seulgi x Irene fanfic ?