Sinusundan niya ang kotse ng Asawa niya. Tinawagan siya ni Manang na parang aalis daw ito at magpapakalayo-layo.Yun ang hindi niya alam. Hinintay niyang umalis ang sasakyan nito para masundan niya kung saan ito pupunta. Ng makaalis na sika sa Traffic ay agad na huminto ang sasakyan ng Asawa niya sa isang Condominium.
Agad na lumabas ang Asawa niya. At siya naman ay medyo ilang layo lang ang pagitan nilang dalawa. Ng makita niya na aligaga ang Asawa sa labas ng kotse nito habang hawak ang phone nito, ay parang gusto niyang lapitan ito at tanungin kung saan ito pupunta.
Pero pinipigilan niya ang sarili niya. Pero automatic na kumuyom ang kamao niya dahil sa nakita niya, ang lalaking yun pa rin ang gustong makasama ng Asawa niya.
Napapikit siya para hindi niya maramdaman ang sakit, at pait sa dibdib niya, pero hindi nangyari ang nais niya. Kitang kita niya pa din ang Asawa niyang may kasamang iba, imbis na siya yun.
Ng buksan niya ang kaniyang mga mata ay tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa tila movie na pinapanood niya.
They are kissing infront of his eyes. Hinahalikan ng ibang tao ang buhay niya. Inaapakan ng ibang tao ang pagkalalaki niya dahil naagaw ng lalaking yun ang Babaeng Mahal niya.
Hindi siya umiwas ng tingin, mas gusto niyang makita at maramdaman ang sakit, kaysa sa pumikit siya at maging masaya sa kasinungalingan.
Nagsimulang pumasok ang lalaki at ang Asawa niya sa kotse at nagsimulang umandar iyon ulit. Ang bagahe ng lalaki ay nasa likod ng compartment ng sasakyan ng Asawa niya.
Sinundan niya ang dalawa, kahit na alam niyang wala na din siyang karapatang sundan ang dalawa. Hindi magiging masaya ang Asawa niya sa kaniya.
Pero tutuparin niya ang ipinangako nila sa simbahan. Kahit siya lang ang tutupad noon, tutuparin niya pa rin ang mga sinabi niya.
Kahit alam niyang hindi magiging madali ang lahat-lahat.
••
Lyka's POV
Kanina pa ako nakakaramdam na may sumusunod sa amin ni Kyle. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nararamdam ko meron eh.
"Stop!" Sigaw ko kaya agad na napatingin si Kyle sa 'kin.
"I said stop!" Sigaw ko ulit kaya huminto siya sa gilid ng madilim na daan.
"Bakit mo ba ako pinapahinto ? Malapit na tayo Lyka!" Sigaw niya pabalik sa 'kin.
Paandarin na sana niya ang kotse pero pinigilan ko siya.
Nakatingin ako sa side mirror ng kotse ko sa gilid pero wala naman akong nakikitang kahina-hinala.
"Ano ba yun Lyka ? May nakikita ka ba diyan sa labas ?" Tanong niya.
"Hindi mo ba nararamdaman Kyle ? May sumusunod satin!" Sigaw ko sa kaniya pero hindi naman siya nagulat sa sinabi ko.
"Ano bang sinasabi mong sumusunod ?" Hindi niya ba nararamdaman yun ?
Agad siyang lumabas ng sasakyan, hindi ko na siya napigilan kaya inilock ko na lang ang pinto ng kotse. Hindi ko alam kung anong sunod kong mararamdaman.
Nasa panganib kami, nasa panganib kami ni Kyle.
••
BINABASA MO ANG
SCENTIST (VIXX FF) | ✓
Mystery / Thriller"Whirlwind of Clear Scents" [VIXX FANFICTION] [UNEDITED]