🌹23-Ravi

12 1 0
                                    


Nagtagal ang ganoong senaryo sa kanilang dalawa ni Yina. Ng malaman iyon ng kapatid niya ay laking tuwa at pasasalamat nito kay Yina na siyang nakabihag sa pusong mailap ng Kuya niya.

Pero mukhang iba ngayon ang nangyayari. Ibang iba na para bang may may mali ? Maling mali.

Hawak hawak niya ang ulo niya ng tawagan niya si Yina pero Out of Coverage ang phone nito kaya napaupo na lang siya sa kama habang sapo-sapo ang ulo.

"Argh! Ano bang nangyayari." He said to himself.

Natagpuan na lang niya ang sarili niyang nasa loob ng banyi at naliligo, hanggang sa pumasok sa isip niya ang senaryong may kausap na lalaki si Yina. Ibang iba ang ngiti nito habang kausap ang lalaking yun. Ibang iba na para bang may koneksyon ang dalawa ng hindi niya alam.

Mabilis niyang tinapos ang pagligo at nagsuot lang ng isang puting long sleeve na tinernuhan niya ng isang itim na jacket , isang itim na pantalon at isang itim na sapatos.

Mabilis niyang kinuha ang telepono niya sa kama at ang susi sa side table niya. Kakalabas niya lang ng kwarto ng marinig niya ang ugong ng sasakyan sa labas ng bahay niya. Agad siyang pumunta sa bintana na makikita ang gate ng bahay niya, at biglaang nablangko ang utak niya dahil sa nakita niya sa ibaba.

Si Yina at ang Lalaking yun.

Kitang kita niya sa kinatatayuan niya na nag uusap ang dalawa sa labas ng bahay niya na para bang hinatid ng lalaki si Yina kung saan ang bahay niya. Hindi niya namalayang kumuyom ang kamao niya sa galit.

Inalis na niya ang atensyon sa dalawang taong nasa ibaba. Hindi niya pwedeng pag isipan ng hindi maganda ang babaeng mahal niya. Pero ang Isip niya ang nagkokontrol na para bang niloloko na siya ni Yina.

Mabilis siyang bumaba ng hagdan, ng makababa siya ay yun na din ang pag pasok ni Yina sa loob ng bahay niya. May dala itong nga shopping bags na parang mga mamahalin ang lahat.

Ng makita siya ng babae ay agad iyong lumapit sa kaniya.

"Hi babe. Kagigising mo lang ba ? Aalis ka ?" Sunod sunod ang tanong nito sa kaniya, pero hindi iyon ang nais niyang marinig mula sa babaeng Mahal niya.

Lumapit siya dito at hinapit ng may pagkarahas ang bewang nito sa katawan niya.

••

SCENTIST (VIXX FF) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon