Hinatid ako ni Hyuk sa Condo ko at doon na din siya nagpalipas ng gabi dahil bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan."Sigurado ka bang papatuluyin mo ako dito sa condo mo ng tayong dalawa lang? Eh may kotse naman ako sa baba?" Tanong niya ng matapos kong mailagay lahat ng nagrocery ko sa mall kanina.
Bigla ko na lang ang tawag ni Maddy kanina sa akin. Kung ano-ano nanamang pumasok sa isip ng babaeng iyon tapos ako pa tatakutin niya sa mga salita niya.
Napatigil ako bigla ng may dalawang matitipunong braso ang yumakap sa akin galing sa likod. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko na ikinataas ng balahibo ko sa braso.
Pati ata sa baba, tumaas.
"Hmm.. i missed you." Bulong nito at mas lalo pa ako nitong niyakap.
Humawak rin ako sa braso nitong nakahawak sa akin at pumikit.
"Namiss din kita." Sambit ko.
"Hmm.. kilig ako." Napadilat ako agad na humarap sa kaniya.
Pero nakangiti lang ito sa akin na para bang natutuwa sa ginagawa niya.
Hindi ko naman nakita na kinikilig siya.
"Paano iyong kilig?" Tanong ko na bigla niyang ikinatawa.
"Basta." And he wrap his arms around me at inilapit ako sa kaniya.
I pout my lips just to see what i want. Gusto ko makita siyang kinikilig.
"Please.." hinalikan naman ako nito sa noo.
"Ganito ako kapag kinikilig." He said.
"Paano nga? Hindi ko nga makita." Napapadyak kong sabi.
Bigla na lang akong napangiti ng pumikit siya at biglang tumingala.
"Please, baby. Gusto ko makita." Nang dahil sa sinabi ko ay bigla siyang tumingin sa akin.
"You just called me, baby. Dagdagan ko na kaya iyong ipakita ko sayo? What do you think?" Ngingisi niyang sabi sa akin.
I just laugh at him. What do i do now?
--
Kasalukuyan kaming nanonood ng movie dito sa sala. Hanggang ngayon kasi ay malakas pa rin ang buhos ng ulan.
At nakita ko kanina na may bagyo pala, dito ko na lang papatulugin si Hyuk. Walang malisya yan ha! Baka kung anong isipin niyo.
"Wait, kukuha lang ako ng inumin natin." Tumango na lang ako dito at hinintay ko siyang bumalik sa sala.
Ngunit iba ang nadatnan ko.
Si Hyuk, may hawak na kutsilyo, nakatayo sa hamba ng pinto. Nakatitig ng mariin sa akin.
Mabilis akong napatayo at gulat na gulat na tinignan siya.
"H-hyuk.. b-bitawan mo yang hawak mo." Pero hindi siya nakinig sa sinabi ko.
Nanatili siyang nakatitig sa akin.
At halos panawan ako ng ulirat ng magsimula siyang maglakad papalapit sa akin.
"Bitawan mo nga yang hawak mo!" Sigaw ko dito.
At kahit kinakain na ako ng takot ay tinatagan ko ang loob ko. Alam kong walang gagawin si Hyuk sa akin, at nasisigurado ko iyon.
Pero sa nakikita ko.
Iisa lang ang nararamdaman ko.
Takot.
Halos mapasigaw na ako ng itaas niya sa ere ang hawak niyang kutsilyo at tumakbo papunta sa akin.
Napaupo ako sa sobrang takot at ng mahawakan niya ang leeg ko at akmang isasaksak na sakin ang kutsilyong iyon ay may kamay na humawak sa akin.
"Amelia?"
Nanlalaki ang mga mata kong lumingon kay Hyuk. May hawak siyang isang pitsel ng tubig.
Nang makita niya ang mukha ko ay bahagya siyang nagulat.
Mabilis akong yumakap sa kaniya na ikinagulat niya.
"A-anongㅡ" hindi ako nagsalita at bigla na lang umiyak sa dibdib niya.
Bakit ko nakita iyon? Bakit siya pa?
Bakit niya ako papatayin.
"Mamamatay ka.."
Si Maddy!
•••
BINABASA MO ANG
SCENTIST (VIXX FF) | ✓
Mystery / Thriller"Whirlwind of Clear Scents" [VIXX FANFICTION] [UNEDITED]