🌹52-Ken

20 1 0
                                    


Nakayakap pa rin siya sa'kin, but still gusto ko ng humiwalay pero ayokong masayang 'yong opportunity na mayakap niya ako.

Assuming ko naman masyado.

"Wag ka ng umiyak, movie lang 'yan. Here.." inayos niya ako ng upo.

Pero nanatili pa ring nakahawak ang kamay niya sa likod at balikat ko. Saka ko naman kinuha ang tubig na inabot niya sa'kin at ininom 'yon.

Nang maubos ko 'yon ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa dibdib ko, pero kaunting ilang sandali lang ay pumatak nanaman ang mga luha ko.

"Sh*t!"

Narinig ko na kasing nag-uusap sila, 'yong pag-uusap nilang alam kong may mamamatay na. Sumiksik ako sa kaniya, pinili ko ng hindi manood dahil masasaktan lang ako.

Bakit mo pa kasi pinili 'to Ken! Nakakainis ka!

"Tell me if you want to watch another movie, ayokong nakikita kang umiiyak because of that movie, Heyna." Mas lalo akong umiyak.

Hindi ko kasi maatim na panoorin pa ang movie na pinili niya, ang sakit-sakita kasi eh. Ang sakit na parang ako ang bida sa palabas na 'yon, ramdam ko 'yong sakit and at tha same time 'yong lungkot.

"Heyna,"

"Hindi wag mong palitan, hintayin nating matapos." Sambit ko.

Humiwalay ako sa kaniya, pero hindi niya hinayaang magkaroon ng space sa pagitan naming dalawa. Ang movie marathon na ginawa naming dalawa ay nauwi sa iyakan at dahil na rin sa mga oras na ito, mas gusto ko na lang na nasa tabi niya.

Ano ba 'tong iniisip ko ?

Kanina halos mamatay-matay ako sa tindi ng tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi at binanggit niya, ngayon naman ay halos gusto ko na siyang idikit dito sa katawan ko.

Matagal at medyo nakaka-ilang mang aminin pero isinandig ko ang ulo ko sa balikat niya habang patuloy ako sa pagluha dahil sa pinapanood namin.

"I didn't know that these movie can make you cry," rinig kong sabi niya habang hinihintay naming matapos ang palabas.

"Kasalanan mo yan Ken," sabi ko sabay singhot.

"Huh ? Bakit ako ? Anong ginawa ko ?" Sige maang-maangan ka pa.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.

"Kasalanan mo kung bakit ako umiiyak, kasalanan mo!" Sigaw ko rito na siyang ikinagulat niya.

Mabilis niya akong dinaluhan upang punasan ang luha sa pisngi ko. Tumulo nanaman ang mga luha ko, nakakainis! Ang lakas talaga ng impact ng palabas na 'yon sa'kin!

"I'm sorry, i didn't mean to. Hindi ko naman kasi alam na iiyak ka habang nanonood tayo eh. Sorry." Para siyang batang may inaway sa itsura niya ngayon.

Imbis na sumimangot at napangiti ako dahil na rin sa tono ng pananalita niya sa harap ko.

Nagpatuloy ang panonood namin hanggang sa dalawin na kami ng antok sa sala.

Nakatulog ako pero hindi ko inaasahan ang mararamdaman ko sa mga kamay ni Ken.

•••

SCENTIST (VIXX FF) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon