He is just a Typical Science Professor, kaya hindi siya naghahanap mg Lovelife dahil sayang lang sa oras.Hindi naman siya nag hahanap ng mapaglilibangan, madami kasi sa estudyante niya ang nagtatanong kung sino na ang Lucky Girl sa buhay niya. Pero ngiti lang ang sagot niya.
Marami din siyang mga Co-professor na babae na magaganda, mga sexy at hindi na kailangan pa ng extension dahil sobrang magaganda naman lahat. Pero hindi niya talaga alam kung bakit wala pa ni isa sa mga babaeng nasa University na yun ang pumupukaw sa Atensyon niya.
Matatapos na siya sa matagal niya ng experimento. At ito ang isa sa pinagkaka abalahan niya. Hindi naman din kasi madali ang maging isang Science Professor dahil madami kang gagawing mga eksperimentasyon at kailangan mo ding idemo yun sa klase mo.
Agad na pumukaw sa kaniya ang katok mula sa pinto kaya tinanggal niya muna ang Salamin sa mata niya. Maingat niyang nilagay yun sa isang lamesa bago lumabas sa kwartong yun.
Ng buksan niya ang pinto ay tumambad sa kaniya ang isa sa Co-professor niya na may gusto DAW sa kaniya. At hindi siya nag hahanap ng Lovelife kaya hindi siya magtatake Advantage sa babaeng ito.
"Ano yun?" Tanong niya.
Nakita niya ang pagkailang nito sa kaniya. Ganito naman ang mga babae kapag kaharap ang mga lalaking gusto nila di ba ? Bigla bigla na lang maiilang. Umasta kasi kayong parang wala lang ganun, Relax, Kalma, Chill lang na parang wala lang, para naman hindi napag hahalataan.
"May meeting mamayang Breaktime." Yun lang ang sinabi ng babae at mabilis na umalis.
Nagtataka pa din siya kung bakit ganun ang babaeng yun ? Hindi ba pwedeng maging normal lang kayo sa harap ng mga lalaking gusto niyo ? Nakaka stress kayo eh.
Akala mo naman Panel sa Thesis Defense yung kaharap niyo kung makailang kayo diyan.
Sinarado na niya ang pinto at inalis ang Lab coat na suot niya at ang puting gloves.
He was so freaking Hot Professor kapag may suot siyang lab coat, white gloves at ang salamin niya. Ibang iba. At sobrang kakaiba talaga.
Humarap siya sa salamin at inayos ang medyo may pagkapink ng long sleeve na suot niya. Bago inayos ang buhok niya.
Saka siya lumabas dahil magbebreak time na din naman.
••
BINABASA MO ANG
SCENTIST (VIXX FF) | ✓
Misterio / Suspenso"Whirlwind of Clear Scents" [VIXX FANFICTION] [UNEDITED]