"This is ridiculous! Anong sabi mo ha!? Tatanggalin mo ako sa shareholders mo! Nababaliw ka na ba!?" Sigaw ng isang mayamang negosyante na siyang kausap niya sa loob ng conference room.Silang dalawa lang ang taong nandodoon. Tinignan niya ang galit na galit nitong mata na nakatingin sa kaniya.
"You know what i mean Mr. Reyez. Hindi ako nagtatanggal ng Shareholders sa kompaniyang pinaghirapan ko, kung.." tumaas ang gilid ng labi niya. "May isang taong sinasaksak ako patalikod." He said.
Agad siyang tumayo habang hawak ang isang baso na may lamang wine at naglakad papunta sa lalaking nanlalaki ang mata.
"You don't know me that much Mr. Reyez.. kaya sana inalam mo muna kung sinong kinakalaban mo." Huminto siya sa mismong likudan nito.
"At wag na wag mong itatatak sa isip mo na isa lang akong walang kwenta at pipitsuging Boss ng Kompaniyang ito." He leaned and whispered. "Dahil mas makalat ako maglaro, mas makalat na pati ikaw pwede kong patayin sa oras na gustuhin ko man."
Lumayo siya dito at sumimsim sa alak na dala-dala niya.
Dahan dahan siyang naglakad palayo dito.
"Then tell me, sinong nag utos sayo ?" Tanong niya dito.
Pero ilang minuto na ang nakakalipas ay walang sumagot sa tanong niya. Huminto siya sa harap nito mismo at tinitigan ang mukha nitong puno ng kaguluhan at takot.
"Sinong nag utos sayo na mag imbak ng mga pinagbabawal na droga sa kompaniya ko ?" Tanong niya pero wala pa ring nalabas mula sa bibig nito.
Inubos niya ang alak sa basong hawak niya at malakas na binagsak sa lamesa dahilan para magulat ang lalaki na nakaupo sa harap niya.
"Sino ang nag utos sayo Mr. Reyez ?" Sa pagkakataong iyon ay sumagot na ang lalaki.
"G-gusto n-niyang.. n-niyang! Makulong ka! Kaya ginawa ko yun! Binayaran niya ako ng 10 million para ilagay sa kompaniya mo ang mga drogang iyon! Nangangailangan ako ng pera dahil sa nagkasakit ang asawa ko-"
Ibinagsak niya ang palad sa lamesa na nagpatigil sa pagsasalita ng lalaki.
"You are a Fucking Liar." He said.
Madilim ang mukha niyang kinuha ang puting folder sa harap ng kinauupuan niya at binato sa lalaki.
"Basahin mo ng mabuti at sabihin mo sa 'kin kung totoo ang lahat ng yan." Madiin na sabi niya.
Nanginginig ang kamay ng lalaki ng kinuha ang folder at dahan dahang binuksan iyon, dahan dahang nanlalaki ang mga mata nito habang binabasa ang lahat ng nakalagay sa folder na yun.
"Hindi totoo ito!" Sigaw nito sa kaniya.
Tinignan niya ang mata nitong takot na takot na.
"Talaga ba ? Talaga bang hindi totoo yan ? Ang ayoko sa lahat yung sinungaling at magnanakaw eh." Makahulugan niyang sabi at may kinuha sa likod ng pantalon na suot niya.
Dahan dahan siyang naglakad papunta dito, at malakas niya itong sinapak sa mukha. Dahilan para bigla itong mapasubsub sa lapag.
"Maawa ka! Maawa ka Ken! Nangangailangan lang ako ng pera dahil baon na ako sa utang!" Sinapak niya ulit ang lalaki dahilan para dumugo ang ilong nito.
Dahan dahan itong gumagapang palayo sa kaniya.
"Maawa k-ka.."
"Hindi ako maawa sa kagaya mo.. sa kagaya niyo.." hinablot niya ang buhok nito at itinurok niya sa leeg nito ang syringe na hawak hawak niya.
Nanlaki ang mga mata nito ng mapatingin ito sa kaniya. Tumaas ang gilid ng labi niya.
"Magkita na lang tayo sa impyerno Mr. Reyez." He said.
Lumayo siya sa lalaki ng magsimula ng tumalab ang lason na itinurok niya dito. Bumubula ang dugo sa bunganga nito at nanginginig ito habang nakahiga sa sahig.
Ng makita niyang huminto na ang panginginig nito at inayos niya ang suit na suot niya at agad na lumabas ng conference room.
No one can mess with me.
••
BINABASA MO ANG
SCENTIST (VIXX FF) | ✓
Mistério / Suspense"Whirlwind of Clear Scents" [VIXX FANFICTION] [UNEDITED]