Something's Different, the way he love and care for his Wife and Everything.Natutuwa siya dahil hindi niya alam na may makikita siyang isang Piano sa basement ng bahay niya. Hindi niya alam kung anong meron sa piano na yun pero umaasa siya na magugustuhan iyon ng Asawa niya.
Ilang araw niyang nilinis ang bagay na yun bago puntahan ang Asawa niya sa bahay ng mga magulang nito. Pero hindi niya inaasahan na yun ang madadatnan niya.
Ng makapag park siya sa labas ay may dala siyang tatlong piraso ng Pulang Rosas na gusto niyang ibigay sa Asawa niya bago ito ayaing pumunta sa bahay niya.
Hindi niya mawari kung anong saya ang mararamdaman niya, ngunit nandoon ang urge na parang may kakaiba ? Na para bang may hindi tama. Na para bang may mali.
Nguni't isinantabi niya yun dahil masaya siya, gusto niyang ipakita yun sa Asawa niya at paniguradong magugustuhan iyon ng babaeng Mahal niya.
Hindi na siya nagdoorbell dahil balak niyang surpresahin ang Asawa niya, at saktong hindi nakalock ang gate kaya pumasok na siya.
Malaki ang ngiting nakaukit sa mga labi niya. Sa hindi niya malamang dahilan ay biglang na lang naghalo ang Excitement at mas nangibabaw ang Kaba sa dibdib niya.
Ayaw man niyang isipin ng isipin ang kabang nararamdaman niya, ngunit mas nangingibabaw yun. Nawawala na ang ngiti sa labi niya ng marinig niya ulit ang masayang tinig ng Asawa niya.
Wala iyon sa living room, at paniguradong nasa kusina iyon at nagluluto. Ayaw man niyang isipin na may kasama ito at si Manang iyon, pero sumasagi sa isip niya ang titig ng lalaking kasama ng Asawa niya ng nakaraang araw.
Bawat hakbang niya ay mas lalong nangingibabaw ang kaba sa dibdib niya, bawat segundong lumilipas, bawat minuto, at bawat sandali.
Ng makarating siya sa kusina ay tuluyan ng nalaglag ang tatlong Pulang Rosas na hawak hawak niya. Napako siya sa kinatatayuan at Nakatitig lang siya dalawang taong nasa kusina.
Tama ang hinala niya, tamang tama.
Ang lalaki na kasama ng Asawa niya, nung araw na pumunta siya doon ay nakayakap na sa likod ng babaeng Mahal niya.
Hindi niya magawang gumalaw, wala siyang maramdaman kundi ang salitang SAKIT lang. Nakatutok ang mga mata niya sa dalawang bulto ng taong nakaharap sa stove. Pinipigilan niya ang galit na nagsisimulang mag umapaw sa dibdib niya.
Nanlilisik ang mata niya habang nakatutok ang mata sa dalawang taong nandodoon. Dahan dahang kumuyom ang mga kamao niya, na baka maya maya at makakapatay na siya ng tao.
"Sir Leo ? Nandito po ka- Diyos ko po!" Agad na huminto ang matanda sa tabi ni Leo na siyang nakatingin din sa dalawang taong yun.
Nakatakip ang bibig nito na halatang halata ang sobrang gulat. Walang ibang umiikot sa utak niya kundi kung paano papatayin ang lalaki. At kung paano iyon makikita ng Asawa niya.
"Manang! Patawagan nga po si Leo! Nasa kwarto po yung phone ko. Pasabi po na nasa bahay ako ni Jellie, at bukas na ako makakauwi! Salamat po Ma-"
Lumingon ang dalawa at sa isang iglap ay nahulog ang sandok na hawak hawak ng Asawa niya. Nanatiling walang imik si Leo.. nanatiling nakatingin siya ng diretso at walang emosyon sa babae at sa lalaking yun.
"M-manang.. L-leo.." nautal na sambit ng Asawa niya.
Marahas na tinanggal ng Asawa niya ang braso ng lalaki na nakapulupot sa bewang nito. At marahas na humarap..
"Umalis ka n-"
"What would i ? Di ba gusto mong pumunta sa Condo ko ? Tapos magmomovie Marathon tayo ? Tapos ngayon papauwiin mo ako ? Dahil nandiyan yung lalaking ya-"
"Shut up!" Dumagundong ang malakas na boses ni Leo.
Parehas na nagkatinginan ang tatlo kay Leo, at nagsimula na siyang maglakad papunta sa Asawa niya. Marahas niyang kinabig ang bewang nito palapit sa kaniya habang matalim na nakatitig ang dalawa niyang mata sa lalaking yun.
"She's. My. Wife." May diin na pagkakasabi niya habang nakatitig sa lalaki.
"Sinabi niyang Mahal niya ako! At nagsasawa na siya sayo!" Sigaw ng lalaking nakapag pantig sa tenga niya.
Dahan dahan niyang hinarap ang Asawa niya, ang Asawa niyang nagsisimula ng umiyak.
"Am i not Enough Wife ?"
"N-no-"
"Then WHY!?" Malakas na tanong niya.
Pero hagulhol lang ang isinagot nito sa kaniya. Binitawan niya ang bewang nito habang nanlilisik ang matang nakatingin sa lalaking nakatayo di kalayuan sa kaniya.
"Why are you here ? Why are you hugging my Wife!? And why are you Flirting with her!?" Sigaw niya.
Mabilis siyang nakapunta sa lalaki at sabay hablot sa kwelyo nito.
"Next time, if i'll see you here AGAIN, i don't hesitate to kill you infront of us.. hindi ako marunong magbiro.. pero ang pumatay kaya ko." Walang alinlangang sabi ni Leo sabay sapak sa panga ng lalaki, na siyang ikinagulat ng dalawang babae.
"Get out of here!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo ang lalaking yun papunta sa labas.
Ang Asawa naman niya ay hahabulin sana ang lalaki ng mahablot niya ang braso nito.
"Where are you going my Wife ?" Walang emosyon niyang tanong.
Pero nanatiling nakatitig lang ito sa kaniya.
"Susundan mo siya ?" Dahil sa sinabi niya ay agad na yumuko ang babae at umiyak nanaman sa harap niya.
Kung titignan siya ay isa siyang napakalamig na bagay na walang nararamdaman kundi ang sakit lang. He stared coldly to his Wife.
"I'm leaving.." yun na lang ang sinabi niya, at mabilis na pumunta sa kotse niya habang nakakuyom ang kamao.
Hindi niya kayang saktan ang babaeng Mahal niya, pero magagawa niya yun kung walang pipigil sa kaniya.
••
BINABASA MO ANG
SCENTIST (VIXX FF) | ✓
Tajemnica / Thriller"Whirlwind of Clear Scents" [VIXX FANFICTION] [UNEDITED]