Tatlong araw na ang nakakaraan matapos kong malaman na... na patay na si Maddy.Tinawagan ako ng Mama niya at sinabing patay na daw siya. Nakita siyang nakabitay sa isang puno sa labas ng bahay nila. Dahil may taong nakakita sa kaniya, at nalaman din na halos hindi na makilala ang mukha at katawan niya dahil sa mga hiwa sa buong katawan niya.
Hanggang ngayon ay nanatiling misteryo kung sino ang pumatay sa kaniya. Kahit na ako ay kinausap ng mga police about sa nangyari sa kaniya. Pero kahit ako ay walang masabi dahil una ay wala akong alam sa kung anong nangyari sa kaniya.
Nakakalungkot lang dahil... hindi makuha ng mga magulang niya ang hustisya na para sa anak nila. Pero kahit na ganun ay umaasa kaming lahat na makikita at malalaman kung sinong pumatay sa kaniya.
"Ito, uminom ka muna. Tatlong araw ka na ring hindi makatulog ng maayos." Binigyan ako ni Hyuk ng tubig.
Tinanggap ko 'yun at tahimik na ininom.
Oo, totoong tatlong araw na rin akong hindi makatulog ng maayos. Dahil hindi lang ang pagkamatay ni Maddy ang iniisip ko, kundi ang huling sinabi niya sa akin noong tumawag siya.
Na sinasabi niyang... mamamatay ka.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso at nilamon agad ako ng takot at kaba dahil doon.
Dahil pagtapos 'nun ay dalawang araw niya akong hindi tinawagan o tinext. Dalawang araw ko rin siyang tinatawagan at tinitext pero laging nakapatay ang phone niya. After two days... doon lang nalaman ang nangyari sa kaniya.
At tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang nangyari sa kaniya. Kagagaling lang din namin ni Hyuk sa bahay nila Maddy para makiramay.
Kaya hanggang ngayon, nahihirapan akong tanggapin ang nangyari sa kaniya. Walang kaluluwa ang gumawa 'nun sa kaniya, wala silang konsensya.
Napabuga ako ng hangin dahil sa mga senaryong naglalaro sa isip ko. Paano ba ako makakatulong sa nangyari kay Maddy? Gusto ko ring makuha ang hustisya na para sa kaniya pero hindi ko alam kung paano ko 'yun gagawin at kung saan ako maguumpisa.
"Iniisip mo nanaman ba kung paano ka makakatulong sa nangyari sa kaniya?" Dahil sa sinabi ni Hyuk ay napatigil ako.
Nakaupo ito sa harap ko habang nasa harap namin ang round table.
Ipinatong ko doon ang baso na hawak ko at tinitigan siya.
"Hindi mo naman ako masisisi—"
"Hindi nga, pero papagurin mo lang ang sarili mo." Huminga siya ng malalim at napapikit bigla. "Hayaan mo ng mga otoridad na ang lumutas sa kaso niya. Hindi madali ang gusto mong mangyari, madadamay ka lang, Amelia."
Napakagat-labi ako sa sinabi niya. Tama nga siya. May posibilidad na madamay ako sa nangyari sa kaniya... pero, gusto ko pa ring subukan.
"Dumating ba si Kuya Hongbin sa libing ni Maddy?" Pang-iiba ko ng topic.
"Ayaw niya pa ring pumunta," mahina niyang sambit.
Napayuko ako, pati ang Boyfriend ni Maddy na si Kuya Hongbin ay hindi kinaya ang pagkawala ng Girlfriend niya. Sinasabi ni Hyuk na gabi-gabi na itong naglalasing at halos magwala na dahil sa nangyari.
Masakit 'yon... sobrang sakit.
Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Hyuk. Hindi ko napansin ang pagtabi niya sa akin, dahil doon ay bumuhos nanaman ang luha sa mga mata ko.
"Hush... everything will be alright..."
Sana nga... sana.
•••
W/N: Hello :)
BINABASA MO ANG
SCENTIST (VIXX FF) | ✓
Gizem / Gerilim"Whirlwind of Clear Scents" [VIXX FANFICTION] [UNEDITED]