🌹41-Ken

15 1 0
                                    


Mahigpit akong nakahawak sa polong suot-suot niya. Hindi ko maipaliwanag ang panginginig ng mga kamay ko at ang dahan dahang pagsikip ng dibdib ko.

Agad na nagmulat ang mga mata ko dahil sa narinig namin na tila ba pinipilit buksan ang pinto ng elevator na nasa harap namin ngayon. Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ko sa kaniya saka siya mabilis na pumunta sa nakasaradong pinto ng elevator na 'yon.

Bigla na 'yong hinampas ng isang kamay niya kasabay ng biglang pag galawa ng elevatot kung nasaan kami.

"Hawak!" Sigaw niya kaya dali-dali akong humawak sa kamay niya papunta sa tabi niya.

"Buksan niyo! May nakulong dito!" Sigaw siya sanay hampas pa ng malakas sa makapal na bakal na pinto na 'yon.

Ramdam ko ang pawis sa noo ko at ang patindi na patinding hirap sa pag hinga. Sumandal ako sa pinto sabay hinga ng malalim.

"Ayos ka lang ? Nahihirapan ka na bang huminga ?" He said.

Napalingon ako sa kaniya na animoy hinihingal na.

"O-okay pa ako. 'Di pa ako mamamatay." I said at sa isang iglap ay nasa mga bisig na niya ako.

"Wag mong sasabihing mamamatay ka, hindi ka pwedeng mamatay. May mga kailangan ka pag gawin para sa akin." Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o nang-iinis eh.

Agad akong bumitaw sa kaniya at hinampas siya sa braso niya pero hindi ko inaasahan ang biglang pag galaw muli ng elevator, napahawak ako muli sa polo niya at napahawak naman siya sa bewang ko.

"Fuck! Dalian niyong bukasan 'to!" Sigaw niya muli.

Napahawak na ako sa dibdib ko dahil mas lalo na akong hindi makahinga.

"Heyna, Heyna," napatingala ako dahil paulit-ulit niyang sinasambit ang pangalan ko.

Ramdam ko ang pag higpit ng hawak niya sa bewang ko, napasandal ako sa dibdib niya dahil ramdam ko na ang hilo at ang pagbigat ng mga mata ko.

"Heyna, please wag kang matutulog makakalabas tayo dito." He said while holding me.

Hindi ako makapagsalita dahil parang pagod na pagod na ako, naririnig ko na ang ingay sa labas ng elevator at ang paulit-ulit niyang pag hampas sa pinto ng elevator na ito.

Bago pa man ako mawalan ng malay ay naramdaman ko na lang ang malambot na bagay sa bibig ko at ang pag daan ng hangin doon. Agad na nanlaki ang mga mata ko and it hit me.

He's kissing me and giving me a..

At sa pagbukas ng pinto ay ang pag hiwalay sa akin ni Ken, at sa pag paglanghap ko ng hangin ay isang seryosong mukha ni Ken ang huli kong nakita.

At ang pakiramdam ng paglapat ng labi niya sa labi ko, sa pag bibigay niya ng hangin sa akin. Bakit ?

••

SCENTIST (VIXX FF) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon