🌹53-Ken

12 1 0
                                    


Nang magising ako ay puro puti ang nakikita ko. Ang unang akala ko ay patay na ako dahil na rin sa wala akong makita kung hindi puti.

Pero ng igala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto kung nasaan ako, ay doon na ako nagtaka. Why i'm here ? Bakit nakahiga ako sa isang lamesang puti ? At bakit puti at kulay pula lang ang nakikita ko sa kwartong ito ?

Iniisip ko ang mga posibilidad na pwedeng nangyari kung bakit ako napunta dito hanggang sa maisip ko si Ken.

Si Ken ? Nasaan si Ken ?

Napaigtad ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa 'di kalayuan sa'kin. At doon ko nakita si Ken na nakapang hospital gown. Hindi ko alam pero napangiti ako ng makita ko siya.

Ngunit agad itong nabura sa aking labi ng makita ko kung anong hawak niya.

"Pasensya na kung nagising kita, maayos na ba ang pakiramdam mo ?" Tanong niya.

Dumeretso siya papunta sa isang mesa na medyo malayo sa'kin. Doon nakalagay ang tila mga kemikal at mga kagamitan na ginagamit sa isang laboratory.

Inilapag niya doon ang bagay na hawak-hawak niya saka siya dumeretso papunta sa kinauupuan kong lamesa rin.

Hindi ako makagalaw hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa'kin, iba ang nararamdaman ko sa kaniya at mukhang hindi maganda iyon.

"Pasensya na kung dinala kita sa lugar na ito, pero wag ka mag-alala. Walang mangyayari sa'yong masama hangga't nandito ako sa tabi mo."

Pilit akong ngumiti kahit na medyo kinakabahan ako sa pwede niyang gawin o pwedeng mangyari ngayong nandito kaming dalawa sa tila malawak na lugar na ito.

Matagal akong hindi nakasagot, at matagal-tagal rin siyang nakatitig sa'kin wari'y pinag-aaralan ang buong mukha ko.

At nakita ko rin ang tila pagtaas ng gilid ng labi niya. Hindi ko gusto 'yon at hindi ko rin gustong malaman kung ang dahilan 'non.

"A-anong lugar ito ?"

Hindi ko pa nakukuha ang sagot mula sa tanong ko ng hawakan niya ang buhok kong tumatakip sa mukha ko, at saka niya ito inilagay sa likod ng tainga ko.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa mga nangyayari, at 'yon ang hindi ko gusto. Hindi ko gusto ang nangyayari ngayon, gustuhin ko mang maramdaman ang safety sa tabi niya ay hindi ko 'yong maramdaman.

At iisa lang ang nararamdaman ko ngayon.

Kaba at pangamba.

"I can't hurt you,"

Napatingin ako bigla sa mga mata niya, lumalam ito at tila ba naramdaman niya ang kaba ko habang nasa tabi ko siya.

"K-ken.."

Hindi na ako muling nakapagsalita ng sakupin niya ang labi ko.

What the hell ? Don't be scared of him Heyna! He's Ken!

Pero ganoon pa rin. Wala pa ring pinagbago.

Natatakot ako sa pwede niyang gawin.

"I can't hurt you,"

"I can't hurt you,"

"I can't hurt you,"

It's that true ? That you can't hurt me ?

•••

SCENTIST (VIXX FF) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon