Napatigalgal ako at biglang natuod sa kinatatayuan ng dahan-dahang bumukas ang pinto na alam kong kwarto ni Maddy.Isang lalaking nakasuot ng purong itim. Mula sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang suot-suot na sapatos. Mabilis ang naging pagtibok ng puso ko dahil sa takot at kaba, dahil sa nakikita ko... hindi ako makakalabas ng buhay sa loob ng bahay na 'to ng hindi niya ako... napapatay.
Agad na nanlaki ang mga mata ko... ito ba ang sinasabi ni Maddy? I-ito ba...
At halos manlaki ang mga mata ko ng bigla siyang maglabas ng patalim mula sa likod niya. Hindi ako makapagsalita dahil ang hawak niyang patalim ay sobrang pamilyar sa akin.
Pamilyar na pamilyar na habang nakatitig ako doon ay inaalala ko kung saan ko 'yun nakita. Hanggang sa...
Parking lot... sa parking lot!
"Wag kang lalapit!" Puno ng takot na sigaw ko sa kaniya.
Huminto siya... pero naglakad siyang muli papunta sa pwesto ko.
"Hindi! Sabing wag kang lalapit! Tatawag ako ng pulis!" Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko habang kinakapa ang sarili kong cellphone sa likod ng pantalon ko.
At halos panawan ako ng ulirat ng makapa kong wala doon ang cellphone ko. Paano na?
"Dyan ka lang! Wag ka sabing lalapit eh!" Napalinga-linga ako para makakuha ng kahit na anong matigas na bagay na pwede kong ibato o ipanghampas sa kaniya.
Pero wala! Lintik naman oh!
At 'yung cellphone ko, nasa lamesa sa sala at ako nandito sa kusina.
Huminto siya ng ilang baitang sa akin. Bago biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
"Tapos ka na ba sa paghahanap ng ibidensya...?" Napasinghap ako at halos tumindi ang takot na nararamdaman ko dahil... dahil kilalang-kilala ko ang boses niya. "Amelia."
Nanginginig akong umatras, naghahanap ng mahahawakan, naghahanap ng bagay na magpapanatili sa akin sa pagtayo ko sa harap niya, magpapanatili sa akin sa isiping hindi siya ang pumatay kay Maddy.
Pero paano? Kung nandito na sa harap ko ang ibidensya? Kung nandito na sa harap ko... ang pumatay kay Maddy.
"Nagulat ba kita?" Mahinahon niyang sabi pero punong-puno iyon ng pagbabanta.
P-paano niya nagawa ang bagay na 'yon?
Napadausdos ako pabagsak sa sahig at nanginginig akong tumingala sa kaniya. Mula sa ibaba ay kitang-kita ko ang talim at nakakatakot niyang mga mata.
Kung nakakamatay lang iyon, alam kong matagal na akong patay at naliligo sa sarili kong dugo.
Pero... pero hindi! Makukulong siya! Mabubulok siya sa bilangguan!
"Tapos na ang paghahanap—"
"Bakit mo nagawa 'yon?" Mahina kong tanong dito.
Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Nagsimulang dumausdos ang mga luha sa pisngi ko. Ang panginginig at takot na naramdaman ko ay biglang bumuhos sa pamamagitan ng luhang ito.
Imbis na sagutin ay lumuhod siya sa harap ko. Ang kaniyang daliring dumantay sa baba ko at dahan-dahang iniangat ang ulo ko.
Hanggang sa muli kong makita ang buo niyang mukha... ang kaniyang malungkot na mga mata.
"Bakit?" Panimula niya.
At biglang ngumiti.
"Simple lang..." naramdaman ko ang malamig na bagay sa leeg ko.
Ang kutsilyo na kanina lang ay hawak niya, ngayon ay nakadikit na sa leeg ko.
"Dahil mahal ko siya, dahil mahal na mahal ko siya..." mahina niyang sagot.
Pero dahan-dahan ding nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Nanatiling magkadikit iyon hanggang sa magsalita muli siya.
"Tapos na ang paghahanap ng ibidensya, kailangan na kitang isama kay Maddy." Umaliwalas muli ang kaniyang mukha dahil sa ngiti niya.
Ngiting nagpapakita ng kademonyohan na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.
Napasinghap ako ng may maramdaman akong bumaon mula sa batok ko.
Hanggang sa dahan-dahan akong nakaramdam ng antok, bago pa man ako kainin ng dilim ang nasabi ko na lang ay...
"Bakit... bakit, K-kuya... K-kuya Hongbin..."
•••
BINABASA MO ANG
SCENTIST (VIXX FF) | ✓
Mystery / Thriller"Whirlwind of Clear Scents" [VIXX FANFICTION] [UNEDITED]