🌹60-H&H

10 1 0
                                    


"Dito ka muna ngayon Amelia, gusto kong makilala ka na ng mga magulang namin." Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Hyuk sa'kin.

Dalawang araw pa lang kami pero mukhang napakabilis na ng mga galaw niya sa'kin, well ganun naman talaga siya sa'kin.

"H-ha?" Hindi ako makapagsalita ng maayos o ang makapag-isip ng maayos dahil sa sinabi niya.

Ipapakilala niya ako agad sa mga magulang niya? Agad agad?

"Oo, bakit may problema ba 'don?" Umupo siya sa kama sa tabi ko.

Nakatingin ako sa kaniya ngunit agad kong binawi 'yon at tumingin sa ibang direksyon, napaka aga naman kung ipapakilala niya ako agad, hindi ba pwedeng mag enjoy muna kaming dalawa bago ako matali sa kaniya?

"Wala naman, parang ang bilis kasi ng nangyayari eh. Medyo nakakagulat eh, ganun." He let out a sigh saka hinawakan ang mga kamay ko.

Muli akong tumingin sa kaniya, sa mga mata niya.

"Wag ka mag-alala, nandito lang naman ako sa tabi mo kapag ipinakilala na kita eh. Akong bahala sa'yo." Ngumiti na lang ako at tumango sa tinuran niya.

Hindi ko man lang maeenjoy ang--

"Gusto ko kasing makilala agad nila 'yong babaeng unang nagpatibok sa puso ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, unang babaeng nagpatibok sa puso niya? Ang swerte ko naman.

"A-ako?"

Tumango-tango siya ng may ngiti sa mga labi niya.

"Hindi ako naniniwala Hyuk."

"Bakit naman hindi ka naniniwala?"

"Kasi hindi naman kapani-paniwala."

Tumawa ito kasabay ang pagusog nito palapit sa'kin.

"So hindi ka talaga naniniwalang ikaw ang unang babaeng nagpatibok sa puso ko at ang unang babaeng ipapakilala ko sa mga magulang ko?"

Tumango-tango ako habang nakangiti sa kaniya.

"Ayy! Ayaw talagang maniwala ng babaeng mahal ko oh?"

Tumibok ng mabilis ang puso ko at biglang bumigat ang paghinga ko ng marinig ko mula sa kaniya ang salitang babaeng mahal ko.

"Hindi talaga ako manini--teka! Hyuk! Anong ginagawa--"

"Kasi hindi ka naniniwala kaya.." napahiga ako sa kama at mabilis siyang pumaibabaw sa'kin.

Naglalaro ang isang ngiti sa mga labi niya at agad niyang kinuha ang dalawang kamay ko at ipiniid niya sa itaas ng uluhan ko.

"Papaniwalain kita." Mas bumagal ang paghinga ko at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

May naglalarong kung ano sa sikmura ko dahil sa naiisip kong pwede niyang gawin ngayon.

"A-ayoko m-mani--"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng mabilis niyang itinawid ang pagitan ng labi naming dalawa. At ng humiwalay siya ay nakita ko kakaibang kislap sa mga mata niya.

"Ngayon naniniwala ka na ba?" Lumulutang pa ang isip ko dahil sa malambot na bagay na dumikit sa labi ko kanina lang.

Pinakawalan na niya ang mga kamay ko at itinukod na niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ng uluhan ko.

"H-hindi.."

"Ayy! Hindi pa rin, hmm.. baka hindi lang 'yon ang kailangan mo para paniwalaan mo ako."

Hindi naman na ako magtataka sa sinabi niya. Kinagat ko ang labi ko at mapang-akit ko siyang tinignan and i heard his manly and husky laugh.

"You're tempting.."

•••

SCENTIST (VIXX FF) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon