🌹33-Ken

17 1 0
                                    


Nakarating na ako sa top floor kung saan nandoon ang opisina ko. Nalaman ko din sa ibaba na nandoon na nga sa opisina ko si Heyna Cruz, at ngayong 4pm lang ako nakauwi at siya.. kanina pang 7am naghihintay sa 'kin.

Ang tatag naman ng babaeng yun ? Nahintay pa ako ng ilang oras ?

Habang papunta ako sa opisina ko ay paulit-ulit na nagrereplay sa isip ko ang sinabi ng CEO nila. Lalo na ang Boss ni Heyna.

"I don't like her to become my secretary, i have my needs. She's my Secretary but she not really give what i want."

That fucking CEO. She's a Secretary, not a SEX-retary.

Gumalaw ang panga ko, at kumuyom ang mga kamao dahil sa narinig kong yun. Hindi ko alam kung anong pwede kong magawa kung sakaling may bumastos ulit sa babaeng yun.

I find her cute, simple and normal woman. And i know that she's a fragile..

Pagbukas ko ng opisina ko ay nabungaran ko ang isang babaeng natutulog sa itim na couch sa gilid ng opisina ko. Bahagya akong nagulat dahil kitang kita ko ang mukha niyang natutulog sa pwesto ko.

Pero ng makumpirma kong tulog na tulog siya ay dahan dahan kong sinara ang pinto at tahimik na naglakad palapit sa kaniya. Ng makalapit ako ay napansin ko na nakayakap ang isa niyang braso sa katawan niya, at ang isa naman ay nakahawak sa isang unan na nakalagay sa pangupo niya.

Nakita kong nakapalda siya. Kaya pala.

Agad kong hinubad ang itim na suit ko at pinatong ko sa puti kong long sleeve na suot. Dahan dahan ko iyong inilagay sa katawan niya. At saka ako lumuhod sa tabi niya at tinitigan ang maamo niyang mukha.

She really pretty, everything about her. Hindi ko alam kung anong nakita ng gagong yun sa kaniya, at buti na lang ay hindi pa nagagawa ng gagong yun ang nakakadiring bagay na yun.

Bahagya siyang gumalaw at mas nakita ko ang ang ganda niya, ang simpleng ganda niya.

"You will be my New hired Secretary." I whispered at lumayo na sa kaniya.

Hinayaan ko na siyang matulog, saka ako umupo sa swivel chair at nagtrabaho na lang ulit.

••

Kinikilig ako~

Advance Happy Birthday Hakyeonie! :)

SCENTIST (VIXX FF) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon