🌹66-H&H

1 1 0
                                    


Araw na ng libing ni Maddy. Pero wala ako ngayon doon, nandito ako ngayon sa apartment niya.

Nakiusap ako sa Mama niya na kung pwede ba akong pumunta dito. Noong una ay hindi niya ako pinayagan, pero inamin at sinabi ko na gusto kong makatulong sa paglutas ng nangayari sa anak nila.

Pagtapos 'nun ay muli siyang umiyak sa akin, hindi ko alam kung ilang minuto 'yun... basta ng matapos siyang umiyak ay ibinigay niya sa akin ang susi ng apartment ni Maddy saka siya nagmamadaling umalis sa loob ng kanilang bahay kung nasaan kami.

Ilang minuto akong napatitig doon, hinahanap ko ang lakas ko kung gagawin ko ba talaga ang plano ko sa palihim na paghahanap ng ibidensya sa nangyari kay Maddy.

At habang nasa byahe ako ay tinatagan ko ang loob ko. Ayokong magtago kay Hyuk, pero ayoko ding palagpasin ang pwede kong maitulong sa kaso ni Maddy.

Ayokong ang huling mga binanggit niya lang ang iisipin ko, kahit na takot na takot ako sa isiping 'yun. Pero kung gagawin ko 'to, alam ko sa sarili ko na mabibigyan ng hustisya ang nangyari.

At sa kung ano mang mangyari sa akin.

Nang makababa ako sa kotse ay pinagmasdan ko ang Apartment na inuupahan ni Maddy. Alam kong dito 'yun.

May mga taong nakakita sa akin at pinag-uusapan nila kung bakit ko pinagmamasdan ang Apartment sa harap ko. Pero ipinagsawalang bahala ko lang sila.

Mahigpit ang hawak ko sa susi at determinado akong naglakad papunta doon.

Kinakabahan man sa kung anong makikita ko sa loob ay pinagsawalang bahala ko na lang 'yun at tuluyang binuksan ang pinto na 'yun

Napabuga ako ng hangin dahil sa kabang nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at mabilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang click ng lock ng pinto.

Dahan-dahan kong itulak iyon papasok at ang maaliwalas at halos walang kagamit-gamit na loob ng Apartment bumungad sa akin. Maliban na lang sa mga cabinet at mga lamesa na dito na talaga nakalagay.

Nang malaman naming patay na siya ay kinuha na ng mga magulang niya ang mga gamit niya dito. Halos lahat, walang itinira kahit na miski isa.

Naglakad ako papasok at isinara ang pinto. Maliwanag sa loob kahit na nakasara ang ibang mga bintana. Naalala ko, dito kami noon nag-lalagi.

Oo, sabihin na nabully na ako dati ni Maddy pero palihim niya akong itinuring na kaibigan. Hindi ko lang alam ay kung bakit nangyari sa kaniya ito.

Inilagay ko ang bag ko sa lamesa na malapit sa akin at binuksan ang ilang bintana para makapasok ang liwanag mula sa labas papunta dito sa loob. Nang gawin ko 'yon ay umihip ang hangin na nagpakalma sa akin.

Muli kong tinignan ang kabuuan ng Apartment. Malungkot akong napangiti. Bakit sa Bestfriend ko pa nangyari 'to? Bakit ganun?

Napakuyom ako, hindi ako dapat panghinaan ng loob. Alam kong may dahilan, pero hindi ko alam kung ano 'yun.

Kaya nakapagpasya na ako. Maghahanap ako ng ibidensya dito sa loob ng Apartment niya kung sakali mang may mahanap ako.

Naglakad ako papunta sa isang pinto na alam kong kwarto niya. Pero mamaya ko na 'yun titignan. Nagumpisa ako sa kusina, kahit na alam kong para akong nangangapa sa dilim at ginawa ko pa rin ang nais ko.

Pero halos kalahating oras na akong naghahanap sa sala at kusina ay napatigil ako.

May narinig akong kalabog. Parang nahulog na isang bagay, pero nakakapagtaka dahil alam kong wala ng kagamit-gamit sa Apartment na ito.

Napalingon ako sa may pinto.

Doon ko narinig 'yun...

Hindi kaya...

•••

SCENTIST (VIXX FF) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon